Chapter Thirty-Two

6.7K 129 1
                                    

"Block A! Di daw magmi-meet si Ma'am Liza! Check niyo na lang daw ang student site niyo dahil may gagawin daw tayo. Thank you!" sigaw ni Marj. Nagsimula ng umalis ang mga classmates ko.

"Vee, may class pa kami after nito. Saan ka?"

"Magkikita kami nina Mimi ngayon. Tambay lang ako kung saan."

"Sige, magstudy muna kami ah? Bye!"

Its been days na rin since nung contract signing. Tinext ko nga si Red that day, nagtanong kung ano ginawa niya the whole day pero sabi niya wala lang daw. Akala niya kinakamusta ko siya pero may hidden agenda pala ako. :D

Pero matagal-tagal ko na ring di nakita si Red. Ang huling kita ko sa kanya e nung last Thursday pa ata. Thursday na kaya ngayon, tapos puro driver niya lang ang naghahatid-sundo sakin. Close na nga kami ni Mang Bert eh!

Nasa back field pala ako ngayon... mag-isa. Wala lang, trip ko lang tumambay dito. Noon kasi, kung hindi ako sa library tumatambay, dito ako dahil walang masyadong tao at peaceful.

"Well, look who's here?" Napalingon ako. Di pala peaceful.

"Hi, Violet, remember me?"

"Of course. Yang mukha mo pa ba naman ang makakalimutan ko?" nakatayo si Jeanel sa harap ko at nakapamewang. Tinu-twirl niya pa ang curly hair niya.

"Oh, I’m glad to hear that. I have beautiful face kase kaya you can't forget it eventually. Oh well, where's Red?"

"Ewan ko. Pakealam mo ba?"

"Red's my friend na kaya I have pakealam. Why do you talk to me like that?"

"Wala lang. Trip lang."

"Hah. You're like that 'cause you think napaka-taas mo na. Not because girlfriend ka ni Red, you can talk to me like that na! Anyway, don't worry, you two will break up soon," sabay smirk pa.

"Paano ka naman nakakasiguro?"

"'Cause I know Red. He's known as the campus playboy after his last break up and I don't think na he'll change just for you... a nobody. You see, you don't even know where he is. Maybe he's doing everything to crawl back to his ex. I think, panakip butas ka lang," sabay flip niya ng hair.

Tumayo na ako at inayos gamit ko, "You have no right to tell those things. Inggit ka lang kasi ako ginawa niyang girlfriend," tinignan ko siya with a serious look, "Ikaw, nag-assume lang.”

Tinalikuran ko na siya tapos bigla na lang siya sumigaw, "Tignan mo! Maghihiwalay din kayo! Ugh!" marunong naman palang magsalita ng straight na Filipino eh.

Sinigawan ko rin siya sabay wave ng hands pero di siya tinignan, "K. Bye!"

Naglakad na ko palayo sa kanya. Huh! Nakakainis yun! Buti na lang di ko pinakita na naiinis na ako.

At ano ba naman, kung ano-ano pinagsasabi. Ano naman kung matagal na niyang kilala si Red? Di naman dun nasusukat kung gaano mo kakilala yung isang tao. Kahit na almost 2 months pa lang kaming magkakilalang dalawa, alam ko naman na yung Red na nakasama ko, yun yung Red na hindi kilala ng iba. Aish!

Sa sobrang inis ko, di ko napansing may tao akong nakasalubong kaya nagulat ako ng biglang...

"Hmmph!" may nagtakip ng bibig ko at dinala ako sa likod ng gym. Sisipain ko na sana ng makita ko kung sino ito.

"Xander?! Ano bang ginagawa mo?!"

"Surprise!" tapos ngumisi siya.

"Ano namang ka-surprise-surprise sa appearance mo? Anong ginagawa mo rito? Bawal outsiders sa school namin!" Wala ba tong klase? Lagi na lang andito sa school namin.

"Wala lang. Gusto lang kitang kausapin." Tumayo siya ng maayos at nilagay ang mga kamay sa bulsa ng slacks niya.

"Kausapin? Tungkol saan naman?"

Ngumisi siya ulit at lumapit sa akin, "Violet, alam mo, ikaw lang ang bukod tanging babaeng nakausap ko ng pagkatagal-tagal. Yung iba kasi, mas gusto na gamitin ko yung bibig ko sa... ibang mga bagay."

"Eew ha! Information overload! Tapos, ano namang konek nun sa sasabihin mo?" kahet gwapo tong si Xander, nakakatakot pa rin siya.

"Kung ano mang mangyari, kasalanan mo na. Ikaw din kasi, ayaw mo pang makipaglaro sa akin," umiling-iling pa siya.

"Ano ba talagang kailangan mo?"

"I realize na... you're boring," tinignan niya ako at yung tingin niya e yung mukhang bored na bored siyang tignan ako. Gets niyo?

"And? Ano naman kung boring ako para sa'yo? Like I care," sabay roll ng eyes ko.

"You're boring but your life? Nuh-uh. I'm looking forward to what'll happen next. Wag kang magagalit sakin, di ko kasalanan kung bumalik siya rito."

Ano ba tong pinagsasabi niya? Natatakot na ako ahh..

Lumapit siya sa akin kaya ako naman eh napapaatras hanggang wala na akong maatrasan.

"Hay. Ano na lang mangyayari sa'yo pagkatapos nito?"

Ramdam ko ang bilis na pagtibok ng puso ko. Kinakabahan ako at natatakot sa di ko malamang kadahilanan.

Ngumiti si Xander. Isang totoong ngiti, "Huwag kang matakot. Kakampi mo kaya ako."

He tapped my shoulder at naglean mas closer kesa kanina.

"Birthday mo na this Saturday diba? May regalo ako sa'yo."

"A-ano naman yun ah?"

Ngumiti siya ng nakakaloko at biglang grinab ang kamay ko tapos...

O_____O

"Hahaha. Sige, Vee, ingat ka ah! Bye," kumaway siya at tsaka tumakbo na.

Nakatunganga lang ako dun. Ang first kiss ko!!

"AAAAAAAAAHH! Papatayin talaga kita Xander!!" kinamot ko ang ulo ko in an exaggerated way.

---

<3 Tear.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon