Chapter 6

4.9K 166 8
                                    

Patuloy sa pagkikipaglaban si Lance sa kasamaan at pagligtas ng mga nasa panganib. Mabuti na lang at wala pang napupuna ang mga kasamahan nya sa trabaho. Salamat na lang talaga si bilis na taglay ng kapangyarihan ng bato. Magpapaalam lang syang magbabanyo, marami na ang nagagawa nya. Minsan pag sumusuong sila sa isang misyon, agad na natatapos iyon at salamat na rin dahil wala ng masyadong napupuna ang mga kasamahan nya. Polido na ang mga atake nya na walang napupuna ang mga ito na tumutulong si Blue Shadow.

Ang medyo pinagtatakhan lang ng mga ito ay dahil mabilis na natatapos ang laban. Actually, napakabagal na nga ng galawan nya dahil sinisikap nyang walang mahalata ang mga ito.

"Kuya...ganda nya no?" ani Lingling na nanonood ng TV sa balitang pang gabi.

Araw ng linggo. Namamalantsa noon si Lance sa sala bandang alas 9 ng gabi.

Napatingin sya sa TV. May documentary news tungkol sa naging karanasan ni Aileen at ng mga kasamahan nya sa kamay ng mga kidnapper at kung papaano sila naligtas.

"Oo nga Ling. Kagandang babae no? Pero syempre mas maganda ka pa rin dyan. Patingin nga ng malupit mong smile dyan?" paglalambing ni Lance sa kapatid. Nagpaunlak naman si Lingling. Humalakhak pa ito.

"Base sa date kung kelan kayo nailigtas, we can assume na kayo ang unang nailigtas ni Blue Shadow and it seems na sa insidenteng iyon sya unang nagpakita, tama ba ko?" tanong ng kapwa mamamahayag ni Aileen.

"Yeah, I think so. Kase wala pa namang sumusulpot, so far, na nagsasabing nauna nilang nakita si Blue Shadow kung pagbabasehan nga ang mga dates nang pagpapakita nya." ani Aileen.

"At ayun sa naiulat, twice na syang nagpakita sayo, is that right?"

Natigilan si Aileen. Namula pa ang mukha nito na pinuna ng host.

"More than twice??" biglang naging high pitched ang boses ng host. Mas lalong na excite.

Napailing si Aileen. Napangisi si Lance. Naalala nya ang pangatlo nilang pagkikita. Weeh? Naalala? Lagi kayang naka pagkit sa utak mo ang pangatlong pagkikita nyong yun. Sabat ng utak ni Lance.

Naalala nya ng bumalik sya sa bahay ampunan kinabukasan din ng naibigay na nya si Mikay sa pag aalala ni Aileen. Nagkunwari sya noon sa madre na may nahanap na syang aampon kay Mikay para maging malinis ang lahat at ng hindi sya mapag suspetsahan. Tuwang tuwang ibinalita sa kanya ni sister na may umampon na daw kay Mikay. Ayun pa kay sister, napaka swerte daw ni Mikay dahil isang mabuting tao na may kakayahan na ipagamot ang bata ang umampon kay Mikay. Dinala daw doon ni Blue Shadow si Mikay sa taong iyon kaya laking pasasalamat ni sister at naging instant fan na naman ito ni Blue Shadow. Tunay daw na alam talaga ni Blue Shadow kung sino ang mga taong nangangailangan ng tulong. Napailing na lang si Lance sa alaalang iyon. Well, at least, hindi sya pinagdududahan ng mga ito. Naniniwala daw si sister na doon dinala si Mikay ni Blue Shadow dahil alam daw nito na maiintindihan ng taong pinagdalahan ang hirap na pinagdadaanan ng bata dahil minsan daw ay naging leukemia patient din ang umampon. Tinanong nya kung sino ang umampon, subalit bawal daw sa patakaran na malaman. Hindi na sya nagpumilit dahil nadadagdagan ang pagpapanggap nya lalo. Mahigpit din na ipinagbawal ni sister na huwag daw nyang ipagkakalat kahit na kanino na si Blue Shadow ang nagdala ng bata sa umampon. Iyon daw ang kabilin bilinan ng umampon. Hmmm..mukhang masikreto din pala ang mataray na yun? Bakit kaya? Pero ayos yun! Ayos na ayos para sa kanya.

"No just twice Jen." sagot ni Aileen. Napukaw ang pagbabalik tanaw ni Lance sa boses ni Aileen.

"Alright, just twice and twice is something, you know? Mukhang nagiging paborito ka yata ni Blue Shadow?" nanunukso na ang host.

"Ha! Ha! I wish Jen..I really wish! Kaya lang the second time na nagkita kami alam mo ba ang sinabi nya sakin? Actually narinig pa nga iyon ng driver ko, ang sabi ni Blue Shadow, hindi nya daw ako type...and..and pag gumawa pa daw ako ng kalokohan...ano..sya na daw mismo ang papatay sakin." kita ang lungkot sa mukha ni Aileen.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon