TWCIASA #56: Approved

68 5 1
                                    

TWCIASA #56: Approved

Napapansin kong hindi ako masyadong nakakatulog ng maayos. Dahil ba puro na lang si Jawrence ang nasa isipan ko. Kelan ka ba naman kasi maaalis at ginugulo mo na naman ang buhay ko!

May pasabi sabi pa siyang..

YOU HAVE TO LOVE ME BACK!

WELL, I STILL LOVE YOU, NOON PA!

Pero syempre hindi ko sasabihin yon. Asa naman siya. Hindi naman porket nagagawa sa akin ito eh kami na agad. Marunong rin naman ako magpaligaw at magpakipot.

Nakatanggap ako ng text galing Val dahil may nag-ooffer sakin ng big project. Kaya kailangan namin pumunta sa office ng nag-offer para sa kontrata. Kakatapos lang kasi ng offer samin ng LCorp. Totoong pinag-aagawan kami ng mga company para sa i-eendors naming mga modelo.

Nagkita kami sa Starbucks.

"International to, Zamantha!" Napairap na lang ako sa kawalan ng tawaging na naman niya akong Zamantha. "It's a BIG OPPORTUNITY FOR US! WHAAAA! YIEEE! Another project!"

"Sino ba ang nag-offer?" Pagtatagalog ko. Marunong siyang magtagalog dahil tinuruan ko matagal na kaming magkasama kaso mas malawak lang talaga siya sa gantong field kaya kapit ako sa kanya.

"Wala ng tanong tanong. We have an appointment! Let's goooo."

Medyo excited na rin naman ako sa another project na ito at hindi naman na bago iyon samin. Pero mukhang big fish nga gaya ng sabi niya. Pagkababa namin ay sumambulat ang  napakalaking building sa amin. A highly impressive building.

It is located on the corner of one of the welthiest avenues in the city breaking all the rules due to this facade with soft slant instead of an angle.

Pumasok na kami. Pagkatapos ay nagtanong kami sa front dest kung saan ang office ng CEO. May another front desk ulit dito.

"Okay, Sir/Ma'am, this way.. they are waiting at the meeting room." Pagkatapos niya kaming mahatid ay dumiretso na kami papasok sa loob.

"It's MA'AM! Mygoodness! Look at my attire is it a he? I'm wearing a pink! Pink!" Natatawa na lang ako sa kinikilos ni Val dahil ang sama ng loob niya sa pagkakasabi ng Sir sa kanya.

Nang nasa kanya pa rin ang paningin ko ay umayos na siya at ipinakita ang pagiging professional. Naramdaman kong may tumikhim sa harapan ko kaya napatingin ako ng nakangiti.

Biglang napawi ang ngiti ko sa nakita ko.

His face was strong and defined, his features molded from granite. He had dark eye brows, which sloped downwards in a serious expression.

Napanganga ako ng makita siya at muling tumingin kay Val.

Don't tell me...

Ngiting ngiti siya sa akin na tumango. Kahit nabubwisit na ako ay pinagtatagpo kami ng tadhana!

I clenched my jaw. Bumaling paningin ko sa babaeng kausap niya. Nakita ko na nandito rin si Kendall Jenner. Nakangiti itong bumaling sa amin. Hindi ko siya nginitian pabalik. Halos gusto ko ngang irapan pero nagtitimpi lang ako.

"Goodmorning! We are GYLENS,  I'm Valentine Patel and this is my partner Zam Yuin. We appreciated the proposal from your company was the most comprehensive and successful. We hope to work with you on this project." Nakangiting sabi ni Val at mahigpit na hinawakan ang kamay na halatang malulusaw na sa tingin ni Jawrence sa kanya. Nakita ko ang pagbaba ng seryosong tingin ni Jawrence sa kamay ni Val na nakahawak sa akin.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon