Chapter 24

5.4K 177 8
                                    

Pagkatapos ng press conference ay nakatanggap si Lance ng tawag mula kay Aileen. Lumayo sya sa grupo na hindi matapos tapos ang pangangatyaw sa kanya. Nag uusap usap na lang naman sila tungkol sa promotion daw at reorganization na mangyayari.

Mag aalas otso na ng gabi at tapos na rin ang live news ni Aileen from Malacañan.

"Ma'am kumusta? Akala ko tapos na ang presscon?" loko ni Lance.

"Hihintayin kita sa carpark, hindi pa ba kayo tapos dyan?" ani Aileen.

"Kahit hindi pa tapos to pupuntahan na kita dyan. Alam mo namang maliban sa Presidente, ikaw ang isa pang commander-in-chief ko." sagot ni Lance.

Biglang napapikit si Aileen. Miss na miss na nya ang kumag na to.

"Naiinis ako sayo!" angil nya.

"Bakit na naman??"

"Nagmamaang maangan ka pa! Bakit sinabi mong single ka?!" gusto lang nyang magpabebe. Sinabi naman nitong not available ito kaya solb na sya doon. Namimiss nya lang talaga ang panunuyo ni Lance.

"Mamaya na natin pag usapan yan. May iba kang kasama sa sasakyan?"

"Wala. Yung technical crews and camera men, nasa sasakyan ng network. Umalis na sila. Bilisan mo na dyan."

"Yes Ma'am!" ani Lance.

Halos limang minuto lang syang naghintay ng makita nya si Lance.

Napakunot ang noo nya. Nakatingin kase ito sa grupo ng tao na pasakay ng van. Nang makaalis ang mga ito ay saka pa lang lumapit si Lance sa sasakyan nya.

Nainis sya. Bakit ayaw yata nitong makita ito ng mga tao na sasakay sa sasakyan nya?

Nagmamadali itong pumasok sa may driver seat.

Salubong ang kilay nya subalit hindi sya nakapagsalita ng biglang sinalakay nito ang mga labi nya. Napapikit na lang sya at napakapit sa batok nito. Kapwa sila hinihingal ng magbitaw. Napayakap pa sya dito. Gusto pa nya.

"Akala ko hindi ko na matitikman ang mga labi mo." ani Lance na napabuntong hininga pa ng malalim. Yakap din sya nito ng mahigpit.

Bigla syang kumawala dito at tiningnan ito ng nanglalaki ang mga mata nya.

"What do you mean?? Don't tell me muntikan ka ng.."

"Multo na lang ang nakahalikan mo.." natatawang turan ni Lance.

Bigla nyang kinurot ang kanang tagiliran nito. Napangiwi itong bigla.

"Oh my God! May tama ka dyan?? Bandage ba yung nahawakan kong yun??!" napasigaw pa sya.

"OA naman nito. Joke lang yan. Pinalagyan ko lang ng benda yan para magmukhang may tama naman ako at para isipin mo na matindi ang pinagdaanan ko. Pandagdag pogi points lang. Tara na. Umalis na tayo. Dadalhin na kita sa bahay nyo. Mamamanhikan na rin ako ng maramdaman mo na kung papano ko i-assure ang misis ko na safe ako lagi tuwing sasabak sa gyera." alam nya nagjo joke na naman si Lance.

"Tange! Nasa China si Dad kasama na naman yung walanghiyang Raymund!"

"Pag siniswerte nga naman ako! Ibig sabihin, sa bahay ka na naman matutulog?" naging pilyo ang ngiti nito.

Tiyak namumula na naman sya.

"Mamaya na natin pag usapan yan! Tanggalin mo nga ang damit mo! Titingnan ko ang sugat mo! Huwag mo kong inuuto! Hindi ako naniniwala na pinalagyan mo lang ng bandage yan!" naiinis sya at nag aalala.

"Mamaya na ang hubaran sexy..baka ma bagansya tayo dito sa sasakyan mo, nasa Malacañan pa naman tayo."

"Ewan ko sayooo! Sige na mag drive ka na nga! Teka kaya mo ba? Ako na lang kaya ang.."

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon