Chapter 1

6.8K 194 21
                                    

"Please! Spare us! Parang awa nyo na! Ano naman ang makukuha nyo saamin? Hindi kami ang kalaban nyo! Ang totoo nga, kami pa ang pwedeng maging makatulong sainyo. Through us, your grievances can be extended to the government or to whatever agency that you might want to addressed your sentiments to! Sabihin nyo ang gusto nyong iparating at ihahatid namin! Besides, bakit ba puro karahasan na lang ang pamamaraan nyo? Maraming pwedeng maging paraan na hindi na kailangang mag buwis ng buhay ang kahit na sino but still you choose to pick the wrong way of making your point." magtatatlong araw na silang bihag pero hindi pa rin nawawalan ng pag asa si Aileen sa pangungumbensi sa mga terorista. Naniniwala syang makukumbensi nya ang mga ito.

"Tumigil ka ng babae ka! Ilang araw na akong naririndi sa pakiusap mo na alam mo namang hindi ka mapagbibigyan! Hindi ka pa ba napapagod? Pag nabwisit sayo ng tuluyan si kumander Kabad naku, hindi na pipigilan noon ang pang gigigil sayo! Alam mo mabuti na lang at type na type ka nya dahil kung hindi, naku matagal ka na naming pinag pyestahan! Kaya lang naka reserved ka na sa kanya. Hindi ka pa lang pinipitas dahil inirereserba ka nya sa birthday nya sa makalawa! Pagkatapos nya sayo, kami naman at hindi na kami makapaghintay! Matikman ka man lang namin bago ka maibalik. Akalain mo yun, mapapanood kita sa TV at maipagmamalaki kong nasibak na kita! Napakatinding katuparan ng pangarap ko yun!" anang bantay nya na bungal. Gusto nyang masuka subalit nagkunwari syang hindi apektado. Nasa isang kwarto sila kasama nya ang camera man nya at ang lightman. Pare pareho silang nakatali sa upuan.

"Alam mo, bakit hihintayin mo pa na una akong matikman ng amo mo? Pakawalan mo lang kami dito ay pwede naman nating gawin ang gusto mo pero kailangan muna nating makalayo dito para pare pareho tayong ligtas. Gwapo ka, hindi mo na kailangang mamilit ng babae." gusto na talaga nyang maduwal sa mga sinasabi nya.

"Totoo? Gwapo ako??" anito.

"Oo! Kahit itanong mo pa dito sa mga kasamahan ko." sagot ni Aileen. Una nyang maranasan na maging bihag subalit kailangan nyang magpakatatag at gumawa ng mga paraan para makaligtas sila.

"Akala mo maguguyo mo ko? Marami na kaming binihag uy at alam na alam ko na ang ganyang mga pambobola! Marami na rin akong kasamahan na napatay dahil nagpadala sa pambobola! Maghihintay na lang ako! Matitikman din naman kita eh!" anito na ngingisi ngisi pa habang hinihimas himas ang rifle na hawak.

"Hindi ako nambobo..." hindi na natapos ni Aileen ang sinasabi dahil may narinig silang putukan. Sa dinig nya ay nasa malayo ang putok. Kinabahan na naman sya ng todo at nakita nyang pati na rin ang mga kasamahan nyang dalawa. Pero kasabay noon ay nakaramdam na naman sya ng gahiblang pag asa. Sana may dumating uling ,ag re rescue sa kanila and sana this time, maging matagumpay. Napapikit sya at nanalangin.

Maya maya ay pabalandrang bumukas ang pinto. Humahangos na pumasok ang lider na may kasama pang apat na alipores.

"Boy Bungal, lumabas ka na ngayon din! Sumama ka sa grupo! Salubungin nyo ang pwersa ng militar!" sigaw ni kumander Kabad.

Agad na lumabas ang inutusan.

"Kalagan nyo ang mga bihag! Gagawin natin silang pananggalang pag nagkagipitan! Magmadali kayo! Kailangan na nating makaalis at makalayo dito!" utos ni Kumander Kabad sa apat.

Agad namang nagmamadaling sumunod ang mga ito.

"Parang awa nyo na po! Sumuko na lang kayo! Huwag nyo naman pong idamay ang mga kagaya naming inosente!" hiyaw ni Aileen. Nahihintakutan na talaga sya.

"Manahimik ka mahal ko! Ililigtas kita dito! Ako ang bahala sayo! Hindi ransom ang ipinadala ng tatay mo? Okay lang naman saakin, mas jackpot pa nga yata ako eh! Mas mahalaga ka sa ransom! Makukuha din naman namin ang pera sa iba!" ngingisi ngisi pang turan ni Kumander Kabad.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon