Chapter 27

4K 142 2
                                    

"Leche ka! Bakit ganyan ka?! Mahal mo ba talaga ako Lance?!" umuusok na ang ilong nya.

"To naman di na mabiro. Alam mong mahal kita. Ganun lang ang sagot ko para makasabay ako sa intro mo na "you won't probably believe this" so kunwari hindi ako makapaniwala but Love, I believe you. You're such a lovable lady and I won't be surprised kung pati si Blue Shadow ay ma inlove sayo."

"Ewan ko sayo Lance! Hindi ko nararamdaman na pinapahalagahan mo ko!"

Walang response. Napatingin pa sya sa cellphone dahil akala nya na cut na ang tawag.

"Pati pagsagot wala kang gana! Hindi mo lang alam kung ano ang pinagdadaanan ko ngayon! Akala ko pa naman may boyfriend akong mapaghihingahan ng sama ng loob!"

"Love, makikinig ako."

"Huwag na thank you na lang! Tama nga siguro si Blue Shadow!"

"Bukas susunduin kita sa trabaho. Mag usap tayo."

"No, thank you! Ayaw na kitang abalahin!"

"Love naman."

"Bye!"

Bigla nyang itinapon sa kama ang cellphone. Namiss nya bigla si Mikay. Pag ganitong malungkot sya ay niyayakap nya lang ito pero ngayon wala nga ito. Hindi naman nya matawagan dahil malamamg tulog na iyon.

Lumabas na lang sya at pumunta sa veranda. Hindi sya nito makakatulog.

Nakapangalumbaba sya sa grills at nakatitig sa bilog na buwan. Kalungkutan ang nararamdaman nya. Bakit ba pinagdadaanan nya ang ganitong yugto ng buhay nya. Malaki ang problema nya dahil nag aalala sya sa kalagayan ng Dad nya. Susuko daw ito sa awtoridad. Anong mangyayari pagkatapos? Malamang mababalita sa media yun dahil business tycoon ang Dad nya at kilala sa lipunan. Dudumi ang pangalan nila pero wala na syang pakialam dahil iyon ang nararapat gawin. Hindi nila pwedeng itago habang buhay ang mga kasamaang ginawa ng Dad nya. Hindi naman nya pwedeng sundin ang utos nito na sumunod sya sa US sa kuya nya. Sya lang ang pamilya ng Dad nya dito sa Pilipinas, hindi nya iiwanan ito. Namiss nya ang namayapa nyang Mommy. Siguro ay malungkot ito ngayon sa mga nangyayari. Siguro ay napi feel nito ang paghihirap nya.

Muling tumulo ang mga luha nya. Isa pang bumabagabag sa loob nya ay si Raymund. Alam nyang totoo ang sinasabi ng Dad nya. Maimpluwensya nga ito and sooner or later ay makakalaya ito. Natatakot ba sya? Oo ang sagot at lalo syang natatakot dahil pakiramdam nya, hindi nya maaasahan si Lance. Si Lance na naturingan pa namang boyfriend nya pero lagi namang wala ito sa tabi nya.

Ang lalim ng iniisip nya subalit natawag ang diwa nya ng nakita nya sa taas.

May nagsasalpukang parang apoy sa taas. Isang kulay pula at isang kulay asul. Kung pagmamasdan ay napaka gandang tanawin pero alam nyang hindi simpleng fireworks iyon. Agad nyang kinuha ang telescope nya at nagmamadaling bumalik sa veranda. Tiningnan nya kung ano yung nasa taas na iyon. She zoomed in the telescope only to find out na parang dalawang figures ng tao ang naglalaban sa taas.

Malakas ang kutob nya na si Blue Shadow yung isa pero yung isa ay hindi nya mawari kung sino. First time nyang nakita ang ganitong may taglay na superpower. Nag aapoy ang kalaban ni Blue Shadow at naglalagablab iyon.

Todo ang kaba nya.

Nakita nyang binugahan ng apoy si Blue Shadow at itinalsik ito palayo. Maya maya ay nakita nyang parang nahuhulog ito pabagsak sa lupa. Sinundan iyon ng blazing man, muling ilinipad at ibinalibag sa isang mataas na building. Nakita nyang nasira ang toktok ng building.

"Oh my God!" napapanganga na sya.

"Lord tulungan mo naman po si Blue Shadow! He is a good man Lord!" usal nya.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon