TWCIASA #28: With Him

1K 55 24
                                    

TWCIASA #28: With Him

"It's me, Andrei." Nasabi na lang ng bibig ko.

Hindi ko sinasadyang sabihin iyon. Dahil hindi ko kayang marape ng ganito. Misyon ito. Pero sinira ko na lahat. Sira na.

Matagal siyang tumigil at nakapatong lang ang katawan niya sa akin. Hindi pa rin ako matigil sa pag-iyak. Tumutulo ang mga luha ko sa pisngi. Humihikbi na parang batang nakikiusap na wag gawin ito.

Gumalaw siya.

"A-Andrei?" Wala sa sariling sabi nito. May halong pagkagulat ang naririnig ko sa boses niya.

Hinawakan niya ang ulo ko at inilagay sa balikat niya at diretsong niyakap ako. Niyakap ko siya pabalik. Sobra akong natatakot sa kanya.

"I-I'm sorry. I'm sorry. I'm so sorry." Sambit niya. Nararamdaman kong hinahalikan niya ang buhok ko.

"Shit." Sa sobrang higpit ng yakap niya ay naiipit na ako. Nalulusaw yung takot ko dahil sa higpit ng yakap niya.

"S-sorry, sorry, sorry. I promise hindi ko na ulit gagawin iyon. Nadala lang ako ng e-emosyon ko. Tangina. I'm sorry if I scared you." Hinahaplos niya ang buhok. Hiniwalay niya ako sa kanya.

Dumiretso siya agad sa mga mata ko. Pinunasan niya ito ng thumb finger niya.

"I don't want you to cry. P-Please." Sabi niya. May tumulo ang luha ko. Niyakap ko siya dahil hindi ako makamove on sa nangyari. Niyakap naman niya ako pabalik. Takot na takot ako. Sa sobrang lakas ng pintig ng puso ko parang sasabog na ako.

I almost got raped! Hindi ko gustong maranasan ito. Nakakatrauma. Sobra.

"H-halimaw ka." Sabi ko. Humihikbi ako. "M-m-muntik mo na akong rapin.-" Pinutol niya iyon.

"H-Hindi ko sinasadya iyon. Hindi ko alam na si Andrei ka at i-iba ang itsura mo ngayon--" Ako naman yung pumutol sa kanya. Hiniwalay ko ang sarili ko sa kanya at bahagya ko siyang tinulak.

"So, k-kapag hindi ako si Andrei, r-rapin mo ko?" Tanong ko.

Hindi siya umimik.

"Ang kaso, ikaw si Andrei. Kaya hindi kita rarapin." Sabi niya. Binalik niya ang yakap sa akin.

Nagtagal kami sa posisyong ganoon. Nakayakap siya sa akin. Hindi ako makaangal dahil hindi pa rin ako makamove on sa pangyayaring iyon gusto kong siya mismo ang magpagaling ng takot na ito dahil hindi ko kayang dalhin ito sa pagtanda ko.

Bumagsak siya sa gilid ko nakaunan ang braso niya sa leeg ko. Nakatingin siya sa kisame.

"You need to explain everything, Andrei." Sabi niya. Nagulat ako tumingin siya sa akin. Zam Yuin ang mukha ito. Hindi ko man lang naisip.

Tumayo ako. Hinila niya ako pabalik.

"No. Explain here." Sabi niya. Nasapo ako sa noo.

'Anong sasabihin ko?'

"M-Magtanong ka." Sabi ko.

"Bakit ako magtatanong kung pwede mo namang diretsuhing sabihin?" Sabi niya. Inirapan ko siya.

"I hate explaining. Just ask everything." Sabi ko na lang. Sa lagay na ito ay nagagawa ko pang magsalita kung ibang tao ako nakatulala na lang akong magdamag.

'Paano na lang kaya kung natuluyan niya akong gahasain? Paano na? Mandidiri ako sa sarili ko.

Tumingin siya sa akin ng diretso. Ang hahaba ng pilikmata niya. Ang tangos ng ilong at parang babae ang labi niya. Magkasing puti kami at makinis siya. Iyang mukhang yan ang manggagahasa sa akin kanina. Nakakainis kapag naiisip ko pa. Kanina lang nangyari. Nakakatrauma.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon