TWCIASA #3: School Festival

1.3K 50 0
                                    

TWCIASA #3: School Festival

It's the day of the School Fest. Students at Corin University are currently busy building their booths. Naglagay din sila ng mga kung ano anong rides dahil malawak naman ang CU ay nagkasya ang lahat ng ito. Hindi naman kami magpapahuli. Itinayo na rin namin ang booth namin. Pero yung front kung ano ang pasabog namin ay hindi pa namin ipapakita, kapag maraming tao na.

PGC BOOTH
(1 SOLO/ 1 WITH THE HOT GUYS/ 10.00)

Marami rin ang nagtitinda sa paligid. Mga booth na nakikita ko lang kanina:

Saying I Do- Magbabayad yung estudyante na halimbawa. May crush siya ipapahuli niya ito sa mga nag-aasikaso ng booth na ito na kunwari ay accident lang ang nangyari. Poposasan at ikakasal. Bawal ang kj dito.

Kiss With Me- Maglalagay lang sa pisngi mo ng kiss mark. Syempre may bayad din ito.

Catch Me- Manghuhuli ka ng isda kapag nakuha mo iyon sayo na. May bayad iyon. Swerte mo na lang kung makahuli ka dahil magwawaldas ka talaga ng pera dahil sa sobrang likot ng mga isda.

Cupcake Race- Hahanap ng mga contestant. Then, paunahan maubos yung malaking cupcake nila. Gastos ito. Mga HRM ang may project na ito. Magbabayad ka lang. Pareho pareho lang at pantay pantay lang bayad para walang dayaan na nangyayari.

Make Me Scream Louder- Kahit sino pwedeng pumasok kung matapang ka. Mga estudyante rin ang gumaganap na character dito. Ito ang kalaban talaga naming booth dahil gustong gusto talaga ng mga babae dito ang tumitili sa takot at gustong gusto nila nagsasama ng lalaki sa loob para kunyari yayakapin kasi natatakot daw kuno.

Sailing Circle- Sasakay ka sa isang bilog na ewan ko kung ano ang tawag dun eh. Tapos maglalakad ka sa tubig.                                               

Find How To Come Out- May maze kang papasukan pero ikaw ang bahala kung makakalabas ka.

Show Your Beauty- Puro pagpapaganda lang ang mga tao dito. Sure maraming magpapasalon diyan.

The Fortune Teller- Magkukwento ka lang nangyayari sa buhay mo sosolusyunan nila iyon. Kung paano ka makakalaya sa buhay na iyon. Kahit ano, Lovelife, family problem kung ano ano pa.

Secret Dedication- Magdededicate ka lang kung anong nararamdaman mo isusulat mo lang. And then ang mga officers nito isasalita nila sa mic kung hindi man nila masabi sa isang tao ang kanilang nararamdaman.

Dare With Me- Pipick ka lang paper sa lalagyan nila tapos may dare doon. Susundin mo dapat iyon.

You're Arrested- Magpapagala gala sila. May palatandaan sila kapag may suot kang relo. Ikukulong ka nila. Mga 5 minutes. Pwede namang magbayad para palabasin ka nila.

BAWAL ANG KJ!!!! 10 pesos lang dapat. Kung makakapag ipon kayo ng marami niyan magiging winner kayo. Dapat makaipon kami ng marami.

Nasa bandang gilid kami sinadya ko talaga na dito.  Ako ang pumili ng location ng pagtatayuan ng booth . Ayoko sa gitna eh.

Dumadami na ang student.

Hindi pa naming pinopost yung front cover namin. Mamaya na daw kapag marami ng tao.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon