Chapter 19

5.8K 191 32
                                    

Sa kwarto ni Lance.

"Huwag mong bubuhatin yan si Mikay! Para kang gago! Mag usap tayo sa labas! Dinadaan nyo pareho sa init ng ulo! Walang mangyayari sainyo! Tangina ka ikaw pa ngayon ang malakas ang loob? Parang ikaw pa ang lugi sa relasyon ninyo ah?! Sikat na journalist ang syota mo! Respetado! Dapat inaalagaan ang ganyan!" mahinang angil ni Rock.

"Hindi ko syota yun. Narinig nyo naman diba? Sasampahan pa daw ko ng illegal detention?" mahina subalit may pait na pahayag ni Lance.

"Ilabas nyo nga muna dito ang gagong yan ng matampal sa noo! Magigising pa yung mga bata dyan sa loob sa drama ng ungas na yan." si Mark.

Dahil sa pangungumbensi ng mga kaibigan ay lumabas na rin si Lance.

"Uminom tayo!" ani Lance na umupo na sa sofa sabay tungga ng jack daniel na halos puno sa baso.

Napapailing na lang ang mga kaibigan nya.

"Ito pa oh! Isa pa! Marami tayo nyan! Shot lang ng shot! Hanggang bukas ang lalamunan mo may maipapasok tayong alak dyan!" nakangising turan ni Rock.

Naka limang shots sya ng sunod sunod.

"Tama na yan! Mag usap na tayo!" si Dave.

"Wala naman tayong pag uusapan eh!" maangas na sagot ni Lance.

"Umayos ka De Leon! Kagabi nung hinatid mo kami, kasama mo si Aileen sa sasakyan. Nagtaka na kami ni Sandy. Actually nagduda na kami." si Dave.

"Magkasama sila??? Pusang gala talaga! Kunwari pa ang gagong to na saakin niririto si Aileen?!" si Ram.

"Nagkataon lang yun. Nadaanan ko sya, pumara eh di inangkas ko na. May kabaitan din naman akong tinatago sa katawan kahit papano." sagot ni Lance sabay uminom na naman.

"Lulusot pa talaga ang gago! Eh ngayon? Ano ang masasabi mo na nakita naming lahat na nandito sya sa bahay mo?!" si Mark.

"Tragis naman Sir, ikwenento ko na sainyo ang lahat diba na yung batang ampon nya na si Mikay dating kasama ni Lingling sa bahay ampunan. Ang pagpunta punta nila dito, iyon ay kagustuhan lahat nung bata dahil namimiss nya si Lingling. Hindi lang sila nakaalis agad dahil na late akong umuwi. Hindi siguro maiwan si Lingling." angil ni Lance.

"Palakpakan! Nice try na putragis ka! Maraming gamit na dala bumisita lang?? Eh yung sinabi mo kanina na pinapangarap mong makasama si Aileen sa lahat ng mga importanteng okasyon sa buhay mo?! Yung sinabi mo na pag ganun kaganda ang naghihintay sayo sa bahay, hindi mo na makukuhang tumingin sa iba? Ano yun ha?! Sir, pahiram ng baril! Ayokong makarinig ng walang kwentang kasinungalingan! Isang tanong isang sagot! Syota mo yun si Aileen o girlfriend?!" mahinang tanong ni Rock sabay kasa ng baril na inabot ni Mark. Iniiwasan nyang marinig ni Aileen ang pinag uusapan nila. Hindi pa naman kase nila iyon kabatak masyado.

"Ulol! Kahit butasin mo ang bao ko ngayon, hindi ko girlfriend ang babaeng yun. Totoo naman lahat ng sinabi ko eh! Anong problema dun?! Libre namang mangarap diba? Sabi nga noon ni Rye, kahit walang hanggang paghiling, pwede! Ang kaso, hanggang doon na lang yun! Ayaw saakin ng tatay nya, hindi ako pwedeng sumabit sa kanya. Magiging malaking mantsa lang ako sa pamilya nila! Maniwala kayo, bumisita lang talaga sya, paalis na nga diba dahil nandito na daw ako?!"

"So ibig sabihin nakausap mo na yung tatay nya? Hanep! Talagang level up na ampotik! Mukhang, nagagawi gawi na to sa bahay ng mga Ballespin!" si Hernandez.

"Nakausap ng isang beses pero hindi gaya ng klase ng pag uusap na iniisip mo. Kung iniisip mong umakyat na ako ng ligaw sa kanila at ne reject ako n Mr. Ballespin para sa anak nya? hindi ganun ang senaryo. Kahit kelan hindi ako magkakalakas ng loob na pumunta sa bahay na yun para manligaw. Sinundo ko lang noon si Lingling sa kanila dahil nakipaglaro kay Mikay, tapos pinagbantaan ba naman akong huwag ng aapak sa doorstep nila? Pinamukha nya sakin ang gap ng pamumuhay namin. Ayos diba?" sarkastikong turan ni Lance.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon