Chapter 9

4.1K 177 16
                                    

Two weeks later.

Mag aalas dos na ng madaling araw at kagagaling nya lang kasama ng grupo nya mula sa special mission nila sa Camarines Sur. Actually, kanina pa dapat sya nasa bahay ang kaso, gaya ng dati may mahahalagang tungkulin na naman syang ginampanan. Kung saan saan na naman sya nakarating. Malamang bidang bida na naman si Blue shadow sa media bukas hindi lang dito kundi sa buong mundo. Ang totoo, medyo napapagod na rin naman sya at ang masaklap mukhang kulang na kulang na talaga ang oras nya para sa kapatid nya. Naaawa na sya dito. Although hindi naman ito pinababayaan ni Mitch at ng Mama nito pero iba pa rin yung sya ang nag aasikaso. Sya ang kapatid eh. Malamang si Mitch na naman ang kasama nito ngayon sa pagtulog. Mabuti na lang talaga may mabait syang kapitbahay.

Kumatok sya sa pinto. Walang nagbubukas. Inulit nya. Wala pa rin. Tinawagan na nya si Mitch. Naka apat na ring lang ay sumagot na ito sa namamalat na boses.

"Hello?" ani Mitch.

"Mitch pasensya na sa istorbo. Pakibuksan naman ng pinto oh. Andito na ko sa labas. Sorry at naabala ko ang tulog mo." ani Lance.

"Lance, ikaw pala yan. Nasa Baguio ako ngayon. Nung isang araw pa ko dito eh. Diba nagpaalam ako sayo na may 1-week seminar kami dito? Kumatok ka na lang, si Mama ang kasama ni Lingling ngayon dyan." ani Mitch.

"Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sorry ulit sa istorbo. Tulog ka na ulit. Salamat ha?"

"Walang problema basta ikaw." malambing na sagot ni Mitch. Napangiti na lang si Lance.

Kumatok ulit sya. Ayaw na nyang gamitin ang bato para makapasok. Baka maging active na naman ito. Baka kung ano anong boses na naman ang marinig nya. Utang na loob gusto na muna nyang magpahinga. Kung may malala namang nangyayari ay kusa namang sasapi sa kanya ang bato. Sana makatulog naman sya kahit kunting oras lang.

Isang katok pa at bumukas na ang ilaw. May nagsalita.

"Sino yan?" naging sobrang active ng mismong buong katawan nya, higit lalo ang puso. Sexy ang pagkakarinig nya ng boses kanina ni Mitch pero itong boses na to ay triple yata sa ka sexy-han. Biglang napa imagine sya. O baka nga imahinasyon nya lang ang naririnig nya.

"Sino yan?!" muling tanong na medyo naiinis na. Si Aileen talaga ang boses eh.

"A..ako to, si Lance." nauutal pa yata sya.

Biglang bumukas ang pinto. Napigil nya yata ang paghinga nya ng ilang segundo. Naka pajama si Aileen na mukhang pajama ni Lingling. Halatang maiksi iyon sa dalaga dahil may katangkaran ito. Kahit medyo magulo ang buhok nito ay sobrang maka tulo laway pa ring tingnan. Tama ba tong bahay na kinatukan nya?

"Bakit ngayon ka lang?! Kung hindi mo kayang alagaan si Lingling ay mas mabuti pa sigurong dalhin ko sya lugar na may mag aasikaso sa kanya!" galit?

"Teka..teka lang ha? Galing ako ng trabaho. Hindi ko pinababayaan ang kapatid ko. Ibinilin ko sya kay Mitch. Iniwanan ko si Lingling ng mga pangangailangan nya. Kompleto walang kulang." paliwanag ni Lance.

"Mitch...nasaan ngayon si Mitch?" paangil pa yata ang boses ni Aileen.

"N..nasa Baguio, may seminar pero ibinilin naman daw nya si Lingling sa nanay nya. Teka nga muna. Bakit ba nagpapaliwanag ako sayo? Tsaka bakit nandito ka? Baka naman bombahin tong bahay namin ng tatay mo." kunot noong turan ni Lance.

"Dapat lang! Buti nga saakin ka lang nagpapaliwanag eh! O baka naman gusto mong sa DSWD ka magpaliwanag dahil sa kapabayaan mo! Yung nanay ni Mitch na sinasabi mo nagpaalam kanina dahil masama daw ang pakiramdam! Kung hindi kami bumisita kay Lingling anong mangyayari sa kanya? Mag isa lang sya dito?! Anong klaseng kapatid ka?!" angil ni Aileen.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon