Chapter 21.1: Broken-Hearteds Met (Part I)

289 7 0
                                    

EYA’S POV

*Rinnnnggg Rinnnnggg*

Calling…

…………Vincent

O______O

Ano kayang kailangan nitong si Vincent? Gabing-gabi na tsaka pa siya tumawag.

Kinuha ko yung cell phone ko tapos kinausap ko na siya.

“Hello Vincent.”

“MANLOLOKO KA!”

“Huh?”

“BREAK NA TAYO!”

End Call……..

Omeged, anong sinasabi niya? Alam na ba niya ang totoo?

Sino naman kaya ang nagsabi sa kanya?

Baka naman…….. nakita niya lang ako na may kasamang iba.

Well, mabuti na rin yun kasi hihiwalayan ko naman talaga siya. Mabuti na rin yung siya ang nakipagbreak para hindi na ganun kasakit sa kanya.

VINCENT’S POV

Shet!!!! Shet lang talaga. Sobrang tanga ko. Nagawa akong lokohin at paglaruan ng isang babae. Kainis talaga.

May kasama siyang ibang lalaki sa park, niyakap niya ito tapos hinalikan pa. Anong ibig sabihin nun? Siyempre niloloko niya ako. Hindi naman kasi ako tanga para bumalik pa sa kanya matapos lahat ng nakita ko sa park.

Makapunta nga muna sa Bar para malimutan ko yung mga problema ko kahit saglit lang.

Pagdating ko sa bar, umorder na ako ng ilang bote ng alak. Inom lang ako ng inom, di ko iniisip kung makakasama ba sa kalusugan ko to’ng ginagawa ko.

“Hey Cutie.” Sabi ng isang babae.

Bigla siyang lumapit sa akin, maikli lang ang suot niya, I think nagtatrabaho siya dito.

“Ang dami mo nang naiinom ah. Gusto mo ba ng karamay?”

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa, hmm, not bad.

“Sige……”

Kumuha siya ng baso tapos naglagay din ng alak. “May problema ka ba?” tanong niya.

“Meron……. Nalaman ko lang kasi na niloloko ako ng babaeng minahal ko. Sobrang tanga ko.”

“Talaga? Parehas pala tayo. Meron din kasi akong boyfriend, mayaman siya, gwapo, at akala ko minahal niya talaga ako. Alam ko na meron talaga siyang girlfriend nung una pa lang, at akala ko rin na mas pinagtutuunan na niya ako ng pansin kaysa kay Eya, pero mali pala ako. Niloko niya rin ako tulad ng nangyari sayo. Iniwan niya ako na parang wala lang nangyari sa aming dalawa. Hanggang ngayon, masakit pa rin sa akin ang lahat ng nangyari.”

Eya? Aish, baka kapangalan lang.

“Talaga? Hahaha masyado ka nga atang nagpapaapekto sa lalaking yon, i-inom na lang natin to.”

“Haha, oo nga! Cheers!!!!”

“Cheers!”

After namin mag-inuman dito, kinuha ko na yung wallet ko para makapagbayad. “F*ck!!!! May picture pa pala ako ni Eya!!!!”

Nagulat ako kasi may wallet size picture pa ako ni Eya na nakalagay sa wallet ko. Inalis ko yun sa wallet ko tapos kinusot ko.

“Heyy, chill lang.” sabi nung babae. Teka, di ko pa pala alam ang pangalan niya.

"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon