TWCIASA #7:Devil Artist

998 39 1
                                    

TWCIASA #7: Devil Artist

Hindi ko pa rin makalimutan ang nangyari kagabi parang isang bangungot. Nakita nila ang mukha ko. Hindi ako nag-ingat.

Napabungtong hininga ako. Hinanap ko ang maleta ko pero hindi ko makita. Yung pangpasok lang ang nandito.

'Asan na na yon?' 

Tinignan ko sa ilalim. Wala. Tinignan ko sa gilid ng kama. Wala. Pinalibot ko na ang mata ko wala talaga. Wala sa kitchen. Wala sa terrice. Asan na yon? San ko nilagay..

'Wait. Hindi kaya naiwan ko sa unit ni Kiano? O__O Shit. Pano ko kukunin yon?! Halos pabalik balik ako. Anong gagawin ko? Anong sasabihin ko? Aish! Bahala na nga! Nakaayos na ang mukha ko. Pagkalabas ko.'

Tumapat na ako sa pintuan. Halos nilalamig ang kamay ko sa kaba. Ilang minuto na kong pabalik balik kung kakatok ba ako o hindi.

'Mygod, Zam! Ano bang kinakabahala mo? Kukunin mo lang sa kanya yung maleta mo! Hays! Bahala na!'

Nang kakatok na ako ay biglang bumukas ang pintuan. Napatitig ako sa mukha niya. Bagong ligo siya at mukhang..papasok na.. Walang lumalabas sa bibig ko parang may pumipigil na magsalita ako.

"What do you need?" Cold na sabi niya. Diretso lang ang tingin niya sa akin. Halos kumabog ng malakas ang dibdib ko. Napahawak ako dahil baka marinig niya yung kabog. Napakunot siya. Bigla akong lumayo.

"A-a-Ah!.. Y-Yung m-maleta ko.." Wtf. Nag utal utal ba ko? Bakit ganto ang kaba ko sa lalaking to?! Halos sa kanilang lahat naman ay kinakabahan ako.

Inalis niya ang tingin niya sakin at lumingon sa loob. Sinara niya ang pinto. Bastos. Halos parang gusto kong suntukin tong lalaki na to.

Biglang bumukas yung pintuan. Hawak hawak ang maleta ko. Inilabas niya at sinarado ang pintuan.

"Tss! Asshole." Sambit ko. Ang sama ng ugali mo!

Pero biglang bumukas ulit yung pinto.

"What did you say? Asshole?" Nakakunot na sabi niya. Gusto kong isigaw ulit yon sa mukha niya. ASSHOLE!

"I said.. T-Thank you!" Sarkastikong sabi ko at tumalikod na. Dire-diretso ako pagpasok sa unit ko.

Napatingin ulit ako sa salamin. Itong disguise na ito. Hindi ka agad agad mapapansin hindi katulad ni Zam Yuin nasa malayo pa lang pansin na pansin na. Ako na ngayon si Andrei Marie Amphere na isang ordinaryong babae at hindi kapansin pansin. Maninibago ka na Zam sa bago mong buhay na maging isang commoner.

Lumabas na ako ng unit at dumiretso sa building C. Nakita ko ulit sila.

The addict.

Tahimik lahat. Wala kang maririnig na ingay. Lahat nakatulala.

'Anong nangyari?'

"Ano kayang pangalan nun? Siguro transferee siya?" Sabi nung isang kagrupo nila.

'Sino naman kaya ang pinag-uusapan nila?'

Nakasulyap lang ako sa kanila.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon