Chapter 11.1: The Boyfriends (Part I: Vincent)

416 10 8
                                    

VOTE VOTE VOTE! HAHAHA TENKYU!!!

EYA’S POV

Paggising ko sa umaga, napansin ko na agad na nasa bahay na pala ako. Bahay namin siyempre. ^__^v. Medyo nahihilo pa ako, hindi na muna pala ako aalis ngayon, dito na lang ako sa bahay. Habang nakahiga ako dito, inisip ko ng mabuti kung ano ba yung nangyari kagabi. Ilang minuto rin akong nag-isip hanggang sa maalala ko na yung totoong nangyari.

Kagabi nga pala ang celebration namin ni Cross ng aming Monthsary. Pinaghanda ko siya ng masasarap na pagkain. Nag-effort din akong magprepare ng candle lights tsaka ng mga petals. Hinanda ko rin yung binili kong posters ni Cross sa bench/. Masaya at excited ako nung una, pero na-disappoint lang ako dahil iba yung regalong ibinigay ni Cross sa akin. Nabadtrip ako nung gabing yon kaya naman bumili ako ng 2 bote ng alak at dumaretso ako sa bahay ni Memo.

Doon ay naglasing ako. Tapos…. Tapos…. Aish, di ko na matandaan. Ano kaya yung nangyari sa amin kagabi? Tssss. Eh ang tanong, sino ang nagdala sa akin dito sa bahay? Di ko talaga maalala eh. Bahala na nga!

Pagbaba ko sa dining area, nakahanda na ang mga pagkain. Sinimulan ko nang kumain para makapagtanghalian then after that ay mag-mmall ako dahil boring dito sa bahay.

After almost one hour, nakahanda na akong magpunta sa mall. Sumakay na ako ng kotse then nagdrive na si manong driver papunta sa MOA.

Una kong pinuntahan ay ang pinakasikat na Boutique dito. Bumili ako ng new dresses then nagpa-ayos din ako ng konti. After a few moments, natapos din ang lahat. Sunod kong pinuntahan ay ang coffee shop. Umorder lang ako ng isang mamahaling kape then umalis na rin ako agad.

Dito sa mall, feel na feel ko yung paglalakad ko. Oh hah, kembot dito, kembot doon, charaught. Siyempre yung moderate lang, hindi yung wagas. Kaso may biglang bumunggo sa akin. Dahil sa nangyari, nahulog yung mga dala-dala kong paper bags na may laman na new dresses. Buti paubos na yung coffee at hindi natapon sa damit ko.

“AAyyyyyy!!!!” sabi ko nung nahulog sa sahig yung paper bags

“Sorry po Miss……” lumuhod si girl para kunin yung paper bags. Lumuhod na rin ako para tulungan siya.

Habang pinupulot namin yung mga paper bags, may isang bagay ang umagaw sa aking atensyon.

*O*

“Miss, ito na po. Sorry po talaga.” Sabi ni girl. Hindi ko siya pinansin, nakatingin parin ako sa bagay na suot-suot niya sa kanyang leeg. Napansin niyang nakatingin ako dito. Hinawakan niya ito sabay ngiti.

“Maganda po ba? Bigay po ito sa akin ng boyfriend ko as my B-day gift.” Sabi pa niya.

“Talaga? Patingin nga.” Sabi ko.

Tinitigan ko mabuti yung kwintas na suot-suot niya. Biglang nagflashback sa utak ko yung kwintas na nakita ko sa kwarto ni Cross.

“Ang sweet naman ng boyfriend mo.” Dagdag ko.

Ngumiti lang si girl. Hindi ako pwedeng magkamali, ito yung kwintas na nakita ko sa kwarto ni Cross. Ito nga yun! Hindi ako makapaniwala. Nanginginig na ako. Feeling ko ay mahihimatay na ako. May konting luha din ang lumalabas sa aking mga mata. Hindi to pwede. Hindi!

“Miss, okay ka lang?” tanong ni girl.

“Who’s your boyfriend?” galit na tanong ko sa kanya.

“Hah? Bakit mo naman natanong? OK ka lang ba talaga Miss?”

“WHO’S YOUR BOYFRIEND!?!?!” sigaw ko sa kanya habang may konting luha ang pumapatak galing sa mga mata ko.

“Eya????”

???????

Out of the blue, may isang pamilyar na boses ang tumawag sa akin. Lumingon ako sa likod ko then nakita ko si……..

“Vincent????????”

“Eya ikaw nga!!!!!”

(A/N: Vincent, siya yung member sa Ghost Fighter, chos! Siya yung other boyfriend ni Eya. Remember from Chapter 7.1?)

Lumapit sa akin si Vincent at bigla niya akong niyakap. “Eya….. miss na miss na kita. Miss ko na ang pinakamaganda kong girlfriend.”

Naguguluhan pa rin ako. Paano nangyaring nandito siya sa Pilipinas eh may work siya sa U.S.

“Vincent, ginulat mo naman ako! Bakit hindi mo sinasabi sa akin na uuwi ka dito? Nakakaasar ka talaga.”

“Hahahah, siyempre gusto kitang i-surpirse. Actually kadadating ko lang kanina, nagpunta lang ako dito sa MOA para bumili ng mga gamit para sayo, at sa totoo lang, dapat bukas pa kita bibisitahin. Hahaha, ang gulo talaga ng tadhana.”

“AHhhh, ehhhhh. Hehehe…..” ano ba ang dapat kong sabihin, teka, si Girl, nawala na! Errrrr.

“So Eya, tara nood tayo ng sine. Miss na miss na talaga kita eh.” Sabi ni Vincent.

“Hah? Ahh ehhhh…. Kassiiiiii……….”

“Tara!!!!” bigla akong hinila ni Vincent.

“Teka nga lang Vincent!!!!!!” Napatigil kami sa paglalakad.

“Oh bakit?” tanong niya.

Hindi ko siya sinagot, instead, kinurot ko siya sa braso. “AHh—ahh- araayyyy!!!!” sabi niya habang hawak hawak yung braso niya.

“Para saan ba yun?” tanong pa niya.

“Naiinis ako sayo!!!!”

“Ano? Bakit naman? Hindi ka ba Masaya na nandito ako ngayon kasama mo?” Hinawakan ni Vincent ang magkabila kong balikat. Nag-lean din siya sa harap ko. Omeged, he’s so cutee! <3

Ehem, excuse me, lahat ng boyfriend ko pogi. Ano hah? Ingget ka?

“Hindi yun ang ibig kong sabihin, eh kasi naman. Bigla-bigla ka na lang dadating dito ng hindi nagsasabi.”

“Eya naman, parang yun lang naiinis ka na agad. Ayaw mo ba na ma-surprise kita? Tsaka…… may tinatago ka ba sa akin kaya ka nagkakaganyan?”

Hinampas ko siya sa braso. “W-Wala noh!!!!! Ano ka ba!”

“Yun naman pala eh. Tara na, bili na tayo ng ticket.”

Wala na akong nagawa. Sumama na lang ako sa kanya maghapon. Sa sobrang laki ng MOA, bakit nagkita pa kami ni Vincent. Wrong timing naman siya eh. Ang sabi ko sa kanya, huwag siyang pupunta dito for some reasons, eh bakit nandito siya ngayon? Lagot na lang ako nito kapag may nakakita sa amin. Hindi ko naman pwedeng ipag-tabuyan si Vincent diba?

OK LET’S SING:

Lord, patawad

Pagkat ako’y makasalanan

Makasalanang nilalang

Lord, patawad

Pagkat ako’y makasalanan

Makasalanang nilalang

&quot;Diary Ni Eya (Fan-Fic)&quot; {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon