Chapter 7

4.5K 157 6
                                    

Nasa headquarters ngayon si Lance.

Kagagaling lang nila mula sa isa na namang misyon kaya medyo relax ang grupo ngayon.

"Ram mukhang sinusulot ni Lance si Ms. Alileen ah...akalain mo dinalaw na pala sya sa bahay ng pinapantasya mo lang? Ikaw ba nagkita na kayong muli mula nung pumunta sya dito? Hindi na diba? Tangina pre mukhang tinatabla ka ni Lance!" pang aasar ni Hernandez.

"Tumigil ka nga Marco! Painit ng ulo ka rin no? Gumawa ka pa talaga ng kwento!" angil ni Lance.

"Ako ang tigilan mo tsong! Kahapon, nung hinatid kita sainyo, sinabi kaya sakin ni Lingling na pumunta sainyo si Aileen nung isang linggo. Pinakita pa nga nya saakin yung picture nilang dalawa sa cellphone." patuloy ni Hernandez.

Ihinatid nga sya ni Marco sa bahay nila dahil hindi nya dala yung sasakyan nya kahapon.

Napatingin sa kanya si Ram. Kunot ang noo. Parang hindi makapaniwala sa sinabi ni Marco.

"Pre huwag kang maniniwala dyan. Pumunta lang sa bahay yun dahil kay Lingling. Yung ampon kase ng syota mo, si Mikay, nakasama ni Lingling sa bahay ampunan yun. Ngayon, dahil nga magkaibigan yung dalawa, gusto daw makita ni Mikay si Lingling dahil nasa Manila na rin naman sya kaya ayun ipinahanap yung address namin pero sila sila lang ang nag usap Pre. Maniwala ka, hindi ko nga sinulyapan ang syota mo. Hindi ako tumatalo ng kaibigan at hindi ako pumapatol sa hindi kagandahan." loko ni Lance.

"Wow! Tangina mo ka! Hindi kagandahan? Kung ako sayo Ram babarilin ko ang ngala ngala ng gagong yan! Hindi daw kagandahan ang sweetipie mo? Taas ng taste mo Lance!" si James.

"Joke lang! Di na kayo mabiro. Makalait man lang ng sikat. Libre naman diba? Di naman nya naririnig eh." natatawang sagot ni Lance.

"So talagang pumunta nga sainyo Lance?" paniniguro ni Mark.

"Oo nga Sir, pero hindi na rin naman ako nagugulat eh. Sanay na akong labas masok sa bahay ko ang mga sikat na personalidad. Nauumay na nga ko minsan eh." patuloy sa kalokohan si Lance.

"Ulol!" si Mark.

"Pano yan Ram? Mukhang naungusan ka na nga ni Lance." sali ni Dave sa paglolokohan.

"Okay lang naman saakin yun Sir kung mapunta si Aileen kay Lance. Na realized ko lang na hindi rin naman siguro ako makakapagtapat ng saloobin ko. Ang layo pa ng agwat namin. Ni hindi na nga kami ulit nagkita at kung magkita man ulit kami, hindi na ako papansinin nun. Baka nga hindi na ako maalala. Isa pa pag kaharap ko sya hindi ako makapag salita ng maayos. Di ko kase alam lagi ang sasabihin ko. Kaya okay lang na target-in sya ni Lance. Di rin naman sya nun papansinin. Asa naman ang gagong yan." loko na rin Ram.

Sa bandang huli si Lance tuloy ang nakantyawan ng grupo dahil sa sinabi ni Ram.

"Asa ka naman Lance..kung ikaw si Blue Shadow baka pwede pa. Yun daw ang type na type ni Ms. Aileen eh." si Marco.

"Blue shadow na katarantaduhan. Kung sya lang naman huwag na uy! Malamang panget yun kaya piniling maging anino na lang." loko ni Lance.

"Gago ka pag narinig ka nun baka gawing asul na asido yang dugo mo!" si Ram.

"Joke lang. Malamang busy yun sa pagliligtas ng sanlibutan." bakas pa rin ang kalokohan sa sinabi ni Lance.

"Speaking of Blue Shadow, nakuha ko na nga pala yung result ng examination doon sa tali. Hindi ma identify ng mga ekperto kung saang materials yari ang panali. Mukhang out of this world daw ang composition. Sinubukan nilang putulin pero hindi man lang sila nakatapyas kahit kunti. Kung ano ano na daw ang ginamit nila." si Mark.

"Eh naputol nga ni Ram eh. Baka naman kulang sa hasa yung pamputol na ginamit nila?" si Lance.

"Hindi ko nga rin maintindihan eh." si Mark.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon