Chapter 13

3.9K 163 6
                                    

Namumulang napatayo si Aileen mula sa sofa. Narinig nyang umandar na ang sasakyan ni Lance at sigurado syang nakaalis na ito pero hindi pa rin nawawala ang mga paru parong nagliliparan sa sikmura nya.

Nakakainis! Nahuli pa sya nitong nakatingin. Peste namang mata nya to! Bakit ba hindi nya mapigilang mapasunod ng tingin sa ungas na yun? Lahat ng parte ng katawan nya yata ipapahamak ang kalandian nya! Kanina nahuli sya nitong napalunok. Yung punyeta kaseng lalamunan nya, parang nanuyo bigla ng makita nya ang sira ulo ng lumabas na naka towel lang at tumutulo tulo pa ang tubig mula sa buhok nito. Sa sobrang hot-look nito, pati lalamunan nya nanuyo kaya ayun napalunok sya. At kanina, nang sabihin ni Lingling na nahuli nito ang ugok na yun na hinalikan ang picture nya sa cellphone ni Lingling, kung hindi nya lang napigilan ang sarili nya baka nagtatalon na sya sa kilig. Ang hayop, tumanggi pa? Hindi na lang umamin para wala na sana syang pagdududa sa puso nya na gusto rin sya nito. Totoo nga kaya ang sinabi ni Lingling? Di kaya tama ang kumag na yun? Na namalik mata lang ang kapatid nito dahil inaantok na?

"Nakakainiiiiiiis!"

"Sino Mom ang nakakainis?" si Mikay.

"Ha? Ah eh wala. Ling magbihis ka na. Aalis na tayo. Baka nag uumpisa na yung program." yun na lang ang nasabi nya.

Biglang tumunog ang cellphone nya. Lumukso ang puso nya. May text message ang gago.

'I saw you again. I saw that!' iyon ang text ng sira ulo.

Lalong namula ang mukha nya.

'Letse ka! Tiningnan ko lang kung matitisod ka! Sayang nga lang dahil hindi!'

Nanggigigil pa yata sya ng i-send iyon.

Tapos na't lahat magbihis si Lingling, hindi na nagreply ang kumag. Na bwisit sya. Napapansin nya, parang sya lagi ang atat tuwing nag uusap sila sa cellphone. Laging sya ang huling nagte text at kahit sa tawag sya ang laging nagsasalita. Kagabi nga, pinatayan sya nito ng cellphone na hindi man lang nagpaalam. Walang gumaganon sa kanya. Sya na lang ang hindi nagre reply pero ang mga nakaka text nya lalo na't lalaki ay nagkakandarapang mag reply pero ang gagong ito?? Akala mo kung sinong gwapo! Well, ewan! Gwapo nga at nakaka bwisit!

Paalis na sila ay namalayan nyang nagtetext na naman sya sa sira ulo.

'We're going!!!' message sent.

Tumatakbo na ang sasakyan ng may dumating na text message.

'I saw you. Don't deny it.' iyon ang reply.

'Fuck you!!' reply nya.

'Woooh! That's hot! I'm willing :p'

'Mura yun! Hindi kabastusan gaya ng nasa manyak mong utak!'

Himala. Nagreply agad.

'Ha! Ha!'.....at iyon lang talaga ang reply? Per letter ba ang charge sa load nito? Parang pager lang ah! Tipid na tipid sa letra! Letse! Pero teka? Bakit ba nahihilig yata sya sa pagte text? Dati naman tinatamad syang mag pipindot ah? Panay tawag lang ang ginagawa nya. Paminsan minsan lang sya mag text.

'Ha! Ha! Ur face!'

Last na talagang text to! Hiyaw nya sa utak nya.

Last na nga dahil hindi na nag reply ang tarantado.

Tuwang tuwa ang dalawa sa anniversary ng foundation. Nakikipaglaro ang mga ito sa mga batang cancer patients. Kumanta pa nga si Lingling at si Mikay sa videoke.

Tanghali ng tumunog ang cellphone ni Lingling. Hawak nya iyon dahil nagkikipagkulitan ito sa mga kalaro. Katatapos lang kumain.

"Ano?!" paangil na sagot nya.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon