Chapter 33

4.4K 179 9
                                    

Natataranta na si Raymund. Akmang itututok na naman nito ang kanang kamay na may hawak na baril sa kanya subalit umangat ang baril nito at inilipad sa ere dahil pinuluputan iyon ng isa pang taling asul.

Marami na ang nagchi cheer kay Blue Shadow subalit hindi pa ito nakikita. Biglang bumulagta na lang si Raymund ng may kulay asul na parang laser na tumapat sa noo nito. Nangisay ito ng ilang sandali at pagkatapos ay hindi na gumalaw. Mukhang patay na.

Biglang dinaluhan ng grupo ni Mark si Raymund at si Aileen. Agad na na-dis-arma ni James ang bomba na nakakabit kay Aileen at saka pa lang nila tinanggal sa kamay ni Raymund ang detonator.

Shock na shock pa rin ang dalaga. Hindi sya makapagsalita. Napakabilis ng mga pangyayari at hindi sya makasunod.

"Tara na Ai..hinihintay ka na ng Kuya mo sa labas." si Ram.

"Ha? Wait lang. Paghingahin nyo muna ako please. Iwanan nyo na muna ako dito. Wala na rin naman kalaban." aniya. Parang hindi pa kase sya makagalaw.

"Men, damputin nyo na lang muna tong mga casualties at dalhin sa naghihintay na sasakyan sa labas." mando ni Mark.

Agad namang sumunod ang mga ito.

Nilapitan si Aileen ng mga katrabaho nya.

"Are you okay?" tanong ng director.

Napatango na lang sya. Parang walang salitang gustong lumabas sa lalamunan nya.

"Ikuha nyo ng tubig si Ai!" utos ng director.

"Nasaan na si Blue Shadow?" muling usal ng director.

"Oo nga! Blue Shadow! Thank you! I love you!" sigaw ng isang crew..

"Blue Shadow magpakita ka naman please! Idol na idol kita!" sigaw pa ng isa.

Akmang bubuhatin na ni Mark si Raymund para ilabas ng biglang bumukas ang mga mata nito. Nagulat sya dahil nag aapoy iyon.

Agad siyang napasigaw.

"Lumabas na kayo!!! Ngayon na!! Bilis naaaa!!" sigaw ni Mark.

Agad na tinakbo ni Mark si Aileen at hinila ito dahil parang hindi pa rin makagalaw. Animo'y tulala na naman. Ang mga kasamahan nito ay nagsitakbuhan na palabas.

Sumama naman agad ang dalaga na marahil ay nakabawi na sa pagkabigla.

Pababa na sana sila ng exit ng biglang italsik si Mark dahil sa parang ipo ipong dumaan dito. Napasigaw si Aileen na naiwan sa sa taas. Nakita nya si Mark na namimilipit sa sakit.

"Saklo..." hindi na nya natapos ang paghingi nya ng tulong.

Agad syang parang hinablot ng hangin at ibinalik sa pinanggalingan nya. Halakhak ni Raymund ang naririnig sa buong news room. Mala demonyo ang halakhak nito. May lumalabas na apoy sa bibig nito.

Napatingin sya sa mga monitor. Naka ere na naman sila? Pinatay na iyon ng mga technical crews kanina eh.

Nahihintakutan na sya. Kakaibang Raymund na kase ang nakikita nya. Sa tingin nya ay may superpower na rin ito.

"Raymund please! Itigil mo na to!" pakiusap nya na umiiyak na naman.

"Itigil? Ngayon pang mas lalong okay ang nangyari??!" at tumawa na naman ito ng mala demonyo.

"Masaya to! Nasaksihan ng buong mundo ang transformation ko!" at muling tumawa ito.

Nagsisitayuan na ang mga balahibo nya. Tingin nya ay sinapian ng kakaibang nilalang si Raymund.

Biglang lumabas si Blue Shadow na kumikinang ang ka-asulan.

"Aquos! Lumabas ka sa katawan ng lalaking yan! Hindi ang lugar na ito ang lugar ng sagupaan natin!" sigaw ni Blue Shadow.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon