TWCIASA #49: She's mine

618 37 13
                                    

TWCIASA #49: She's mine

Paggising ko nasa clinic na ako. Hindi ko alam kung paano ako napunta dito. Sinabi lang ng nurse na hinatid ako ni Kiano Livingston dito mismo.

'Palagi na lang akong suki ng clinic.'

Natulala ako saglit at inisip ang lahat. Napabuntong hininga na lang ako. Sa matagal na sandaling iyon umalis na rin ako. Ayoko rin naman kasi magtagal.

Sa gitna nang mabagal na paglalakad pakiramdam ko ay lutang na lutang ang utak ko at matutulala na lang ako sa kawalan.  Nakikiramdam na lang ako sa paligid at parang baliw na nag-iisip na may gagawa sakin ng masama.  Hindi ko namalayan na may humila na sa akin. Nang makasalubong ko ang mukhang niya ay doon ko na lang napagtanto na may tao na pala sa harap ko.

"Gusto mo na bang umalis dito?" Diretso at seryosong sabi niya. Napakunot ang noo ko dahil sinasabi niya. "Btw, I'm Ace Sanchez." Matangkad siya at may itsura naman. Katamtaman ang kulay at mahahaba ang pilik mata niya. Hindi ko na iyon masyadong pinagtuunan ng pansin ang naiisip ko lang ay yung sinabi niya.

'Eto ang step brother ng pinsan ko.'

"I know na naguguluhan ka na may bigla na lang susulpot sa kalagitnaan ng paghihirap mo. At bigla na lang sasabihin na gusto kang tulungan. Trust me. I really want to help you." Tutok na tutok ang mga mata niya sa pagkakasabi sa akin. Tanging nasa isip ko lang...

Zam...

Wag kang maniwala...

Isa lang rin siya na tatraydor sayo...

Lahat sila....

Maaaring sumira ng pagkatao mo...

At kayang mawala ka sa mundo.

Umiling ako ng wala sa sarili. At ngumiti ng mapait. "I don't need your help." Habang sinasabi iyon. Alam ko sa sarili ko na hindi ko siya kailangan. Ang kailangan ko lang  ay tulungan ang sarili ko nang...

mag-isa.

Akmang aalis ako sa harap niya ng muli niya akong iharap. Napakunot na ang noo ko. Hawak ng malalaki niyang kamay ang magkabilang braso ko.

"Listen to me, Commoner!" Masyadong ng humihigpit ang pagkakahawak niya sa akin. "Tutulungan kitang makaalis dito. Tutulungan kitang makaalis sa impyernong ito!" Naiyukom ko ang kamao ko. Para san pa? Huli na rin naman ang lahat. Tinulak ko siya gamit ang natitira kong lakas.

Nagsimula akong magsalita.

"Maaari ngang alam mo ang nararanasan ko. Pero hindi mo alam ang pakiramdam ko." Napangisi ako. "Sa tingin mo, kaya mo kong tulungan?" Hindi makapaniwalang sabi ko. Gusto kong sabihin sa kanya na wala nang kayang makatulong.

Sarili ko lang ang mapagkakatiwalaan ko...






Wala ng iba.

"Yes, Just let me help you and trust me." Mahinahong sabi niya. "If you stay here longer I doubt that you'll live. For them, you're nothing but a trash. Para sa kanila, isang napakagandang reward ang matatanggap nila kapag napatay ka nila, Zam. Don't you see? Lahat ng estudyante ay gusto kang mawala na dito sa University."

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon