*AFTER 2 YEARS*
Dear Diary,
Matapos ang dalawang taon ko sa States, agad na akong nagdesiyon na makauwi sa Pilipinas. Excited na akong makita ulit si Cross tsaka ang ilan ko pang mga kaibigan. Pagdating ko sa Pilipinas ay magsisimula na kaming mag-plano about sa kasal namin. Sabi nila matagal daw ang magplano ng isang kasal, pero OK na yun sa akin, ang mahalaga ay magkasama kaming dalawa. Para sa akin, ang pagiging officially Married namin ni Cross ay isa lamang simula ng aming storya. Aasahan ko na ang magagandang pangyayari sa aming buhay matapos ang aming kasal.
-Eya
P.S.
Nandito ako ngayon sa Eroplano, wala kasi akong magawa kaya nag-Update na lang ako sa Diary ko. XD
Gaya nga ng sinulat ko sa Diary ko, nandito ako ngayon sa Eroplano at konting oras na lang ay nasa Pilipinas na kami. Kasama ko ngayon si Tita Bessy dahil siya naman ang magbabakasyon sa Pilipinas.
“Excited ka na bang makauwi?” –Tita Bessy
Tumango ako with matching smile. “Excited na po ako sa kasal namin. Although kailangan pa naming magplano, hindi ko talaga mapigilang matuwa kasi wala na kaming ibang iisipin kundi ang kasal.” –ako
“It’ good to hear na wala ka nang ibang problema. Masaya ako kasi nakikita kitang masaya. As your tita, susuportahan kita sa lahat ng mga desisyon mo. And I am so happy kasi si Cross ang lalaking minahal mo.” –Tita Bessy
Ngumiti na lang ako sa kanya as my respond. After a few minutes, nagsalita na yung Flight Attendant at sinabing malapit nang maglanding ang eroplano. Naghanda na kami sa paglanding and after a while, tuluyan na nga itong nakapaglanding.
Pagbaba namin ni Tita, dumaretso na kami sa loob ng Airport, doon namin nakita sina…………………
WALA???????????????????
Wala man lang sasalubong sa amin ni Tita dito? Nasaan sina Cross? Nasaan sina Chad at Lory? Nasaan sina Papa? (Yung dad ni Cross)
“Tita, bakit wala man lang taong sasalubong sa atin dito? Hindi ba nila alam na ngayon ang pag-uwi natin?” –ako
“Uuuhhhmmm, hindi ko rin alam Eya. Kung wala sila dito, wala tayong magagawa. Umuwi na lang tayo.” –Tita Bessy
“OK po.” –ako
Eeerrrr, nakaka-asar naman. Bakit wala sila dito? Halos kami lang yung Pilipino na walang sundo ah. Yung mga Pilipino na nakasama namin sa Eroplano, lahat sila may mga sundo. Tapos kami ni Tita wala? Aish, lagot sila sa akin mamaya. Lalong lalo na si Cross.
Paglabas namin ng Airport, hindi ko alam kung bakit hindi pa tumatawag ng Taxi si Tita.
“Tita, bakit ayaw niyo pang tumawag ng Taxi? Gusto mo bang ako na lang ang tumawag?” –ako
“Naku Eya, huwag na. May sundo na tayo.” –Tita
“Hah? Anong sundo?” –Ako
Hindi sumagot si Tita, ngumiti na lang siya tapos tinuro yung isang Bus.
“Nandito na pala yung sundo natin ih.” –Tita
O______________O
Nanlaki yung mga mata ko kasi may nagpark sa harap namin na malaking Bus.
“I-Ito yung sundo natin?” –ako
“Yep, tara sakay na tayo!” –Tita
Hinila na ako ni Tita papasok sa bus. Nakita ko naman si Manong Jani na siya pala yung driver. Siya din yung driver ng mga Sandford. Mas lalong nanlaki yung mata ko sa nakita ko. Hindi ito yung bus na nakikita natin sa pang-araw araw. Isa itong custominze bus at para na itong isang bahay. May sala, may bed, may lamesa, may, maliit na kusina at may maliit ding C.R.
BINABASA MO ANG
"Diary Ni Eya (Fan-Fic)" {Completed}
Teen FictionCasanova si Girl, Casanova din si Boy. Ano? Niloloko lang nila ang isa't-isa? ================== Property of ThatNiceGuy. ALL RIGHTS RESERVED!