Chapter 21

4.9K 151 4
                                    

"Sabi mo darating na si Mommy? Bakit wala pa?" si Mikay ulit.

Nagkatinginan na naman sila.

"Anong sasabihin ko?" bulong ni Lance.

"Lumabas ka na..libangin mo ulit sa kusina. Susunod ako dun agad." bulong din nya.

"Ayoko, I want more." bulong ni Lance.

Pinandilatan nya ito.

"Tay! Ano ba?!" si Mikay.

"Akalain mo no? Nag birthday lang ako, naging tatlo na ang amo kung babae." natatawang bulong ni Lance.

"Nagrereklamo ka na ba?"

"Aliping sagigilid kaya ako sa past life ko. Gustong gusto ko to. Get dressed at mag aalmusal na tayo, napagod ka pa naman." anito sabay kindat. Hinalikan pa sya nito ng torrid bago nagmamadaling nag suot ng damit at lumabas.

Pagka pinid nito ng pinto ay agad din syang nagbihis kahit na tinatamad pa sana syang bumangon. She wants more too [lol!]

Pag pasok nya sa kusina ay napalingon pa sa kanya ang lahat. Tuwa ang nasa mga mata ni Mikay at ni Lingling samantalang, kapilyuhan ang ibinabadya ng mukha ni Lance.

Iniwas nya ang tingin nya dito.

"Kain! Kain!" si Lance.

"Tapos na kami ni ate Lingling eh. Mommy hindi daw ako papasok ngayon?" si Mikay.

"Hindi baby. Not today. Lilipat ka ng school. Yung medyo malapit dito okay? Para hindi ka nahihirapan sa byahe." aniya.

"Lilipat ako??"

"Ayaw mo ba?" problema ito. Pano pag hindi pumayag ang anak nya?

"Gusto, mga mayaman ang classmates ko dun sa dati eh..wala akong friends doon." ani Mikay.

"Binu bully ka ba sa dati mong school??! Bakit di mo sinabi sakin?!"

"Relax...sinabi lang na walang friends, binubully na agad? Kumain ka na..gutom at pagod lang yan....(pinandilatan nya si Lance)...pagod sa byahe...kaya kumain na tayo.."

"Lance ayokong nakakaramdam ng discomfort ang anak ko sa school. Pag nagkaanak tayo, magiging ganito din ako ka protective!"

"Magkakaanak na kayo Mommy? Magkakaroon na ako ng baby brother??" si Mikay.

Nagkagulatan. Ano bang kalokohan na naman ang lumabas sa bibig nya?! Masasampal na talaga nya ang sarili nyang bibig.

Hindi sya makaimik.

"Miks, wala pa..babalitaan kita pag meron na ha?" pabirong tugon ni Lance na ginulo gulo pa ang buhok ng bata. Pilyo na naman ang pagkakangisi nito. Nag iinit na naman ang mukha nya.

"Mommy?"

"Wala pa baby...sorry, nabigla lang si Mommy."

"For the meantime, dahil tapos na kayong kumain, doon na muna kayo sa sala. Maglaro kayo ni Lingling. Kakain lang kami ng Mommy mo tapos mamaya maghahanap tayo ng school na paglilipatan mo na malapit dito, okay ba yun?"

"Hindi ka papasok today?" naitanong nya kay Lance.

"Hindi.." anito sabay kindat na naman.

Sumunod naman ang dalawa. Pumunta na nga ang mga ito sa sala.

Nilagyan sya sa plato ni Lance ng sinangag na kanin, daing na bangus at pritong itlog.

"Ayan, para healthy ang baby brother ni Mikay." anito na hindi nawawala ang naglalarong pilyong ngiti sa mga labi.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon