Chapter 16

4.6K 185 18
                                    

Nagising si Aileen na medyo masakit ang ulo. Napangiti sya ng makita nya ang paligid. Kwarto ni Lance. Isinubsob nya muli ang mukha sa unan. Gusto nyang matulog sa kwartong ito maghapon magdamag. Maalwan masyado ang kwarto nya sa bahay nila pero mas ramdam nya ang comfort sa kwartong ito. Pakiramdam nya safe na safe sya dito.

"Sige Lance, aalis na muna ako. Balik na lang ako mamaya ha? After naming magsimba ni Mama." boses iyon ni Mitch. Hindi sya maaaring magkamali. Napatayo sya at akmang lalabas subalit napigilan nya ang sarili nya. Naka pajama lang sya. Pajama pa ni Lingling iyon.

Hinayaan nyang mag init na lang ang ulo nya. Ang totoo, wala namang karapatan ang ulo nya na mag init eh. Nasisiraan na lang talaga siguro sya ng bait.

"Sige Mitch. Salamat ulit sa ulam." ang tarantado. Umiinit lalo ang ulo nya. Ang sabi nito kagabi hindi magbubukas ng pinto? Leche!

"Ako ulit ang nag luto nyan...gumamit pa ko ng google para sa recipe na yan. Sana magustuhan mo." halatang halatang na nagpapabebe. Nakakainis!

"Magugustuhan ko to, panigurado yan! May niluto ka bang hindi ko nagustuhan? Wala naman diba?" sagot pa ng gago.

Gusto na talaga nyang mag transform!

"Thank you naman!" at tumawa si pabebe. May kalandian, promise!

"Andyan na yata si Aling Belen Mitch..parang tinatawag ka na." ang gago ulit.

Kunwari pa! Kung di pa nya alam, gustong gusto naman ng gago na nandidito ang pabebe na yan.

"Wala pa kaya..ibinibilin pa nun yung mga aso nya, tsaka magkwento ka muna. Bakit pumunta nga dito si Aileen?"

"Napaka tsismosa mo talaga. Wala nga akong iku kwento. Yung sinabi ko sayo yun na yun."

"Alin? Yung crush na crush ka kamo nya at yayayain ka sanang mag date nung araw na yun? Tapos nakita ako, tapos nagselos sakin? Yun ba yun?"

"Oo..hinaan mo naman ang boses mo...maririnig ni..maririnig ng mga kapitbahay." sagot ni Lance.

Para na ngang sira si Aileen. Napapangiti na sya eh.

"Okay sige na. Hihinaan ko yung boses ko, ngayon, yung totoo naman. Yung medyo kapani paniwala. Ano nang sadya nya sayo?"

"Okay, hinatid nya lang talaga si Lingling. Diba sinabi ko naman sayo na kaibigan nga ng anak nya si Lingling?"

"Ang swerte ni Lingling no? Pero mas swerte si Mikay..parang love na love sya ni Aileen. Lagi nga daw kasama sa trabaho yun eh."

"Mitchelle! Ang tagal mo dyan! Aalis na tayo!" dinig nyang sigaw. Malamang yung nanay na ni Mitch yun.

"Andyan na Ma.." sagot ni Mitch.

"Alis na ako..goodbye kiss ko?" si Mitch ulit.

Napahawak na talaga si Aileen sa doorknob.

"Ha! Ha! Sige na umalis ka na..baka mamaya, pagbabatuhin ni Aling Belen tong bahay ko." si Lance.

Kunwari pa! Nakakabwisit! Humigpit lang ang pagkakakapit nya sa doorknob.

"Bye Mitch!" si Lingling? Gising na pala? Napatingin sya sa relo. Mag aalas otso na pala ng umaga?

"Bye Ling...laro tayo later ha?"

"Oo. Laro tayo!" si Lingling.

Maya maya ay wala na syang narinig. Mukhang nakaalis na. Sumilip pa sya sa pinto. Wala na nga.

Lumabas na sya.

"Ate Aileen??? Andito ka??" nanlalaki pa ang mga mata ni Lingling. Mukhang nagulat ng makita sya.

Blue ShadowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon