Chapter 6: No More LQ

542 21 1
                                    

VOTE VOTE VOTE!!! HAHAHA TENKYU!

CROSS’ POV

Pag-uwi ko sa bahay, dumaretso na ako sa kwarto ko. Pagbukas ko ng pinto, agad na sumalubong sa akin yung lumilipad na tsinelas. Buti na lang at nailagan ko. Nakita ko si Eya, mainit ata ang ulo niya. “What was that for?” I asked.

“Saan ka ba nanggaling?” galit na tanong ni Eya. Teka, ano ba yung sasabihin ko sa kanya? Hindi ko naman pwedeng sabihin na galing ako sa bahay ni Nica, hindi rin pwedeng sa trabaho. Ah alam ko na.

“Sa bahay ni Memo. Nagsleep-over kaming magbabarkada doon.”

“Talaga lang hah? So nagagawa mo pang magsleep-over sa bahay niya? Matapos ang mga kalokohang ginawa niya sa akin?” Tinaasan ako ng kilay ni Eya.

“Eya, matagal na panahon na yun, tsaka nagsorry na rin naman siya sayo diba? And you accepted his apology.”

“Kahit na! Mahirap kalimutan ang nakaraan.”

“Well you must try so.” I said. “Bakit ba ang init-init ng ulo mo? Kailangan talagang magalit? Kailangan talagang batuhin ako ng tsinelas?” I continued.

“Hindi mo man lang ako tinext. Hindi ka rin sumasagot sa mga tawag ko.”

“Dahil lang doon, nagagalit ka na agad sa akin?”

“Oo, galit na galit ako sayo, di mo ba alam na muntikan na akong mapahamak kagabi?”

“Ano? Bakit? Anong nangyari?”

“Wala ka na dun! Palibhasa inuuna mo yung barkada mo kaysa sa’kin.”

Lumapit ako sa kanya sabay yakap. “Sorry na, babawi na lang ako sayo.” Bigla niya akong tinulak.

“Di mo ako madadaan sa ganyan. Hindi na ako bata.” Sabi niya. “palibhasa isip bata ka” dagdag pa niya pero mahina lang.

“Tsk, ako? Isip bata. No way Eya. This is Cross Sandford version 2.0, Wiser, Braver, Stronger, Bolder, Fiercer and your new Cookie Monster.”

Tsk. wa-epek kay Eya yung sinabi ko, di man lang siya ngumiti.

“Spell Isip Bata, C-R-O-S-S” sabi niya.

“Eya, stop! Hindi ako isip bata!”

“Isip bata ka!”

“Eya….. sinabing hindi eh. Hahalikan kita kapag sinabi mo pa yon.”

“Isip bata!!!!”

“Hahalikan talaga kita.”

“Isip bata si CROSS SANDFORD”

“EYA!!!!”

“Isip Ba--“

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

.

Natigilan si Eya sa sinabi niya, eh kasi naman, habang nagsasalita siya, bigla na lang siyang natulala. Akala niyo hinalikan ko na siya noh?

"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon