Chapter 3

5.2K 188 23
                                    

Dinaanan nila si Dave sa tactical command post bago sila dumeritso ng Manila.

Pagdating sa headquarters ng chopper ay nadatnan nilang naghihintay ang maraming media at ang mga kapamilya ng bihag kahit na nga ba madaling araw na.

"Hindi na ako magtatagal Sir. Uuwi na ako. Masakit talaga kase ang ulo ko." paalam ni Lance kay Dave.

"Maraming media, tulungan nyo akong magpaliwanag sa mga ito. Malala ba ang sakit ng ulo mo?" ani Dave.

"Oo Sir eh. Mukhang papunta na sa pagkasira to. Kayo na bahala sa media. Wala rin naman akong maisasagot sa mga yan. Ni hindi ko nga daw natanggal yung pagkakabuhol ng tali diba? Sumama lang talaga akong mag sight seeing sa lugar." loko ni Lance.

Hindi nya alam nasa likod pala nya si Aileen.

"Buti alam mo." komento na naman nito na agad ng lumayo papunta sa naghihintay ditong kapamilya at nag aabang na media.

"Kung hindi lang so syotain ni Ram yan, papatulan ko na talaga yan Sir." bulong ni Lance kay Dave.

Tinapik lang ni Dave sa balikat si Lance na pinipigilan ding matawa.

"Sige na, kaya mong umuwi mag isa? Andyan ba yung sasakyan mo?" si Dave.

"Oo, una na ko sainyo." si Lance.

Tumuloy na nga si Lance. Umiwas sya sa kumpol ng mga tao.

"Saan pupunta yun si Lance?" ani Mark na kalalapit lang kay Dave.

"Uuwi na daw. Masakit na masakit daw yung ulo eh." ani Dave.

Nakarating si Lance sa bahay na talagang sumasakit na ang ulo. Agad syang nagbihis at humiga na. Hawak pa rin nya ang bato na gusto nyang ibato sa malyong malayo subalit alam naman nyang babalik at babalik lang sa kanya dahil sya daw ang putragis na hinirang.

Bakit sya? Wala namang kakaiba sa kanya eh. Hindi magandang kwento ang nakaraan na buhay nya.

Sya si Lance De Leon. Bata pa lang ay naranasan nya na ang pinaka mahirap na pwedeng maranasan ng isang tao.

Isa syang foundling kid [uy pwedeng tumakbong presidente! Lol!]. Ayun sa kwento ng nakagisnan nyang ina ay nakuha daw sya ng nakagisnan nyang tatay malapit sa isang basurahan, isang madaling araw habang nagtitinda ito ng balut. Sa malayong probinsya iyon ng Bicol. Malamang, iniwan sya doon ng walang kwentang tao na nakabalot lang daw sa lampin.

Iniuwi daw sya sa bahay ng tatay tatayan nyang iyon at dahil sadyang mababait na tao ay kinupkop syang parang isang tunay na anak. Tamang tama, wala pa rin kaseng anak ang mga ito. Bagong kasal daw. Namuhay silang salat subalit pasalamat na lang sya dahil may maituturing syang isang pamilya.

Dahil nga salat sa buhay ay nag birth control daw ang mag asawa dahil meron na rin naman silang maituturing na anak sa katauhan nya. Mag aapat na taon na sya noon ng mabuntis ang nanay Juanita nya. Naalala nya tuwang tuwa sya noon. Magkakaroon na sya ng kapatid. Lalong nagsipag ang tatay Fredo nya dahil may panibago na namang madadagdag sa pamilya. Lahat sila excited sa pagdating ng bagong myembro ng pamilya.

Kabuwanan na ng nanay nya ay todo kayod pa rin ang tatay Fredo nya, sya lang ang tanging naiiwan at nagbabantay sa nanay nya.

Hanggang isang gabi, sumakit ang tiyan ng nanay nya. Hindi na sana aalis ang tatay nya subalit inassure ito ng nanay nya na hindi pa ito manganganak. Na kunting sakit pa lang daw naman. Na sayang daw ang kikitain ng tatay nya sa gabing iyon kung hindi ito maglalako ng balut. Nagdadalawang isip ang tatay nyang umalis.

Hatinggabi ng makaramdam ng sunod sunod na pananakit ng tiyan ang nanay nya. Tumakbo sya sa labas noon ng nakapaa at nagsisisigaw sa mga kapitbahay. Hindi nya rin kase alam kung ano ang gagawin. Maglilimang taon pa lang sya noon.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon