Chapter 29

3.9K 157 4
                                    

Kinabukasan ng hapon, Linggo ay sumama nga syang mag shopping kila Marl. Napilit sya ng tatlo at hindi naman sya nagsisi. Nag-e-enjoy sya kahit papano. Good thing dahil hindi sa mataong lugar sila namili. Artista kase si Sandy at syempre sya kilalang news anchor kaya sa hindi matao subalit sosyal na mall sila pumunta.

"Ayan! Yan pwede mong isuot yan para bukas! Bongga ka dyan!" si Marl.

Napakunot ang noo nya at napatingin kay Marl. Nagkatinginan naman ang tatlo.

"Bakit? Anong meron bukas?"

"Bukas yung official rights ng promotion ng mga loko loko!" si Sandy.

Agad nyang naibalik sa hanger ang damit. Para syang napaso.

"Hindi ako a-attend nun." malamig na turan nya.

"Pero Ai, wala man lang kapamilya doon si Lance. Si Lingling na nag iisang kamag anak nya, nasa probinsya. Ikaw na lang ang..."

"Hindi kami magkapamilya Thel at wala na kaming koneksiyon. Hindi nya ako kailangan doon. Baka mamaya, sya pa ang hindi sumipot pag pumunta ako doon."

Matapos makapag meryenda ay umuwi na sila. Nakangiti sya ng magpaalaman sila pero deep inside ay mabigat na naman ang loob nya at dahil kay Lance iyon.

Kinabukasan ay laman pa rin ng balita si Blue Shadow. Nagtataka ang marami kung ano na ang nangyari dito matapos ang laban sa kalawakan. Marami ang nananawagan na magpa interview ito at ipaliwanag ang nangyari at kung sino yung nakalaban nitong isa pang kakaibang nilalang subalit as usual, wala pa rin itong media na pina uunlakan.

Balik trabaho na sya. Maige naman dahil sensitive ang mga katrabaho nya at iniisip nito ang pinag dadaanan nya. Duda nya ay sadyang hindi na isinali ang balita tungkol sa Daddy nya ngayong gabing ito pero sa kabilang estasyon ay pinagpe pyestahan pa rin.

Laman din ng balita ang promotion ng grupo na nag rescue sa Ambassador. Mabuti na lang at hindi sa kanya naka cue ang balitang yun.

Nakita nya sa screen, si Lance lang ang walang kasamang kapamilya. Hindi nya natagalan ang pagtingin sa monitor kaya iniiwas nya ang paningin.

At least kapitan na ito. Good for him! He can do better na wala sya sa tabi nito.

Nasasanay na yata sya sa sakit ng loob. Parang robot na lang ang pakiramdam nya ng umuwi. Namamanhid na ba sya? Sana nga ganun na lang.

Naging routine na nya ang pag bisita sa Dad nya, pagbisita sa foundation, pagkausap sa anak nya sa probinsya at pagpasok sa trabaho. Yun na lang ang buhay nya. Ang totoo ay gustong gusto na sana nyang kuhanin si Mikay sa probinsya subalit nangangamba syang malungkot si Lingling pag kinuha nya ang anak nya. Isa pa, pinagpi pyestahan pa ang storya ng pamilya nya sa ngayon. Tsaka na lang siguro pag medyo nakalimot na ang lahat. Sa ngayon ay mainit na mainit pa rin at pati ang paratang sa kanya na itinago nya ang illegal na gawain ng Dad nya ay ganun din kainit.

Gabi na naman at nasa news room na sya. Nagre ready na sya para pag umpisa.

Nakita nyang lumapit ang floor director nila sa co-anchor nya at may ibinulong dito.

Napatingin sa kanya ang co-anchor nya [na nakalimutan ko na ang pangalan].

"Standby." utos nito sa crew habang lumalapit sa kanya.

"Ako na muna ang bahala dito. Manood ka sa estasyon sa kabila. Live daw ngayon si Blue Shadow at kinakapanayam nila sa isang lugar na hindi nila pa tiyak kung saan. Ang panayam ay may kinalaman sayo at sa Daddy mo."

"Ha? Bakit? I mean.."

"Sige na manood ka na." anito na nakangiti at bakas ang simpatiya sa kanya.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon