Chapter 25

5.8K 181 7
                                    

Nagising na naman si Aileen na wala sa tabi nya si Lance. Naiinis nya ng ganito. Gustong gusto pa naman nya yung pakiramdam na nakayakap ito sa kanya ng mahigpit pag gising nya. Isang beses pa lang nangyari iyon. Nung araw matapos ang birthday nito.

Tiningnan nya ang cellphone nya. Mag aalas sais na pala ng umaga.

Narinig nya ang boses ni Mikay.

"Pero tay dapat dadalaw dalawin nyo rin kami ng madalas ni ate Lingling doon ha? Kayo ni Mommy." anang anak nya.

Nawala ang antok nya. Napaupo na sya at nakinig sa usapan sa kabilang kwarto.

"Oo naman. Tsaka kukunin din naman agad namin kayo doon pag hindi na kami sobrang busy ng Mommy mo." si Lance.

"Laro tayo nila Bryan. Miss ko na sila." narinig nyang sabat ni Lingling.

"Oo nga ate Lingling! Miss na miss ko na rin sila tsaka si sister!" may excitement pa sa boses ni Mikay.

Napakamaunawain ng anak nyang ito. Mabilis makaintindi. Akala nya mahihirapan si Lance na kumbensihin ito.

Napapikit sya ng mariin. Natatakot sya. Alam nyang iniiwas lang ni Lance sa kapahamakan ang dalawa kaya agaran ang desisyon nitong dalhin sa probinsya ang dalawa. Kahit hindi kababakasan si Lance ng kahit na anumang pag aalala ay malakas ang kutob nya na may iniiwasan ito. At makalas ang kutob nya na may kinalaman ang mga nangyayari sa nakita nilang lalaki kagabi. Sa hitsura kase ng lalaki ay bakas na bakas na hindi gagawa ng mabuti.

Agad syang nag ayos ng upo ng bumukas ang pinto.

"Gising na pala ang pinaka magandang babae sa loob ng kwartong ito." ani Lance na malapad ang pagkakangiti.

Agad itong sumampa sa kama at niyakap sya't iginiyang humiga ulit.

"Breakfast muna tayo." bulong nito sa nang aakit na boses.

Kinurot nya ito ng pinong pino. Hawak na naman nito ang dibdib nya sa ilalim ng kumot. Nag iinit na naman tuloy sya.

"Lance tumigil ka nga! Nasa kabila lang yung dalawa! Loko loko ka talaga! Maririnig tayo dito!"

"Ikaw lang. Ikaw lang naman ang maingay eh." anitong nakasiksik na naman sa leeg nya ang mukha.

"Sira ka talaga! Alam ba nilang nandidito ako?" bulong na naman nya.

"Oo." ramdam nya ang mainit na mga labi nito na naglalakbay sa leeg nya. Napapapikit na naman tuloy sya.

"Teka! Anong sinabi mo?! Magkatabi tayong natulog?!"

Tumawa lang ito at tumigil na ng kakahalik. Yumakap na lang sa kanya.

"Hindi. Sinabi kong sa sofa ako natulog. Bumangon ka na at ihahatid na kita sainyo pagkatapos nating mag almusal. Babyahe pa kami pa Bicol."

Napaupo sya at pinandilatan ito.

"Hindi nyo ko isasama?!" bakas ang inis sa boses nya.

"May trabaho ka. Bukas pa ako makakabalik dito sa Manila."

"Aabsent ako today! Sasama akong maghatid!" pagmamatigas nya.

"Syempre kasama ka. To naman, pababayaan ba naman kitang mag isa? Itinakwil ka na nga ng tatay mo, pati na ng mga bodyguards mo. At nangako ako sayong ako muna ang magiging tatay mo diba?" anitong natatawa.

"Baka tatay ng ipagbubuntis ko?!" pabulong na angil nya.

Ang lutong ng tawa nito. Mukhang tuwang tuwa ang kumag.

Pagkatapos nilang mag almusal ay agad ng hinakot ni Lance ang mga dadalhin sa sasakyan. Dadaan pa sila sa kanila dahil kukuha sya ng ilang gamit din na dadalhin sa Bicol.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon