Chapter Forty-Two

10.5K 183 7
                                    

4 weeks later...

"Please pass your answer sheet and questionnaire now."

Tumayo ako at pinass ang papers ko sa proctor.

Wooh! Natapos na rin ang finals! Let's do the chicken dance! :D

"Arcillas? Nakita ko yung commercial mo. Congrats nga pala sa Magazine mo. Humihingi nga ng fansign yung anak ko," natawa naman ako sa sinabi ni Ma'am proctor. :D

"Thank you po. Lalabas po ako sa ViewsTV sa Saturday, mamimigay po sila ng instructions dun paano makakuha ng fansign."

"Oh sige, salamat."

Ngumiti lang ako at lumabas na ng room. Wooooh! Sem break! Here I come!

"Vee! Ang cute mo dun sa commercial mo ah! Crush ka na raw ng kuya ko!" -Danna

"Yung pinsan ko rin. Sabi ko nga sa kanya, friends tayo tapos ayun. Nagmakaawang ibigay ko raw number mo kapalit ng LV bag. :D" -Gi

"Kaya naman pala may nagtext na unknown saken kagabi. Masama ka!"

"Buti na lang mahal ko si Vee at di ko siya pinagpalit sa kambal ko." -Lili

"Ah, na-touch naman ako dun," iha-hug ko na sana si Lili ng idugtong niya ang sinabi niya,

"Pero dahil binigyan niya ako ng free-shopping for Saturday, sabi ko, iinvite kita for a lunch date sa bahay."

"Wow naman! Binenta niyo ako. =_= Ayoko na. Ahetchu all!"

Nagtatawanan lang kami habang papuntasa cafeteria. Marami-rami na ring bumabati at nakakakilala sa akin ngayon.

Lumabas na yung October issue ng Views. Tumawag nga si Tito Luis sakin dahil nag-increase raw yung sales nila. Siguro nagkataon lang na na-curious yung mga tao saken.

May endorsements and tv guestings na rin akong nalabasan. Nahiya nga ako sa ibang shoot e kasi amateur pa talaga ako sa modelling tapos yung ibang partners ko, mga tunay na model talaga. Hay. So anyway, may mga iilang nagtatanong kung may balak daw ba akong pumasok sa modelling industry pero syempre, ayoko na. Gusto kong maging normal na lang ulet. Yun ay kung normal na talaga ako noon pa. :D

Sa 4 weeks after the so-called 'break up' namin ni Red, di ko pa siya nakakausap or nakikita. After ng slight confession ko, feeling ko wala na akong mukhang maihaharap sa kanya. At... hindi pa ako ready para harapin siya. Masakit pa rin naman kasi eh.

Marami rin namang nagsulputang chismis about sa nangyari. Kesyo panakip butas lang daw ako or girl-for-the-month lang daw pero di ko na lang minind yun. Si Jeanel di na nanggulo. Pero si Xander... hay, next question please.

Eri and I... we’re still the same. Lumalabas na rin kami -- ako, Eri, Gene and others, minsan nagbbar hopping, minsan naman shopping. Pero kung present si Red, NEVER akong pumunta.

Sa sweldo ko as a part-time model, 1/2 e dinonate ko dun sa orphanage na tinutulungan nung choir namin habang yung other half, issave ko na lang muna.

"Oh, andun na pala sina Vince and Stan oh."

Lumapit kami sa table kung saan nakaupo yung dalawa. Si Lili at Stan na pala, last last week lang sinagot ni Li si Stan. While Gi and Danna, may nanliligaw. Kainis yang mga yan, sweet-sweetan kaya napaghahalataang bitter ako eh. >__>

"Heya!" Naupo na kami. Nag-order na sila at dahil masyadong akong mabait, nagpa-order na lang ako ng coke in can kay Stan. :D Busog pa naman ako kaya naman drinks lang ang in-order ko.

Marami na ring nagbago. I've got short hair na. Not that short, mga shoulder length na lang. Marunong na rin akong mag-ayos ng sarili ngayon, marunong ng magdrive. May license na nga ako e tapos may part-time job na rin ako aside from modelling. Gumagawa na ako ng pastries ngayon at ino-order lang from us. Ako at si Ales ang taga-deliver. :P Simula nung last pag-uusap namin, naging close na kaming dalawa. Syempre, dahil na rin yun sa fact na balang araw, magiging mag in-laws din kami.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon