Chapter 31

4K 140 2
                                    

Ilang beses pang sinubukan ni Aileen na kontakin si Lance ng sumunod nga mga araw but to no avail. Muli syang tumawag kay Dave subalit hindi talaga nya ito mapilit na sabihin sa kanya ang kinaroroonan ni Lance. Hindi na lang naman ang pagpapaalam dito na kukuhanin na nya ang dalawa at ibabalik na sa Manila ang concern nya. Kahit wala na sila ay gusto pa rin nyang masiguradong nasa maayos na kalagayan ito. Gusto nyang matawa ng mapakla? Meron kayang maayos na kalagayan sa isang sundalong nasa special mission?

Desidedo na syang kuhanin ang dalawa kahit hindi pa sya nakapag paalam kay Lance. Mag iisang buwan na kase ang mga ito sa Bicol at miss na miss na nya.

Oo, pati si Lingling kukuhanin nya at habang wala pa si Lance ay dito na muna ito pipirme sa bahay nila. For sure, walang magiging problema sa kuya nya. Ipapahatid na lang nya pagdating nito.

Nagpa book sya ng flight at kinabukasan nga ay maaga syang nagising at para maghanda patungong Bicol. Bukas din ang balik nila ng Manila.

Binitbit na nya ang tamang laki lang ng bag na dadalhin nya. Pababa na sya ng hagdan ng tumunog ang cellphone nya. Hinanap nya iyon sa handbag nya at napahugot sya ng malalim na paghinga. Si Love ang tumatawag este si Lance.

Nanginginig pa ang mga kamay nyang sinagot iyon. Bumalik sya sa agad sa kwarto nya. Maaga pa naman at linggo ngayon, hindi matraffic. Aabot sya sa flight.

"H..hello.." nangingig pa yata ang boses nya. Miss na miss na nya ang lalaking nasa kabilang linya.

"Saan ka pupunta?!" bakas na bakas ang inis sa boses nito.

"I..I'm glad you called. How did you know na may pupuntahan ako?" malumanay na usal nya.

"I have my way, but let's not delve into that! Nag usap na tayo na hindj mo kukuhanin ang dalawa sa Bicol hangga't busy pa tayo! Alam mong busy pa ko!"

Nag init na rin ang ulo nya. Akala pa naman nya namimiss na rin sya nito. Yun pala tumawag lang para maninghal.

"Ikaw lang naman ang busy eh! And mind you, lagi kang busy! I wouldn't be surprised kung buong buhay mo busy ka!! So, ano yun? Habang buhay nadodoon yung dalawa?!"

"Hindi mo kukunin ang dalawa sa Bicol. Mas safe sila doon." malumanay na ang boses nito.

"At hindi sila safe sa tabi ko?! My God Lance! You think I am not capable of protecting them? You think I'm a lousy guardian?!"

"Hindi yun eh. Nakatakas si Raymund, at large sya ngayon! You might be an excellent guardian but you're incapable of resisting that devil! Now, listen to me! Pumunta ka sa America! Safe ang Dad mo sa kulungan. Yung kuya mo, may mga bodyguards naman surely, kaya syang protektahan ng mga yun."

"My God Lance! Ang tagal mong hindi nagparamdam tapos yan lang ang sasabihin mo?! Kung natatakot ka ki Raymund pwes ako hindi!! I will face him!! Ako pa ang magtatago eh sya na nga ang nakagawa ng kasalanan saakin! Saamin! Dahil sa kanya napunta sa drugs ang Dad ko and so I will face him and make him pay!! Hindi ako duwag Lance! Sa profession ko walang puwang ang karuwagan!!"

"Tapang ah! Aileen hindi lang kurot ang pwedeng gawin sayo ng demonyong yun!"

"Bakit ka ba nakikialam?! Ano namang sayo kung mapahamak ako? May i remind you that you are no longer in any way connected to me kaya pwede ba leave me alone!"

"Wala naman akong sinasabi na connected pa tayo ah! Hindi naman kailangan ng koneksiyon para balaan mo ang kapwa mo sa panganib na maaaring mangyari lalo pa't parang gusto mo pang idamay ang mga walang muwang sa putragis na katapangan mo!"

"So sila lang pala ang inaalala mo?! Huwag kang mag alala, sige na, hindi ko na sila kukunin! Alam ko na sila lang naman ang concern mo eh. Now, I want you to listen and better listen carefully! Alam ko naman na wala kang pakialam saakin talaga eh. Hindi mo naman talaga ako minahal diba? Ako lang ang nag insist ng sarili ko sayo. Dumating ka sa panahon na magulo ang buhay ko kaya siguro wala ako sa katinuan ng pilit akong pumasok sa buhay mo! Pasensya ka na dahil naabala pa kita! Ngayon, gusto kong ipaalam sayo na nawala na ang kahibangan ko! Hindi naman talaga yata kita minahal eh! Hindi kita minahal Lance!"

"Ayos! Tabla pala..."

Bigla syang nakarinig ng pagsabog at nawala na sa linya si Lance. Tinambol na naman ang puso nya ng walang kaseng lakas.

"Laaaance!" sigaw nya sa cellphone pero wala ng sumagot.

Napahagulgol na lang sya. Ang sakit sakit lang. Imbes na masaktan lang sya sa kompirmasyon ni Lance na hindi nga sya nito minahal ay mas dobleng sakit yata ang nararamdaman nya sa maaring masamang mangyari dito.

Biglang pumitlag ang puso nya ng tumunog ang cellphone nya. Message alert.

Love: Pumunta ka ng US.

Agad syang tumawag subalit answering machine na naman ang sumagot. Nagtext na lang sya. Baka sakaling mabasa.

'Where the hell are you?! Ano yung sumabog na yun?!'

Love: Walang sumabog, natabig ko lang yung drum dito. Last text ko na to wala na akong load, mahina rin ang signal dito. Pumunta ka ng US!

Naibato nya ang cellphone nya. Grabe ang pagka bwisit nya. Napasigaw pa sya. Gusto nyang magwala.

Sa huli, hindi nga sya natuloy sa pagkuha sa dalawa. Baka nga madamay pa ang mga ito. Hindi nya kakayanin ang panunumbat ni Lance pag may nangyaring masama dito. Tinawagan nya ang kuya nya at sinabi dito na nakatakas si Raymund.

Napangiti sya ng mapakla. Wala pala talaga kwenta ang namagitan sa kanila ni Lance. He didn't care before. He never will. Ito nga, alam naman nitong nakatakas na pala si Raymund pero anong ginawa nito? Tumawag lang para balaan syang huwag kuhanin ang dalawa? Eh sya? Okay lang na mapahamak sya sa kamay ni Raymund? Binilinan sya nitong pumunta ng America? Anong gagawin nya dun? Magtatago? Pagtataguin na lang sya? Bakit? Hindi sya kayang protektahan nito? Sabagay, bakit naman sya poprotektahan nito? Wala naman syang importansya sa buhay nito kaya siguro bilang friendly advice pinagtatago na lang sya? Syempre may mission ito at mas mahalaga iyon kumpara sa isang kaibigan.

Nauwi na naman sa paghihinagpis ang pag iisip nya. Haharapin nya si Raymund ng wala si Lance. Kaya nya at hindi nya kailangang umasa dito. May pera sila, kaya nyang umupa ng proteksiyon!

Ilang araw nga ang lumipas at ibinalita na sa media ang pagkakatakas ng bigtime na druglord sa piitan sa China.

Balisa ang Dad nya sa kaligtasan nilang magkapatid. Inutusan din silang magkapatid na pumunta ng Amerika. Hindi daw sila matutonton doon ni Raymund. Nagmatigas ang kuya nya. Haharapin daw nito si Raymund pero ito lang daw mag isa at sya inutusan din nitong pumunta ng US. Sya naman ang nagmatigas. Hindi nya pwedeng iwanan ang kapatid nya sa labang ito. May magagawa din sya kahit papano. Journalist sya. Kadalasan nakatutok sa kanya ang camera. Gagamitin nya iyon at her own advantage. Tututukan nya ang kaso ni Raymund. Kung sakaling babalik ito ng Pilipinas, hindi nya ito tatantanan sa media.

Dahil kapwa matigas ang ulo nilang magkapatid. Hindi nga sila napilit na pumunta ng US.

Hindi na rin muling nagparamdam pa si Lance. Hindi nya nga alam kung nakabalik na ito mula sa special mission. Wala na rin syang pakialam. Hindi na rin sya nagtangkang makibalita sa mga kaibigan nito. Lalo lang syang naaawa sa sarili nya.

Patimga tawag at text messages nila Sandy ay hindi na nya pinapansin. Lalo lang nyang maalala ang lalaking nagparamdam sa kanya na wala syang kwenta.

Minsan din syang binisita ng mga ito subalit binilinan nya ang kasambahay nila na sabihin sa mga itong wala sya.

Tiyak kaseng mababanggit na naman ng mga ito si Lance at wala na rin naman syang masasabi. Si Lance na mismo ang nag kompirma. Hindi daw sya minahal nito. Ano nga ba yung sagot nito sa kasinungalingan na sinabi nya na hindi naman nya ito minahal? "Ayos tabla pala.."?? Malinaw na kompirmasyon.

Kung sana hindi pa bumalik si Blue Shadow sa pinagmulan nito, siguro sana maiibsan ang kalungkutan at mga takot nya sa buhay. Ito lang ang bukod tanging nagpahalaga sa kaligtasan nya at sa pamilya nya kahit na nga lagi nitong sinasabi na hindi sya nito gusto.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon