Chapter 28

3.9K 156 1
                                    

Sumuko na nga sa awtoridad ang Daddy nya. Pati ang shabu laboratory nito ay itinuro din sa awtoridad. Nasa kulungan na ito ngayon at lagi nyang dinadalaw.

Naging laman nga sila ng mga balita na karamihan ay pambabatikos. Pati sya ay dawit. Lumalabas na matagal daw nyang isenekrito ang illegal na negosyo ng Daddy nya samantalang nasa media sya at kilalang mapagbatikos ng mga nai involve sa drugs.

She is in her very down moment and she has no one to talk to. Wala pa rin ang kuya nya. Ayun dito ay sa susunod na linggo pa daw darating.

Ilang araw na syang hindi pumapasok sa trabaho. Hindi nya maidepensa ang sarili nya na lately nya lang nalaman ang tungkol sa illegal na negosyo ng Daddy nya. Na binantaan nya itong isasawalat ang nalaman nya pagbalik nito ng China subalit nagdesisyon na nga itong sumuko kaya hindi na nya ginawa.

Gabi na naman pauwi na naman sya galing sa New Bilibid Prison at ang bigat bigat na naman ng nararamdaman nya. Gusto nyang pumunta sa maraming tao para sana mawala ang stress subalit nangangamba sya na baka tuligsain lang sya ng mga makakakita sa kanya.

Pagdating nya sa bahay ay inabutan nya ang naka linyang mga sasakyan sa harap ng bahay nila. Kinabahan sya at agad na bumaba ng sasakyan. Halos takbuhin nya papasok.

Nabungaran nya ang mga bagong kaibigan nya. Naririto rin ang kani kanilang anak.

"Pwede bang maki sleep over kami? Surprise!" si Marl na ngiting ngiti.

Napaiyak na lang sya sa sobrang galak. Agad syang niyakap ni Sandy, Ethel at ni Marl.

Napahagulgol na talaga sya. Kung meron mang kabutihang naidulot ang pagkakakilala nila ni Lance ay ipinakilala sya nito sa mga totoong taong ito.

"Hush, enough Ai. We're here and we're all beside you." si Sandy.

"Thank you. Maraming salamat sainyo. Pwede bang mag sleep over kayo dito for one week?"

Sabay sabay pa silang nagtawanan kahit na kapwa sila naiiyak.

"Ma, ang ganda pala talaga ni tita Aileen. Akala ko sa TV lang sya maganda." anang isang lalaking teenager na kamukha ni Dave.

"Anak, bata ka pa ha? Magagalit sayo ang ninong Lance mo." si Sandy.

"Ang gwapo mo rin. Sayang at nahuli ka. Sana nagkapalitan na lang kayo ng edad ng ninong mo." pilit ang ngiti nya dahil naalala na naman sya si Lance.

"Ano bang nangyari sainyo ni Kuya Lance? Sya ang nagpapunta.." si Marl.

"Marl pupunta talaga tayo dito kahit hindi nakiusap si Lance." si Ethel.

"Huwag na nga nating pag usapan ang lalaking yun. Wait lang ha? Magpapahanda lang ako ng dinner. Sana sinabi nyo ng maaga na mag i-sleepover kayo dito ngayon para sana nakapaghanda kami ng maaga."

"Eh di sana hindi ka na na-surprise. May mga dala kaming food Aileen dahil magpi picnic talaga kami dito. Ready na sa table. Hinihintay ka na lang talaga namin." si Sandy.

"Grabe kayo ha? I'm so overwhelmed by your kindness guys at napakalaking bonus na may mga kasama kayong mga bata na ubod ng ka cute-an. You just don't know how much this mean to me. Maraming salamat talaga sainyo." naiiyak na naman sya kaya kinuha nya ang baby na karga ng isang yaya. Kamukha ni Marl iyon. Niyakap nya iyon ng mahigpit.

Grabe ang saya nya. Nawala pansamantala ang mga alalahanin nya dahil sa mga kaibigan at kani kanilang anak.

Pagkatapos kumain ay nag bonding sila sa malawak nilang sala.

Kung sya ang masusunod ay gusto nyang sa mga kabataan maki halubilo. Pakiramdam nya kase, kung sa mga nanay nila sya makikipag usap ay wala silang ibang magiging topic kundi si Lance. Ayaw na nyang makarinig ng kahit na anong may kinalaman tungkol sa lalaking yun. Pinakiusapan daw ni Lance ang mga itong pumunta dito? Huh! Tinatablan din pala ng konsensya ang sira ulo! Sabagay, bumabawi sa mga bagay na hindi nito kayang gawin.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon