Chapter 21.2: Broken-Hearteds Met (Part II)

286 10 4
                                    

CARLA’S POV

 

*Knock Knock Knock*

Agad akong lumapit sa pinto para pagbuksan kung sino man yung kumakatok.

Pagbukas ko ng pinto, sumalubong sa akin ang isang tao na mukhang misteryoso. “Sino po sila?” tanong ko.

“Carla Arroyo, pwede ka bang makausap.”

+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+=+

Lumapit ako sa kanya tapos inabot ko yung juice.

“So sinasabi mo na gagawin natin miserable ang buhay ni Cross at ng girlfriend niya na si Eya?”

“Oo, ayaw mo ba yon? Diba malaki ang galit mo sa kanila?” sabi ni Memo.

“Oo, pero, hindi ba tayo mapapahamak dito?”

“Hindi, magtiwala ka lang sa akin. Pumayag na rin yung ibang tao na niloko nila. Payag na sila sa mga plano ko.”

“Ano naman mapapala ko diyan?”

“Marami akong pera, pwede kitang tulungan.”

“Malaki ang naging kasalanan ni Cross sa akin. Ginamit niya lang ako at iiwan na lang ng basta-basta. Kailangan siguro na maranasan niya ang hirap at sakit na dinanas ko.”

“So payag ka sa gusto ko?”

“Oo, payag ako. Handa kong gawin ang lahat para lang makabawi sa manloloko kong boss. “

“That’s good to hear. Siya nga pala, kilala mo naman ang Vice President niyo diba?”

“Si Mark? Anong meron sa kanya?”

“Kung hindi mo lang alam, isa din siya sa mga niloko ni Eya.”

“Talaga? Pati si Mark na hinahangaan ng marami sa amin, nagawang maloko ng isang babae na katulad ni Eya? That was so bad.”

“I want you to tell him everything about what we have discussed today. Sabihin mo sa kanya lahat, at kumbinsihin mo siya na pumayag sa mga plano ko. Alam mo naman na malakas si Mark, mataas ang posisyon niya ngayon, malaki ang maitutulong niya sa atin kaya kailangan gawin mo yung mga sinasabi ko.”

“OK, kung yun ang gusto mo.”

“Sige, mauna na ako. Malinaw naman sa iyo ang lahat diba?”

“Oo, sige Memo, salamat sa lahat ng impormasyon.”

"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon