Chapter 3: The Ex and the Present

655 16 6
                                    

CROSS' POV

Well it's official, kami na nga ni Nica. Ang bilis nuh? Wala man lang ligaw-ligaw. Kaya nga Casanova diba? Yun ang peg ko ngayon! Nahahawa na ata talaga ako sa kalokohan ni Seven. Just like him, girls around us are just for entertainment, yun lang yun, pero kapag seryosong usapan na, si Eya parin talaga ang mahal ko.

Hindi ko naman talaga Gawain ang manloko ng babae, kung hindi dahil sa Memo na yan, or sabihin na natin yung 'dare' niya, hindi ko to magagawa, ay ewan ko ba, ang sarap lang talagang upakan ng lalaking yun. May araw din ang Memo na yan.

Wala namang masama sa Personality ni Nica. She's just a prostitute during T, TH, S night, but other than that, nagtatrabaho siya sa isang Mall bilang cashier. Just like what I've said, she's nice and amazing, and she's also good in performance sa bed. Teka nga lang, ano ba tong sinasabi ko? Nahahawa na talaga ako kay Seven. Makauwi na nga lang. Namimiss ko na kasi ang Cookie Bear ko eh.

Pag-uwi ko sa bahay, nakita ko si Eya na may kausap sa Phone. English speaking pa hah? Ibang-iba na talaga ang cookie bear ko ngayon, hindi na siya tulad ng dati, malamang iba na nga diba?

Physically: Mas pumuti siya, wala na rin siyang tigyawat sa mukha, shiny at soft na ang buhok niya at lagi na rin siyang mabango.

Mentally: Iba na talaga siyang mag-isip. More Sophisticated na rin siya. At mas matalino na rin ata siya sa akin.

And Socially: Iba na siyang makipag-usap sa ibang tao, iba na rin ang way niya ng pananamit, babaeng-babae na siya, lalo tuloy akong naiinlove sa kanya. Iba na rin ang kinikilos niya sa ibang tao, hindi naman sa nangangagat na siya, yung parang pinapakita niya lang na hindi na siya pwedeng api-apihin o lait-laitin tulad ng high school days.

Well, people do changed! Wala tayong magagawa. She's still Eya, the girl that I didn't expect that will complete my life. The girl who made my life the fullest, and the girl changed me a lot. And I love her!

EYA’S POV

After kong makipag-usap sa OJT Boss ko, I went to the kitchen where Cross was. How I miss him so much! He’s really cute >.< Lumapit ako sa kanya then nagsmile lang ako. Binigyan naman niya ako ng masungit na tingin. Anu na naman bang problema nito? “Bakit ba? Ikaw na nga diyan ang nginingitian diyan.” Nagsmirk lang siya bilang reply. Nakakaasar talaga to.

“Bahala ka nga diyan! Nagbabadtrip ako sayo!” Tumayo na ako at naglakad papalayo sa kanya. Ilang saglit lang, napansin ko na may yumakap sa akin. “Eya….”

“Cross, bakit ba ang sungit sungit mo?”

“Di ka na nasanay! Ikaw naman kasi eh, imbis na ako yung kasama mo sa Mall, inuuna mo pa si Lory!” Pagtingin ko sa kanya, nagpout siya, omeged, did he really do that? “Cross naman eh, isip bata ka talaga! Siyempre siya yung bestfriend ko tsaka mas malaki yung utang na loob ko sa kanya.”

“Kahit na, ako ang boyfriend mo diba?”

“OK fine, tara magpunta na tayo sa Mall ngayon!”

“Ayoko! Parang napipilitan ka lang eh. Diyan ka na nga lang!” Naglakad na siya papunta sa kwarto niya. “CROSS!” sigaw ko, pero hindi siya lumingon, dumaretso lang siya sa paglalakad. Nakakainis talaga siya.

CROSS’ POV

Naiinis talaga ako kay Eya, sana binili man lang niya ako ng bagong damit sa Mall o isang balot ng Boy Bawang bilang pasalubong sa akin. Tsk. Working Days nga pala ngayon, makapasok na nga lang sa trabaho, pwede naman akong umabsent dun  dahil kami naman ang may-ari ng kumpanya. Pero dahil bored ako, bibisitahin ko na lang muna yung office ko. Sandford Construction Company ang name ng kumpanya namin. Company for Licensed Civil Engineers.

Nagbihis na ako agad tapos ay sumakay na ako sa kotse ko. Nagdrive na ako papunta sa building ng aming company then after 10 minutes, nakarating na rin ako. Pagpasok ko sa building, halos lahat ng empleyado doon ay nag-greet sa akin, pero ako, di sila pinapansin. Lumapit sa akin yung secretary namin to inform me na meron kaming bagong empleyado na mataas daw ang position. Si Dad daw ang naghire sa kanya, well as if I care about that!

Pagpasok ko sa elevator, I pressed the button “30” which means paakyat ako sa floor 30. Magsasara na sana yung elevator kaso may sumigaw sa akin. “Wait Wait! Wait for me!”  Tumakbo siya ng mabilis para makapasok sa elevator but I just let the elevator to be closed, so that means hindi siya nakahabol. Sobrang bagal niya kasi. Tsk, ang ayoko sa lahat, yung taong mababagal. Lalaki pa naman siya!

Pagpasok ko sa office ko, agad akong umupo at nagpahinga. After a while, pumasok yung secretary ko para sabihin na pinatatawag daw ako sa office ni Dad. Agad naman akong lumabas ng office ko para makapunta sa office ni Dad. Habang naglalakad ako, naririnig ko yung ibang employee na nagchichismisan.

“Girl, nakita mo na ba yung bago nating Vice President sa kumpanya na to? Ang pogi noh?”

“Yeah right, mas pogi pa ata sa anak ni Mr. Sandford”

“Di ka sure diyan girl, pogi parin si Sir.”

“Aish, parehas naman silang pogi eh, tapos mukha ding mabait yung V-President natin, di katulad ni S--“

Napatigil sila sa pag-uusap nila dahil napansin nilang nakatitig ako sa kanila. “S-Sorry po Sir, babalik na po kami sa trabaho namin.”

“Do you want me to fire both of you?” –sabi ko. “H-Hindi po Sir.” Sagot nilang dalawa. “Fine, you better go back to your work!”

“Ok po Sir!”

Dumaretso na lang ako sa paglalakad papunta sa office ni Dad, tama ba yung narinig ko sa dalawang chismosa na yun? Pogi at mabait daw yung bago namin Vice President? At teka, Vice President agad? Sino kaya yung kumag na yun?

I entered my Dad’s Office and seat down to the chair. “Dad, is there something I can do for you?”

“Nothing Son, I just want you to know our new Vice President.” –sabi ni Dad. “Yeah, yun yung pinagchichismisan nung ibang empleyado diyan. And, I don’t think that I am interested to know him. And Dad, bakit naman VP agad? Ganun ba siya kagaling sa trabaho niya?”

“Yes son. Are you jealous?” Dad smirked.

“Of course not. I will be the next PRESIDENT of this Company, so there’s nothing that I should jealous. Well if you'll excuse me, I’ll just go out now.” Tumayo na ako para makalabas sa office ni Dad. Sus, yun lang pala kaya niya ako pinatawag.

“Cross.” –said dad. Hindi ako lumingon. Lumabas na lang ako ng office ni Dad at nagpunta sa ground floor. Napansin ko na lang na nagpapalakpakan ang mga tao. Ako ba yung pinapalakpakan nila? Hahaha tama yan guys, dapat pinapalakpakan niyo ang next President ng company na to.

Akala ko talaga ako yung pinapalakpakan nila, yun pala ay yung lalaking muntikan ko nang makasabay sa elevator kanina, yung babagal-bagal. Tinanong ko yung isang employee sa tabi ko. “Bakit niyo siya pinapalakpakan?”

“Ah Sir, si Mr. Castro po ba? Eh kasi sir hinuli niya yung nakapasok na magnanakaw dito. Balak kasi nung magnanakaw na kunin lahat ng pera dun sa secret money storage, diba sir dun nakalagay yung ibang Milyones ng kumpanya natin? Pero dahil kay Mr. Castro, nahuli ito at nadaretso na sa mga kamay ng mga pulis. Ang galing po niya diba?”

“Tsk, masyado naman kayong humahanga sa kanya.” –sabi ko. Lumapit ako sa Mr. Castro na yan. He looks half-American, he’s kinda handsome too, I admit it. But I think I am better than him. Tumingin sa akin si Castro, di ko naman alam ang name niya kaya Castro na lang ang itatawag ko sa kanya. Magsasalita na sana ako sa kanya pero naunahan na ako ni Dad.

“Mr. Castro! Wow, I heard na nahuli mo daw yung magnanakaw. You’re so amazing! Tama lang na hinire kita dito sa kumpanya ko. I’m so proud of you!” Ngumiti si Castro kay Dad, tapos ako naman ang sunod na kinausap niya. “Son, siya yung gusto kong makilala mo, ang Vice-President ng Sandford Construction Company, Mr. Mark Castro. Mr. Castro, this is Cross, my son.”

So siya pala yung pinagchichismisan nung mga babae kanina? Ang new Vice President namin, well ako naman yung next President dito kaya naman mas mataas parin ako sa kanya.

“Hello Sir, it’s so nice to meet you.” Inilahad niya yung kamay niya sa akin, hindi sana ako makikipagshake hands sa kanya pero nandiyan si Dad, kaya naman inilahad ko rin yung kamay ko.

“I’m Cross, you’re BOSS!”

&quot;Diary Ni Eya (Fan-Fic)&quot; {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon