Chapter 8

4.2K 183 8
                                    

"Kuya galit yung Daddy ni ate Aileen?" tanong ni Lingling habang nasa byahe sila pauwi.

"Hindi Ling, natural lang sa kanya yung ganun. Natural lang sa isang gago yung mga ganung asta. Huwag na huwag ka ng pupunta sa bahay na yun at huwag na huwag ka ng makikipag usap kay Aileen! Baka mauwi na naman ang lahat sa panglalait ng Daddy nya, hindi ako makakapangako na hindi na ako makapananakit." hindi pa rin mawala wala ang inis nya. Siguro kung nasa kanya lang yung bato kanina ay baka nag transform sya. Nagkaalaman na sana. Mabuti na lang wala sa kanya. Sa lahat ng ayaw nya ay ang naaapi ang kapatid nya. Buong buhay nya ay kapakanan nito ang inaalagaan at pino protektahan nya.

"Pero kuya mabait naman si Ate Aileen. Nakipaglaro nga sya saamin ni Mikay. Tapos lagi kaming pinapakain. Tapos andami naming pinuntahan na magagandang lugar. Tapos ang sabi pa nya ang ganda ganda daw namin ni Mikay. Tapos binilhan nya ako ng...teka! Kuya teka lang! Naiwan ko teddy bear kong malaki! Balikan natin!" napapasigaw pa si Lingling.

"Ling hindi na. Hayaan mo na yun. Ibibili na lang kita." ani Lance.

"Eh kuya ayaw mo nga akong bilhan nun eh! Lagi ka na lang nagpa promise na ibibili mo ako ng ganung teddy bear. Yung kaseng laki ko!" reklamo ni Lingling.

Nilingon ni Lance si Lingling. Hindi sya makapaniwala.

"Binilhan ka ng malaking bear? Yung 6 thousand plus ba yun na itinuturo mo noon nung magkasama tayong namasyal?" tanong ni Lance.

"Mas maganda pa nga binili ni ate Aileen eh. Kulay pink at ang laki talaga kuya! Ganto!" akma pang tatayo si Lingling para mag demo kung gano kalaki.

"Sige na naniniwala na ako. Huwag ka ng tumayo at sige bibili rin tayo ng ganun. Maglo loan ako sa AFSLAI." naiiling na turan ni Lance.

Mahirap talaga ang mahirap. Sakto lang ang sahod nya sa pangangailangan nila ni Lingling. Naghuhulog pa kase sya buwan buwan para sa bahay. Kung minsan na sumusumpong yung hika ni Lingling kumukulang pa ang sahod nya. Hay buhay talaga. Mabuti na lang at may mga kaibigan syang napaghihiraman nya anumang oras na minsan pa nga hindi na sya pinagbabayad. Sya na lang ang nahihiya.

"Kuya naman eh! Gusto ko yung binili ni ate Aileen! Ganda ganda nun eh! Balikan natin!" nagtatampong turan ni Lingling.

"Ling huwag na. Sige bukas bibili tayo ng ganun." pakiusap ni Lance.

Hindi na kumibo si Lingling halatang nagtatampo pa rin. Bukas na bukas din manghihiram sya kay Ryan. Siguradong pauutangin sya noon. Hindi na lang nya sasabihin na ibibili nya ng teddy bear ni Lingling dahil tiyak na pag nalaman ni Marl iyon, hindi na naman pababayaran. Kung si Mark naman ang hihiraman nya isa pa yun, basta nanghiram sya alam nitong para kay Lingling kaya halos doblehin ang pera na ibinibigay sa kanya. Bayaran man nya o hindi wala itong pakialam. Pero syempre nagbabayad sya. Ganun talaga ang utang, dapat binabayaran. Ganun din si Dave, napaka generous din nito. Napaka swerte na lang talaga nya sa mga kaibigan kaya hindi nya inaabuso ang mga ito. Kung talagang kailangan na kailangan saka lang sya nanghihiram.

Si Rock ang matindi. Nang minsang manghiram sya ng panghulog sa bahay dito ay muntikan ng bayaran ang kabuuang halaga ng bahay nila para hindi na daw sila kinakapos. Syempre tumanggi sya. Nagpupumilit pa ito subalit hindi sya nagpaunlak. Swerte pa rin talaga sya kahit papano pero kahit kelan ay hindi sya nanamantala. Sabi nga ni Rock, sya daw ang kilala nitong mahirap na sobrang yaman sa pride. Siguro daw, kung pwedeng ibenta ang pride ay baka mas mayaman pa sya kay Henry Sy. Kung kelan hirap na hirap na ay tsaka lang lalapit sa mga kaibigan. Sabi pa nga ni Rock may kilala daw itong mayamang negosyante sa China na mas madalas pang mangutang kaysa sa kanya. Hindi naman kase sya madalas mangutang talaga. Kung kailangan na kailangan lang at madalas nga para sa pangangailangan ni Lingling iyon. Ganun nya kamahal ang kapatid nya. Kaya nyang lunukin ang sinasabi ni Rock na kayamanan nya para sa kapakanan ng kapatid nya dahil kung para sa kanya lang, kaya nyang magtiis. Ganun nya kamahal ang kapatid nya.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon