TWCIASA #43: Blue Slip

738 35 24
                                    

TWCIASA #43: Blue Slip

Papasok na ako Building A. Nang may narinig nagbubulung bulungan sa paligid. May mga nagkukumpulan na karaniwan ko nang nakikita. May mga nakatingin sa kanilang mga cellphone na pawang kakaiba ang kanilang mga nagiging reaksyon.

Tahimik akong lumalakad papasok pero bago ako makapasok ay biglang may humarang na paa sa dinadaanan ko. Buti na lang ay hindi ako natuloy panigurado'y babagsak ako sa sahig. Tinignan ko ang nagmamay-ari ng paang iyon.

"Nakukuha mo pa talaga pumasok, huh?" Nakangising sabi niya. Nakapoker face na lang ako. Ayaw ko ng gulo. Ayoko munang patulan siya kung maaari. Nilakdangan ko ang paa niya at nakatawid naman ako. Pero bigla niyang hinila ang humahaba kong buhok.

"Ugh!" Napadaing ako sa sakit ng pagkakahila niya parang mahihiwalay ang buhok ko sa ulo ko sa pagkakahila niya. Hinila niya ang buhok ko papalapit sa kanya.

"Don't turn if I'm not done talking you, bitch!" Hawak hawak ko ang kamay niyang humihila ng buhok ko. Napapikit ako sa sakit ng sabunot niya halos lahat ng mga kaklase namin ay nakatingin lang sa pagpapasikat niya. Sa kabila ng pagsabunot niya sa akin ay tinulak niya ako ng malakas sa sahig. Tumama ang tuhod ko. Naiyukom ko ang kamao ko.

'Ang sakit.'

Ayokong patulan siya si Yna ngayon. Tumayo ng hindi inaalintana ang sakit na nararamdaman ko. Dumiretso ako sa upuan ko na parang walang nangyari. Napatingin ako sa tuhod kong namumula ng sobra. Masakit iyon na parang mamamaga.

Pagkatapos nun ay nakatingin lang sila sa aking lahat. Walang nagpakita ng awa o kahit ano. Walang pumigil sa katarantaduhan niyang ginagawa sa akin.

Dumating na yung professor at nagsimula ng magdiscuss. Hindi mawawala ang mga masasamang titig na kanilang itinatapon sa akin.

Pagkatapos ng klase ay tumayo agad ako. Nagmadali akong umalis. Pero hindi pa pala natatapos iyon. May pumatid sa akin sa kamamadali ko. Tumama ang tuhod ko. Gusto ko ng maiyak sa sobrang sakit. Naririnig ko lang ang mga tawanan nila.

"Lampa kasi!" Sabay aalis na.

Nakita kong napadaan si Kiano doon. Tinitigan niya lang ako at saka hindi ako pinansin. Hindi man lang niya ako tinulungan. Napabuntong hininga ako. Tahimik ako tumatayo. Pumunta akong unit ko. Paika ika akong naglalakad parang babagsak ako ng kahit anong oras. Kinuha ko yung first aid kit ko. Nakita kong namamaga na nga yung tuhod ko at parang nagviviolet na iyon sa sobrang pamamaga.

Hindi alam ni Kiano ang tungkol sa akin. Kaya hindi na ako magtataka kung bakit ganoon na lang ang pakikitungo niya.

Nang tumayo ako ay muntik na akong bumagsak buti na lang at napahawak ako sa kamayy ko. Kung hindi ay baka mas lalong lumala pa ito. Kapag tumatayo ako ay sumasakit ito. Kumikirot na parang hindi ko kakayaning maglakad. Nilagyan ko ito ng tela para balutin sa tuhod ko. Sinikipan ko iyon. Nang tumayo na ako ay nakatayo naman ako ng maayos. Masakit pa iyon pero nakatulong naman ang telang iyon. Mayroon pa kasing akong klase. Kaso pupunta muna akong Cafeteria. Hindi pa kasi ako naglulunch.a

Nang mapadpad na ang mga paa ko sa Cafeteria. Nakita ko si Janna. Nandoon din ang mga grupo namin. Nang mapunta sa akin ang tingin nito ay hindi ko mawarian kung anong tingin ang binigay niya sa akin. Para isang commoner lang na dapat hindi ako pinapansin at nagpatuloy na sila sa pagkain nila. Kahit nararamdaman ko ang pagsulyap sa ibang mga kagrupo namin ay hindi nila ako magawang titigan. Umupo ako sa vacant table. Hindi alam kung anong mayroon sa ginagawa nila sa akin ngayon. I want to ask, what is wrong with them?

Pumila na ako para bumili ng pagkain. Parang pakiramdam ko ay napakaraming nakamasid sa aking mga mata. Nang makuha ko na ang pagkain ko ay biglang pinalo pataas ang tray kong dala na napunta ang pagkain ko sa damit at mukha ko. Nagulat ako sa may gawa nun. Lumikha ng malakas na tunog at naglaglagan iyon. Napatingin ako sa damit ko punong puno iyon ng ulam at kanina. At nagmumukha na akong kaning baboy. Wala akong naririnig na salita o ingay. Tanging pagtawa lang ng nasa harap ko ang narinig ko.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon