Chapter 24: The Video

269 13 1
                                    

CROSS’ POV

 

Gabi na ah, bakit hindi pa rin online si Eya? Kanina pa siyang umaga na nakaalis diba? Hindi man lang siya nagtetext o tumatawag. Kamusta na kaya siya?

Tawag naman ako ng tawag sa kanya, cannot be reach naman ang sinasagot ng telepono ko.

Halos magdamag akong nakatitig sa laptop ko dahil hinihintay ko si Eya na mag-online. Inabot na ako ng umaga pero hindi pa rin siya nakakapag-online. Ayos lang ba talaga siya?

Dahil sa puyat ako, hindi na ako pumasok sa trabaho. Natulog na lang ako pero naka-online pa rin. Maririnig ko naman kapag may nagchat na ihh. Loud speaker pa.

Maghapon magdamag, walang nagcha-chat sa akin na nagngangalan na Eya. Tanging mga babae lang na hanggang ngayon ay naghahabol pa rin sa akin. XD

Kinabukasan, pumasok na ako sa trabaho. Hanggang ngayon, wala pa rin akong balita sa kanya. Habang nasa loob ako ng kotse, biglang tumunog yung cell phone ko.

Calling…..

Tita Bessy

Si Tita Bessy! Siya yung Tita ni Eya na nagpa-aral sa kanya sa U.S. Sa bahay din nila tumutuloy si Eya. Agad ko nang kinausap si Tita dahil nagbabakasakali ako na makausap ko na si Eya.

“Hello po Tita? Nandiyan na po ba si Eya? Kamusta na po siya? Bakit hindi siya tumatawag? Sabihin mo po sa kanya lagot siya sa akin pag-uwi niya. Pinag-aalala niya ako ih.”

“Wait a minute Cross. Hinay hinay lang. Actually, hindi pa nga nakakapunta dito si Eya. Kaya nga ako tumawag para itanong kung nakaalis na ba siya o nandiyan pa rin sa Pinas.”

“What?” Napa-preno tuloy ako ng wala sa oras.

  “What do you mean Tita? Nung isang araw pa nakaalis si Eya dito sa Pinas.”

“Well Cross, kahapos ko pa siya hinihintay sa Airport dito sa U.S. pero hindi ko siya nakikita. Cross, you’re the boyfriend, dapat alam mo kung nasaan siya.”

“Tita, tawag po ako ng tawag sa kanya. Hindi naman niya sinasagot ih. Magdamag din po akong nag-online sa Skype, Facebook at Email, pero hindi ko siya nakikitang online.”

 

“Cross, ayokong mag-isip ng masama. Sabihin na lang natin na may ibang pinuntahan si Eya, let’s just say na namamasyal lang siya. Ayokong isipin na may masamang nangyari sa kanya.”

“Sana nga po Tita. Sana walang nangyari sa kanyang masama.”

“OK Cross, I’ll just call you later. Balitaan na lang kita kapag dumating na si Eya dito.”

“Sige po Tita.”

                End Call…….

 

"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon