Chapter 12.1: Eya's Past (Part I)

415 15 2
                                    

Omeged, masyadong mahaba at mahirap ang Chapter na 'to para sa akin. Hinati ko rin po ito sa dalawa dahil masyado siyang mahaba for 1 chapter only. For sure ay may errors na naman to. Kung may error man ay huwag mahiyang I-correct ako at kung may Malabo man o hindi magets ay free kayong magtanong. Hindi naman po ako snob tsaka nirereply-an ko naman lahat ng comments niyo diba? Enjoy Reading po.

VOTE VOTE VOTE!!! HAHAHA TENKYU!!!

EYA’S POV

Gabi  na akong naka-uwi dito sa bahay. As usual, wala pa si Cross. Nakapag-hapunan na rin ako kaya dumaretso na ako sa aking kwarto. Atlast, wala na akong problema kay Al. Break na kami kanina at for sure ay babalik na yun sa States. Masyadong hard yung nagawa ko sa kanya kanina pero dapat lang yun. Ano pa bang mas ha-hard sa nangyari sa akin many years ago?

***Flash Back***

College na ako at graduate na ng High School. Natural!!! BS Psychology ang course na kinuha ko at BS Civil Engineering naman ang kay Cookie Monster ko. Super sweet kami ni Cross at halos araw-araw ay sabay kaming pumapasok. Schoolmate naman namin ang mga kabarkada ni Cross except for Sync na busy-ing busy sa pagiging singer.

Isang araw, inaya ako ni Cross na makipag-date sa kanya dahil Monthsary naming dalawa. Nagpunta ako sa isang Park dahil sinabi niya sa akin na doon niya ako hihintayin. Naghintay ako doon ng isang oras, wala pa akong nakikitang Cross Sandford. Matapos pa ang isang oras, hindi pa rin siya dumadating. Hahaha, normal lang naman sa isang relasyon ang ganitong sitwasyon diba? Bakit ba ako magagalit kay Cross? Malay mo, busy pala siya this day. Naiintindihan ko naman siya.

Nagdecide na akong umuwi ng bahay. (Sa bahay pa nina Auntie na may ari ng isang Restaurant kung saan ako nagtatrabaho.) Habang naglalakad ako, biglang may kumausap sa aking lalaki. Hindi ko naman siya kilala kaya hindi ko siya pinansin, pero pilit siyang lumalapit sa akin at tila may gusto talaga siyang sabihin.

“Miss, alam ko kung nasaan ang Boyfriend mo!”

Bigla akong napalingon sa kanya dahil sa sinabi niya. “Hah? Alam mo kung nasaan si Cross? Saan?” sabi ko.

“Sa condo niya! May kasama siyang babae doon.”

Bigla naman akong natawa sa sinabi niya. “Hahahaha, teka nga lang. Sino ka ba hah? Bakit naman kita paniniwalaan? Tsaka, anong alam mo sa buhay naming hah!?!?”

Hindi siya nagsalita, may kinuha lang siyang gamit sa bag niya at bigla niya itong pinakita sa akin. Ang pinakita niya ay ang mga larawan ni Cross na may kasamang babae. Tiningnan ko ito mabuti at nakita ko ang ilang mga litrato niya na may kasama talaga  siyang babae.

“Hahahahahaha” –pagtawa ko. “Parang yan lang, binibigyan mo na agad ng malaking isyu? Hahahaha.”

Hindi na ulit nagsalita yung lalaking nakausap ko, imbis ay umalis na lang siya. Loko pala siya eh. Hahahah. Una, hindi sumipot si Cross sa usapan namin at pinaghintay niya ako ng matagal, pangalawa ay may kasama siyang ibang babae. Hahaha, malay mo may group study lang sila ng kaklase niya sa Civil Engineering Class.

Teka, malapit nga lang pala dito ang Condo Unit ni Cross. Mapuntahan nga. Agad akong pumunta sa unit ni Cross na 3545. Pagpasok ko ng unit ni Cross………Hindi ako makapaniwala sa nakikta ko. Totoo ba ito o hindi. Parang may isang malaking kahoy na pumalo sa aking katawan sa sobrang sakit sa pakiramdam. Parang guguho na ang mundo ko sa nakikita ko.

OK lang sa akin na pinaghintay niya ako ng matagal sa park at may makasama siyang ibang babae. Pero sa nakikita ko ngayon sa loob ng unit na to, parang hindi na talaga ito tama. Papayag ka ba na makita mo ang boyfriend mo na may kahalikan na ibang babae?

Hindi na ako nagsalita pa, lumabas na ako agad ng unit ni Cross at tumakbo na kung saan habang may mga luha na pumapatak mula sa aking mata. Hindi ko alam kung saan ba talaga ako pupunta ngayon. Hindi ko rin alam kung napansin ba ako ni Cross na pumasok sa unit niya. Ano ba ang dapat kong maramdaman? Maiinis ba ako o hindi? Matutuwa ba ako o hindi. Siguro kailangan kong matuwa dahil luminaw na ang mata ni Cross. Hindi na panget na babae ang gusto niya at bagkus ay mas pinipili na niya ang mapuputi, matatangkad at magagandang babae na halatang-halata naman na hindi ako. Yun din ang katangian ng babae na hinahalikan niya kanina.

Pero sinabi naman niya sa akin na hindi mahalaga ang panglabas na hitsura diba? Bakit pa niya ako nagagawang lokohin?

Hindi muna ako papasok sa trabaho bilang waitress sa Restaurant ni Auntie. Sobrang naiinis na talaga ako sa mga nangyayari. Bakit puro kamalasan na lang ang nangyayari sa akin?  Kailangan kong maging matatag. Kailangang isipin ko na parang wala akong nakita. Be strong Eya. Push Push Push!

Naglalakad ako mag-isa sa kalsada. Nakatungo at sobrang lungkot. Hindi ko talaga alam kung ano ang gagawin ko. Parang gusto ko nang magpakamatay dahil sa mga nangyayari sa akin. Ang hirap magpakatatag ngayon. Hindi ko pa kayang i-push ang sarili ko. Sa panget kong to, dapat masanay na ako. Wala naman talagang seseryoso sa akin eh. Tsaka yun si Cross, baka niloloko lang talaga ako nun. Bakit naman siya papatol sa isang panget na katulad ko diba?

Habang naglalakad ako, bigla ko na lang nabunggo ang isang lalaki na may hawak-hawak na chess board. “EYA??????”

Hindi ako nagsalita. “Eya? Bakit ganyan ang hitsura mo? Parang ang tamlay mo ata ngayon. May problema ka ba?”

“S-Sa totoo lang. M-Meron talaga akong problema eh.” Sabi ko habang may pumapatak na luha sa akin.

“Ganun ba? Halika Eya, sumama ka sa akin. Doon ay mawawala ang lahat ng problema mo at puro kasiyahan lang ang mararanasan mo.”

Dahil sa sobrang pagkadepress ko, agad na akong sumama sa kanya ng hindi man lang nag-iisip. Dinala niya ako sa kanyang bahay at doon ay pinainom niya ako ng alak. Oo, tumanggi muna ako sa kanya dahil hindi talaga ako umiinom, pero pinilit niya talaga akong uminom nito kaya ginawa ko na lang ang sinabi niya.

Nagpatugtog pa si Memo ng kantang “Careless Whisper” kaya naman ay napapasayaw na ako. Tama nga ang sinabi niya, feeling ko ay nawawala na ang lahat ng problema ko at puro kasiyahan lang ang nadarama ko. Makalipas ang ilang minuto, hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Gumising na lang ako na nandito sa loob ng bahay nina Auntie. Hindi ko matandaan mabuti kung ano ang nangyari kagabi. Hindi ko na ito inisip mabuti kaya naman ay naligo na lang ako dahil may pasok pa sa school.

Pagpasok ko sa loob ng school, halos lahat ng estudyante ay nakatingin sa akin. Oo, hindi ko kasabay si Cross ngayon kaya sila tumitingin sa akin. Pero bakit ganun? Parang iba ang pinapahiwatig ng mga titig nila.  Nagpatuloy ako sa paglalakad ng biglang may sumigaw.

“CARELESS WHISPER!!!!!!”

"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon