Chapter Ten

10.3K 230 8
                                    

10.30 dapat ang class ko pero hindi kami immeet ng teacher namin sa subject na yun. Dapat 12 pa ang klase ko pero 9 pa lang ready to go to school na ako, may long quiz kasi kami sa English kaya doon na lang ako tatambay sa library. Nagpabili ako ng bagong sim kay inay at yun yung ginamit ko pang text kay Red. Na-ikwento ko na rin naman kay mother kung bakit ako late na nakauwi kahapon. Sinabi ko lahat-lahat. Kung paano nila ako minake-over: hairstyle, papalit-palit ng make up, suot ng killer heels, magpose ng nakakalokang pose, magpalit ng magpalit ng damit. Nako. Todo puri talaga sa akin yung mga assistant doon, kung alam ko lang, labas sa ilong lahat ng yun noh!

Anyway, naloloka na ako dito kay Red. Kahapon ko pa siya tinetext eh di man lang nagrereply! Nagpa-unli pa naman ako para sa kanya! Kahit tawagan ko, hindi sinasagot... amp! Nagtatampo ba yun? Yaks. Di ko maimagine na nagtatampo siya. :P

“Vee, andyan na yung Vios.”

Lumabas na ako at in-expect na si Red ang makikita ko pero si Mang Bert pala.

“Manong, asan na po si Red?”

“Ay naku, ma’am. Maaga pong nagpahatid eh. Sabi niya unahin ko daw po muna siyang ihatid tapos sunduin ko na raw po kayo.”

“Oh. Okay po.” Binuksan na ni Mang Bert ang backseat door para sakin. Nako. Iniiwasan ba ako ng boypren ko? At baket naman kaya?

***

 Dumating nga kami by 9:26 sa school. At pagtapak na pagtapak ko pa lang sa gate... todo tingin naman ang sambayanang schoolmate sa akin. Yung iba, todo ngiti pa. -_____-

Naglakad ako papuntang library at may mangilan-ngilan na ang naggu-‘good morning’ sa akin ngayon. Hindi na nila dinedeadma ang byuti ko :P Siyempre dahil napaka-magalang ko, mag-‘ggood morning’ din ako sa kanila...

Pumasok na ako sa library at doon sa sulok tumambay. Buti na lang pala at wala kaming 10.30 class ngayon, kaklase ko pa naman din doon sina Caryl. Baka mamaya, mas magalit pa siya doon sa ginawa ni Red.... pero inaamin ko, kinilig din naman ako doon sa ginawa niya. Ewan ko lang kung saan niya nakuha yung mga photos doon.

Kahit na nagsstudy ako, di mawala-wala sa isip ko si Red. Nako naman yan! Walang text, wala yung usual na pang-asar niya sa tuwing umaga na, “sloth, gising na.” Tawagin ba naman akong sloth? Eh mas maganda naman ako sa sloth noh! -________________- ganito siguro yung nararamdaman niya kahapon nung hindi niya ako mahagilap...

By 11.55 dumiretso na ako sa room. Nandoon na rin yung ibang mga kaklase ko. At kung dati pinapansin lang nila ako kapag may itatanong sila, ngayon, wagas kung makadikit sa akin. Kulang na lang nga maglagay sila ng super glue para di na matanggal sakin eh -____________________-

“So, ahm Violet. Anong klaseng boyfriend si Jarred?”- classmate no. 1 -- isa siyang napaka-‘un-gentleman’ na boyfriend.

“Paano kayo nagkakilala?” – classmate no. 2 – nung sinampal ako nung asyumerang dinedate niya.

“Anong ginawa niyo nung first date niyo?” – classmate no. 3 – nagpuntang McDo para kumain.

“Sweet ba siya?” – classmate no. 4 – ewan ko, di ko pa siya natitikman eh.

“Yummy ba?” – classmate no. 5 – ewan ko, basta ang alam kong yummy yung commercial ni Coco Martin.

Pero siyempre, di yan ang sinagot ko. “Ahh... he-he-he. Sige na gals, andyan na si Sir, may long quiz pa tayo.”

“Ay ang daya! Ayaw magkwento!” – classmate no. 2 – di naman kasi tayo close.

“Hmp! Ipakilala mo kami, Violet ah!” – classmate no. 3 – wala akong time.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon