TWCIASA #41: Birthday Celebrant

802 35 18
                                    

TWCIASA #41: Birthday Celebrant

Pasensya na kung matatagalan po ako minsan paguud. Ieedit ko po kasi yung ibang chapters ko. Aayusin ko pa po lahat. Masyado pa po kasing bata ang pag-iisip ko noon nung ginawa ko iyon nahiya kasi ako nung nabasa ko hindi siya masyadong maayos kaya aayusin ko muna po. And I'll promise gaganda pa to! Thanks! Kung gusto niyong basahin ulit kapag naedit ko. Basahin niyo. I'm not forcing you to read it! I love you all.

****

Maaga akong pumasok sa school. Maaga lang akong nagising kaya maaga akong nakapasok. Napansin kong ang daming mga puso puso sa labas. Kung ano ano pang anik anik. Tumambay lang ako sa room. Ang swerte ko dahil ako lang yung tao. Hininaan ko yung aircon dahil masyadong malamig.

*BRIZZZZZZ*

Kinuha ko yung cellphone ko. Tinignan ko kung sino ang tumatawag.

Granny's calling...

Bakit naman tumatawag si Granny may problema ba? Naalala ko hindi ako nakapunta sa birthday party niya noon. Nagpahinga kasi ako sa hospital noon. Hindi niya kailangang malaman na may nangyari sa akin. Hindi ako pinalabas ng doctora dahil nga sa kalagayan ko. Sobra talaga siyang nagtampo sa akin noon kaya. Gusto ko siyang surpresahin kapag nagkatime ako. Sinabi ko kasing babawi ako. Ito yung first time na wala ako sa birthday niya.

Sinagot ko yung tawag.

"Hello, Granny?" Hinintay ko siyang magsalita pero iba ang naging bungad niya.

"HAPPY BIRTHDAY MY APO!!!^__^" Natigilan ako sa sinabi ni Granny.

O___O

Agad akong humagilap ng kalendaryo. Asan ba ang calendar?! Naghagilap sa room namin kung meron ba. Naririnig ko si Granny na..

"Hello, Zandra? Is there any problem? Are you okay?" Sunod sunod na sabi niya.

Got it!

Kinuha ko agad yung kalendaryo. Buti na lang merong calendar na maliit sa bandang huli ng classroom namin.
April ngayon. Tinignan ko ang date.

April 16...

Bakit pati birthday ko ay nakalimutan ko? Sa dami kong iniisip, hindi ko namalayan na birthday ko na pala.

I'm 20.

"Zandra, hello? Are you okay? It's your birthday and Zane!" Masayang sabi niya.

Hindi ko magawang magsaya.

"T-thank you, Granny." Sabi ko.

"I'll prepare a party. The event will be at ******* Hotel. Around 6:00 pm. Naasikaso ko na lahat. Zandra. It's your time and Zane. I will introduce the both of you to everyone. Ayoko nang tinatago kayong dalawa sa mga tao. And please do this for me, for yourself and to Zane. Hindi tayo nakapagcelebrate ng engrande nung debut niyo. I love you apo. Bye! I'm excited to see you." Sabay pinatay niya yung tawag.

Napatakip ako sa mukha ko. Makikilala na kami? No! Hindi pa pwede! Masyado pang magulo ang lahat. Pero kapag tumutol ako baka...baka madisappoint si Granny. And I will never let that happen.

*BRIZZZZZ*

Napatingin ako sa cellphone ko.

Zin's calling...

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon