Chapter 19: Big Twist

333 9 4
                                    

EYA’S POV

 

Dear Diary,

 

                Sa dami ng mga problema na pinagdaanan ko ay masasabi ko pa rin na mapalad talaga akong tao. Masaya ang naging bakasyon ko sa Resort kasama si Cross. Sana nga maulit yun ii.  Hindi ko talaga makakalimutan ang mga happy moments na ginawa namin. Napakasweet nga niya lagi  tsaka lagi niya akong pinapasaya. Sobra ko talagang mahal ang Cookie Monster ko. <3 <3 <3

 

-Eya

Bago kami magbakasyon sa Resort, galit na galit talaga ako kay Cross. Umalis kami ng bahay ng hindi magkasundo at feeling ko ay magiging boring ito sa akin. Nagkamali pala ako sa mga inakala ko noon, nang dahil kasi sa bakasyon na yan, hindi ako magiging masaya. Ang dami talagang nangyari simula pa lang sa biyahe papunta doon, yun nga ang pinakafavorite kong part ih. Yung biyahe na nasiraan kami tapos nauwi lang sa isang pagkakasundo na naging sanhi ng Kiss in the Rain. Ayyieee.

Sa dami ng mga magagandang bagay na ginawa ni Cross, dapat lang akong bumawi sa kanya. Ngayon, nandito ako sa kitchen na nagbbake ng cookies. Lalagyan ko ito ng maraming toppings para magmukhang Cookie Monster. Siyempre si Best Friend Chad ang nagturo sa akin kung paano magbake ng cookies.

Nasa office pa pala si Cross ngayon dahil may work siya. Mamayang gabi ko na lang ito ibibigay sa kanya. Habang nandito ako sa kitchen, may nareceive akong message mula kay MEMO.

Memo? Seriously? It’s been two weeks simula nung huli kaming nag-usap. Ano naman kaya ang kailangan niya?

From: Memo

“Eya, I know na nakauwi na kayo. I missed you so much! Pwede ka bang bumisita dito, I have something to tell you.”

 

Ano daw sabi niya? Miss na niya ako? Omeged, did I finally made it? Nagawa ko na ba talagang paibigin si Memo sa akin? Paibigin, masyado atang malalim yun, pero yun naman talaga ang kailangan kong gawin para makapaghiganti diba?

Sa tingin ko ay talagang nahulog na si Memo sa patibong ko. So today, pupunta ako sa bahay nila, and at the same time, I will break his heart!

MEMO’S POV

 

This day, sasabihin ko na kay Eya ang totoo. Nagtext ako sa kanya na magpunta dito dahil gusto ko na malaman na niya ang tunay kong saloobin.

Naghanda ako ng lunch para sa aming dalawa dito sa loob ng aking bahay. After 10 minutes ng paghihintay, dumating na agad si Eya.

“Memo!” sabi niya habang papalapit sa akin.

“Hi Babes!” sagot ko naman.

Niyakap muna namin ang isa’t-isa bago kami tuluyan mag-usap.

“Babes?” tanong niya.

“Oo, Babes! Bagay naman diba?”

“Y-Yeah. Bakit Babes?”

“Wala lang, yun lang ang gusto kong itawag sayo. You are not a pig, but you are my Babe.”

&quot;Diary Ni Eya (Fan-Fic)&quot; {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon