Chapter Sixteen

8.7K 177 3
                                    

Sunday. Maaga akong nagising dahil nagpunta kaming mass ng pamilya ko. Gustuhin ko mang matulog ulet, ayaw na akong patulugin ng utak ko -_______-

So eto ako ngayon, nasa may garden at pinapaliguan ang aking SnowPee. Si Mama kasi busy kakaluto, si Ate nagmumukmok, si Kuya kasama gerpren niya at si Purple... wala, nanunuod ng tv kaya ako na lang ang gagawa nito. Ganito ako pag may iniisip e, nagiging matulungin sa mga gawaing bahay. :D

"SnowPee, ano ba kasi ang gagawin ko?" e pano ba naman, natatakot na ako... inaamin ko na crush ko si Red pero kung ipagpapatuloy niya yung ginagawa niya, kahit part of the deal lang naman yun, baka umasa ako at mahulog sa kanya...

At pag nahulog na ako... alam ko naman na hindi niya ako sasaluhin eh...

Awts. Nagiging ma-drama na ko. Kuso. >.<

*bzzt bzzt*

"Aish! Isa pa tong dumadagdag sa problema! Sabi na ngang ayaw ko ang kuliiiit kulit pa rin! Gusto ata talagang tadyakan ko eh! SnowPee, sasabihin ko ba kay Danna o hindi?"

"Arf arf!" pagkatapos kong banlawan si SnowPee kinuha ko na ang towel niya at pinunasan na siya.

"E kung sasabihin ko man, pano ko gagawin? Tingin mo madali yun? At saka masasaktan si Danna e."

"Arf arf!"

"Andun na ko. Kahit di ko sabihin e masasaktan din sya pero waaah... what'ya think?" sabi ko habang tinatry siyang punasan ng maayos. Ang likot!

"I think you're weird." Nagulat ako ng may nagsalita. Tinignan ko si SnowPee. Okay, di siya ang nagsalita. Phew...

Lumingon ako at nakita ko si Red na nakatayo at nakakunot noo sa may likod ko.

"Weird? Me?"

"Hindi. Si SnowPee ata *roll eyeballs then walk towards Violet* Bunny, kung may problema ka at kailangan mo ng kausap, pwede ako. Hindi yung pati aso, kinakausap mo."

Binatukan ko nga. E alangan namang sabihin ko sa kanya diba? E isa nga siya sa mga pinoproblema ko >___>

"Aray ko naman! Ba't ka nambabatok?"

"Wala ka sense kausap e."

"At ako pa walang sense kausap ah?"

"Oo," kinarga ko si SnowPee papuntang porch ng bahay. Andoon kasi ang blower, brush and powder niya. Geez. Ambigat!

"SnowPee, ambigat mo na!" sabi ko. E ganyan talaga, dapat kinakausap mo ang alaga mo para magkaroon kayo ng connection sa isa't isa.

Sumunod naman sa amin si Red. Umupo ako sa sahig at ginaya niya naman ako.

"Teka nga, anong ginagawa mo rito?" tanong ko habang binoblower si SnowPee.

"Sino tinatanong mo, ako o si SnowPee?"

Napatigil naman ako, "Aba malamang lang ikaw! Alangan naman si SnowPee tatanungin ko e dito to nakatira!" tinuloy ko na ang pagbblow dry.

"Di ko talaga minsan maintindihan takbo ng utak mo. Anyway, andito ako dahil inimbitahan ako ni Tita na maglunch dito. Uuwi raw si Tito ngayon e."

Oo nga pala. Uuwi si Dad ngayon kaya naghahanda sila sa loob. Kaya inimbita ni Mama yung gf ni Kuya na si Ate Joselle. Pupunta rin dapat si Kuya Micco, bf ni Ate Maggy kaso may seminar sa Davao kaya ayun ang ate ko, mukmok ang peg. :D

"At sabi rin ni Tita, gusto niya raw ipakilala mo ako formally sa kanila," napatigil ako. Munggu. Ilang beses na palang nakikita nina Mama si Red pero di ko pa siya napapakilala formally. Malay ko bang ginagawa yun for formality?

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon