Chapter 7.2: A Best Friends Talk (Part II)

523 15 4
                                    

VOTE VOTE VOTE!!!! HAHAHA TENKYU!

CHAD’S POV

 

It’s already 2:00 p.m. Dadating kaya siya? Nakahanda na ako eh. Masyado na kasi akong kinakabahan. Mag-uusap lang naman kami diba? Eh tulad naman ng sinabi ng asawa ko, este girlfriend ko, ibang-iba na si Eya. Kung dati, si Eya yung pinagtitripan ko lagi, baka ngayon, ako na yung pagtripan niya. Baka dinamay niya ako sa mga kinaiinisan niyang tao. Baka maghiganti din sa akin yun, awts.

2:15, wala parin siya. Hindi naman siya nalelate dati ah? Ay oo nga pala, hindi na pala siya yung dating Eya. Magagalit kaya yun kapag tinawag ko pa siyang Peppy? Hahaha, nakakamiss lang din yung kulitan naming dalawa.

2:30, narinig kong nagbukas yung gate namin sa labas. Si Eya na kaya yung dumating? Pagkatapos ng ilang Segundo, nakita ko yung maid namin na may kasamang magandang babae. Si Eya na kaya yun? “Sir, may bisita po kayo. Eya daw po ang pangalan.” Sabi nung maid.

Eya? Edi si Eya nga siya. Whoah, ang ganda na talaga niya. I stood up and went closer to Eya. Nang makalapit na ako sa kanya, umikot-ikot ako sa kanya. Pinagmamasdan ko lang ang buong katawan niya. From head to toe, ibang-iba na siya.

“Chad, ano bang ginagawa mo?” tanong ni Eya na may halong ngiti. Namiss ko yung ngiti niya.

“Hindi ba obvious? Siyempre tinitingnan ko yung buong katawan mo, baka kasi hindi ikaw si Eya eh.” I chuckled.

“Hay nako Chad, baka naman kasi matunaw na ako niyan.” She also chuckled.

Out of the blue, niyakap ko siya. “I miss you Peppy, ang lungkot-lungkot ko nung nawala ka, wala man lang akong maasar o mapagtripan dito. Bored na bored ako nung umalis ka.” Lumayo na ako sa kanya.

“Chad, namiss din kita. Malungkot ako dahil wala akong bestfriend sa states. Pero masaya ako dahil inimbita mo akong bumisita dito. Bakit ba binaba mo agad yung phone mo? Di mo man lang ako pinatapos sa pagsasalita.”

“Ahahaha, sorry Peppy, ahhh-ehh……… kuma….kain kasi ako. Ah oo tama, kumakain ako kanina, nagugutom na kasi ako kaya ang bilis-bilis kong kumain, hindi tuloy kita nakausap ng maayos. Hahaha sorry Peppy hah?” Buti na lang at may naisip akong palusot kay Peppy.

“Ok lang yun, bestfriend naman kita eh, ano ba yung gagawin natin dito? Di mo kasi nabanggit sa akin kung ano yung gagawin natin dahil nga sa kumakain ka.”

“Ahh, yun ba? Eh kasi……” Hindi ko alam kung paano ko sisimulan yung usapan namin tungkol sa isyu sa kanya. “Eh kasi…… di mo ba napapansin, nakatayo tayo. Upo nga muna tayo, hehehe.” Wala akong maisip shett.

Nagulat si Eya sa sinabi ko, ang awkward ng face niya, eh ang awkward kasi ng sitwasyon namin eh. Tinawag ko yung maid namin, sinabi ko na dalhan kami ng juice, snacks, or anything na pwedeng manguya.

Tahimik lang kaming dalawa. Yung face ni Eya, parang nawi-wirduhan na siya sa akin. “P-Peppy…….”

“Yes?”

O.O

Sh*t, anong sinabi niya? Hindi naman ganyan si Eya diba? Ang sophisticated ng pagkakasabi niya. What the heck? Dinaig na niya ako sa accent ko. Hmmm, may plano ako.

“Would you mind to tell something about your life in America?” I said.

"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon