TWCIASA #18: Grayson University

935 37 2
                                    

TWCIASA #18: Grayson University

Bali-balita sa mga naririnig ko may event daw na gaganapin sa kabilang University. Hindi ko alam kung anong University na iyon. Naanyayahan daw ang mga estudyante dito na pumunta doon. Ang naririnig ko pa sa mga estudyante dito ay magsusuot daw sila ng mga bonggang damit para ipamukha sa University na iyon na socialin sila at sila ay walang binatbat.

Hay nako. Kakaiba talaga mag-isip ang mga tao dito. Siguro may napag-usapan ang University dito at University sa kabila. Yung mga gusto daw pumunta doon pumunta daw. Magkakaroon daw ata ng Grand Acceptance Ball.

"Kailangan natin ng magaling na photographer dito sa University. Maghahanap tayo. Sa kasamaang palad kasi na-ospital yung may hawak ng Click Club. Sayang kasi kailangan natin siya para sa event na ito. Mismong si Dean ang nag-alok sa kanya ng project na ito. Ang she told us na wag natin siyang i-disappoint." Sabi nung Student Council President ng school.

"Eh san naman tayo maghahanap? You know naman, the students are not interested sa mga ganyan no. Like duh! Ang boring kaya ng club na yun." Sabi nung isang conyong babae. Sabay irap nito.

"Hey, don't call me STUPID! IDIOT!" Sabi nito. Hindi nila alam ang salitang respeto.

"Immature. So, back to the topic. We need to find a photographer as soon as possible. Sayang si Liam. Nabugbog siya this week. Tss. Insecure kasi yung ibang boys sa kanya eh."

Nakikinig lang ako sa kanila. Biglang nabuhayan ako ng mabanggit ang pangalan ni Liam. Hindi dahil may gusto pa ako sa kanya hanggang ngayon kundi yung tinutukoy nilang magaling na Photographer sa Click Club.

Nasabi ko na ba sa inyo na siya ang nagturo sa akin maging photographer? Bago ako naging magaling, dumaan muna ako sa kanya hanggang sa naging mas magaling ako sa kanya. Hindi naman ako naging bitter ng sobra. Siya kasi ang naglagay sa akin doon at tinuruan ako kung paano mangarap na maging isang photographer. I moved on. But I will not stop to achieve it. Itutuloy ko pa rin ito.

"Isang linggong palugid ang ibinigay sa atin. Kaya dapat makahanap na tayo."

"Why are you so stupid too, Fhatima? Bakit pa natin pinoproblema iyan? Baka nakakalimutan mong Click Club ang kailangang gumawa ng paraan diyan. Sila lang naman kasi yung marunong diyan no."

"May point naman siya, Fhatima. Look at you. You look stressed. Naging Student Council President ka lang masyado ka ng naging busy diyan. Chillax girl! Nawawala ang pagkahot mo."

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon