TWCIASA #24: Twin

913 40 3
                                    

TWCIASA #24: Twin

Ilang araw na rin ang nakakalipas ng nilinis ko ang unit ni Jawrence. Eto ang utos niya sakin dahil nakakatakot siya kahit na umayaw ako. Kahit na ayaw ko dahil hindi dapat ganito ang nangyayari sa akin! Isang Livingston!

FLASHBACK

Mina-mop ko ang sahig ng unit niya. Halos pawisan ako kahit mayroong aircon dito. Pinunasan ko ang gilid ng mukha kong may pawis. Ganito pala maglinis. Malinis naman ang unit niya pero bakit kailangan niya pang ipalinis ito? Naalala ko pa yung sinabi niya at sobrang nanggalaiti ako.

"Ayokong makakita ni isang alikabok dito sa unit ko. Kundi ipapalinis ko ulit sayo to... Mula umpisa. Kahit nalinis muna." Seryoso niya sabi na akala mo ay amo ko na dapat gawin ko ng maayos ang trabaho ko kung hindi sesesantihan niya ako.

Sobrang arte niya talaga. Akala mo babae! Kung pwede lang sunugin ko tong unit niya ay makukuntento na ako sa lahat ng pinagsasabi niya sa akin.

Bumukas ang pintuan nito. Ang yabag niyang mabibigat at mabagal na nagsisipasukan ng unit nato. Itinaas ko ang paningin ko para tignan siya. Iginala niya ang kanyang mga mata. Wala na siyang karapatang magreklamo dahil bawat sulok ng kwarto niya kumikintab sa linis. Ipinahid niya ang kamay niya sa divider tinignan kung may mga dumi pa doon tumango lang siya at nagcross ng arm na parang boss. Lumakad pa siya sa at iniikot ang buomg kwarto niya.

"I'm so impressed... Good job. Maid suits you." Nakangising sabi niya.

Nakayukom ang kamao ko at hinawakan ng mahigpit ang mop na hawak ko. Isa pang salita niyang hindi maganda sa pandinig ko lalagapak tong mop na to sa mukha niya. Pumunta lang siya dito hindi para bisitahin ang unit niyang parang mga crystal sa linis kundi ay para iritahin at asarin lang ako.

END OF FLASHBACK

Natapos na ang pagiging slave ko sa kanya at hinding hindi na ako tatanggap ng tulong niya. Kahit kailan.

"Balita ko nagiging close na kayo ng isa sa mga prinsipe ng Livingston ah? Anong pakiramdam?" Sabi ni Sophia na kilig na kilig at nakapangalumbaba pasa harap ko.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon