TWCIASA #15: Found her

875 46 2
                                    

TWCIASA #15: Found her

Simula ng umalis si Kiano naging tahimik ang University. Parang balik lang sa dati nilang ugali.

"Hi, Andrei!" Si Janna.

"What?" Walang ganang tanong ko sa kanya.

"Ang tamlay mo ata ngayon?" Nagtatakang tanong niya. Hindi ko lang siya pinansin. "Come with me!" Bigla niya kong hinila.

Nasasanay na atang hawakan ako ng iba. Ito ang pinakaayaw ko sa lahat. Bigla siya tumigil na kaagad na bumangga ako sa likod niya ayun natulak ko siya.

"Oops." Nasabi ko na lang.

Gusto kong matawa sa nakikita ko ngayon. Ayun! nakayakap lang naman si Janna sa isang matangkad na lalaki at nakatingin sa kanya ng masama. Kakaiba ang aura ng isang ito. Sa palagay ko transferee ata siya at ngayon ko lang siya nakita. Hindi maipagkakailang malakas ang dating niya ng mapasulyap ako sa kanya. Masyadong matikas ang katawan ng isang ito. Nakapoker face lang ang mukha niya at nakatingin sa nakayakap sa kanya. Magkasalubong ang makapal niyang kilay. Matangos ang ilong. Singkit ang mga mata. Mapupulang labi at makinis ang balat nito.

Napabitaw si Janna. Natulala siya dun sa lalaking nakita niya. Napailing na lang yung lalaki at masamang tumingin sa amin lalo na kay Janna. Nilagpasan lang niya kami at hindi na pinansin.

Napasunod ang tingin namin sa kanya.

"May bago." Sambit ni Janna.

Maraming estudyante ang napapatingin sa kanya. Sa lakas ba naman ng dating niya eh. Nakita naming lumapit si Jamaica sa lalaking iyon kinausap niya. Pinulupot niya ang kamay niya dito at ngumiti sa amin ng mapang-aasar. Napa-irap ako sa kanya. Nabaling naman ang tingin ko sa katabi ko.

'Mukhang napikon siya kay Jamaica.'

"Flirt." Sabi ni Janna.

Naglakad ulit si Janna at sinundan ko na lang siya.

"Ang gwapo nung kasama ni Jamaica no?" Sabi niya.

"Oo nga! Siguro boyfriend niya." Sabi nito.

"Kahit nawala ang isang prinsipe sa University may pumalit naman!! Ahhh!!" Kinikilig na sabi nung babae.

Napahinto ulit si Janna. Tinignan niya ng masama yung babae. Agad namang napansin iyon nila. Tinaasan pa siya ng kilay at saka umirap. Tapos umalis na sa harapan namin.

"Nakakapang-sira ng araw." Bulong niya.

Naupo kami sa isang bench na malapit sa amin. Tinignan ko ang kubuuan ng University. Sobrang laki.

"So, anong meron dito?" Sabi ko.

"Wala. Gusto ko lang ng kasama. Hehe." Nagbago kaagad ang ekspresyon ng mukha niya. Napakamoody naman pala ng isa ito.

"Tss. You're just wasting my time. Janna." Sabi ko.

"I'm not." Sabi niya. Napabuntong hininga siya. "Alam mo, unang kita ko pala sayo commoner lang ang tingin ko sayo." Panimula niya.

The Weird Commoner Is A Secret Agent (Slow Update Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon