TWCIASA #57: Owned

149 7 5
                                    

TWCIASA #57: Owned

Papasok na kami sa Livingston University para gawin ang project pagkadating namin doon ay nakaset na ang lahat at tanging kami na lang ang hinihintay. Si Kendall at isang hindi ko kilalang modelo. Nakaupo lang ako sa isang gilid. At ang ibang miyembro ng GYLens ang unang nagpipicture kay Kendall.

"Zam, intimate." Lingon ni Aria. Ako ang sa intimate poses. Tinitigan ko lang si Kendall. Hindi mapagkakailang maganda talaga ang babaeng ito. Halos alagang alaga ang katawan. Nasa gilid niya ang manager rin niya.

Magkatabi sila ng partner niya.

"Close.." Utos ko.

Naglapit naman silang dalawa.

"More."

Pero parang naiilang yung lalaki kay Kendall parang nahihiya pa rito.

"Are you professional? Then, show me what you got." Inismiran ko naman silang dalawa. Napanganga naman sa sinabi ko si Kendall. Tinignan pa niya ang kapartner niya na patanga-tanga. Halos pagalitan niya ito at hilahin papalapit sa kanya. Agad na lumayo ito. Napasapo naman ako sa noo ko sa kawalang kwenta ng ginagawa nila.

"Stupid! Come on!" Naiiritang sabi ni Kendall sa kanya.

"I-I'm sorry Miss Kendall. I have a girlfrie--"

"THEN, I DON'T CARE! Hope you don't sign a contract if you have a girlfriend! You know in modeling you shouldn't be this unprofessional! Who got this stupid fool?" Nilahad niya pa ang kamay niya itinuturo ang lalaking tatanga tanga sa harapan niya. Tinulak niya iyong lalaki.

"Find someone not like him! Stupid man!" Naiinis na sabi ni Kendall sa kanya. Napairap naman ako sa ere. Nakita ko ang pagpasok ni Jawrence sa loob ng stagium. C

"What's the problem?" Bungad niya. Agad na nagliwanag ang mukha ni Kendall ng dumating siya nagsumbong pa kung gaano katanga ang model na kinuha nila. Pinagsabihan ni Jawrence ang manager nito. Nakita ko ang pagbaling niya sa akin.

"Can you show him what professional is?" Nanlalambing na boses ni Kendall sa kanya.

"I'm sorry, Kendall. I have a meeting right now."

"Please, Jawrence." Nakita ko ang paghaplos nito sa braso ni Jaawrence. Nakita ko pa ang pagtingin niya sa relo niya.

"Excuse me." Kinuha niya ang cellphone niya at may tinawagan.

Pagkatapos ay bumaling siya kay Kendall. Tinanguhan niya ito. Tumalon talon naman si Kendall.

"Look carefully." Baling ni Jawrence sa lalaki. Napapahiyang tumango ito.

Nakita ko ang paglapit ni Jawrence kay Kendal. Nakaupo silang dalawa, nag-uusap pa sila nakita ko ang pagsilay ng ngiti ni Kendall na kanina ay hindi mo maipinta ang mukha.

Hinawakan ni Jawrence ang baywang niya pinalapit ito sa kanya nakahawak naman si Kendall sa braso niya at namumula sa ginawa nito.

Itinaas ni Kendall ang ulo niya nilapit ni Jawrence ang ilong niya sa leeg niya at hawak hawak nito ang binti ni Kendall. Halatang ibinibigay ng babae ang sarili nito sa lalaki. Napapakagat labi pa si Kendall sa ginagawa sa kanya ni Jawrence.

"Go." Sambit niya agad akong kumilos. Hindi ko mahawakan ng maayos ang camera nagclick lang ako ng hindi tumitingin kung tama ba ang anggulo na ginawa ko. May kung anong punyal ang tumam sa dibdib ko dahil sa pagkakalapit nilang dalawa ngayon. Nanlalambot ang mga tuhod ko. Nahihirapan ako sa paghinga.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon