TWCIASA #32: Pangulasian Island

827 44 9
                                    

TWCIASA #32: Pangulasian Island

Ilang weeks ang lumipas. Nakaalis na si Zin ng bansa. Syempre pasikreto ang pag-alis niya hindi kasi nila alam na kambal kaming dalawa ang alam ng nakakaalam ng sikreto ko ay iisang lang tao ang nagpapanggap. I should be careful.

Pumasok na ako sa isa kong subject halos ang nasa isip ko lang ay ang napag-usapan namin ni Leonard. Masyado akong kinakabahan dahil kilala na niya ako.

'Pano niya nalaman? Anong ginawa niyang pang-iimbestiga sakin?'

"Okay class, this coming week ay Celebration sa ika-30th Anniversary ng Livingston University at alam niyo naman to right?"

"Yes! Sir! Excited na ko!!! Omgggg!"

"Me too! Ilalabas ko na ang magandang two piece ko!"

"Okay class! Quiet! Sa Pangulasian Island tayo! Beach Resort yon sa Palawan. Magbaon na kayo ng pang 3 days na damit. Required to sa lahat ng estudyante. May mga activities din tayong gagawin don. Okay, Class dismissed!" Masayang masaya lahat ng estudyante para sa nalalapit na pagpunta sa Palawan. Pero hindi ko alam kung matutuwa ba ako o kung kakabahan dahil alam na ni Leo kung ano ako. Pano ko to malulusutan.

Nakita ko si Janna at ang mga member ng leafstone frat. Excited na rin sila pero ako hindi. Makakapagswimming ba ako dito kung malulusaw lahay ng make up sa katawan at mukha ko? Hindi nila ako pwedeng makita na nagpapanggap lang ako.

Ilang araw ay dumating na ang 30th Anniversary. Mga nagsisilabasan na silang lahat. Madaling araw na at nakaayos na lahat ng gamit ko. Sinundo ako ni Cj para bumaba na.

Humiwalay sa akin si Cj para hindi nahahalata ang paglapit niya sa akin.

Bus 06 ako nakalagay nandito na lahat ng passport ko para sa paglipad. Syempre ginawan nila ako ng pekeng passport at sa tingin ko naman ag magaling ang Agency para makalabas ng bansa na magagamit ko ang mukhang ito.

Pagpasok ko sa Bus ay sumalubong ang tatlong mukhang hindi ko inaasahan. Si Jawrence ay nasa dulong upuan at mukhang inaantay ang pagdating ko. Si Kiano naman ay nasa gilid at ganon din. Nakangiti naman siya sakin.

"A-Andrei.. Dito ka na sa tabi ko." Napalunok ako dumapo ang tingin ko kay Jawrence kakaibang tingin iyon. Seryoso at walang kakakitaan ng emosyon.

Naglakad ako. Papasok. Naramdaman ko ang kamay na nakakapit sa braso ko.

"Sinong may sabing sayo siya uupo?" Nakangising sabi ni Leo. Sumama ang mukha ni Kiano sa kanya at kitang kita ko ang pagtiim ng jaw line niya.

"Oh! Shut the fuck, Leo. Sit here, Andrei--"

Pero huli na at hinila ako ni Leo sa tabi niya. Naramdaman ko ang pagbulong niya sa tenga ko.

"Do you want him to know your secret, Zam? Or Andrei?" Napakuyom ako ng kamao ko. May deal nga pala kami. "I'm sorry to tell you, my dear brother. Dito uupo si Za---Andrei." Nakangising sabi niya na halata namang sinadya niya ang pagbanggit ng pangalan ko. Maya maya ay bumulong na naman siya. "Tell it, Zam. Tell him." Napatingin ako kay Kiano. Nakakunot ang noo niya ng makita ang pagdikit namin ni Leo. Bahagyang nakatiim ang panga niya dahil sa ginagawa ni Leo sa akin. Nakadikit siya sa likod ko.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon