Monday morning. 7.25 am.
Nagising ako ng magskandalo ang cellphone ko. Tinignan ko yung digi clock ko na nagsasabing 7.25 am. Sino naman kayang normal na tao ang tatawag ng 7.25 am? Ang aga-aga namang mambulabog neto!
Kinuha ko naman ang phone ko and looked at the screen. Unregistered number. Don’t tell me may stalker na ako? Assuming lang. :D
“Hello?”
“Vee..” hindi pamilyar ang boses. Sino naman daw to?
“Sino to?”
“Si Red to. Remember, kinuha ko ang number mo nung Saturday?” ayy. Oo nga, nalimutan ko.
“Oh, bakit ka naman napatawag ng pagka-aga-aga?”
“Anong maaga? Alas 7.30 na po. Anyway, nakita ko sa sched mo na 10:30 pa ang class mo. Susunduin dapat kita, diba? Ang kaso, straight hanggang 10:30 am class ang class ko kaya hindi kita masusundo.” Ahh. Yun lang pala...
“Okay lang. Mag-jjeep na lang ako...”
“Sigurado ka?”
“Oo. May paa, mata, kamay, bibig naman ako para pumara, mag bayad ng pamasahe at bumaba sa tamang lugar noh.”
“Geez, sorry talaga. Hanggang 3 pm lang ang class ko. Ikaw?”
“Hanggang 4:30 pa. Bakit?”
“Okay. Hahatid na kita pauwi..” ano daw?
“Nahihibang ka na ba?! 1 and a half hour kang maghihintay para lang mahatid ako pauwi?! Wag na, kaya ko naman.”
“No. Maghihintay ako. Pambawi ko na lang dahil di kita masusundo ngayon.”
Ashus. May sweet side din naman pala to.
“*sigh* okay, sige na.. ba-bye na.”
“Text mo ko kapag nakarating ka na ng room mo.”
“Opo boss. Sige, bye.”
“Wala man lang bang, ‘take care’ dyan? Ang sweet mong girlfriend.”
“I know, right? Ingat ka baka matisod ka. Ba-bye na nga.”
I hung up. Bakit kailangan ko pa siyang i-text kung nakarating na ako sa room ko? As if naman may mangyayari diba?
***
So by 10 am umalis na ako ng bahay. 20 minutes ride lang naman galing sa’min papuntang school kaya wag kabahan kung uber late ka na. By 10:20, nakarating na ako ng school at pagtapak na pagtapak ko palang sa gate, ang dami ng tumititig sa akin. Yes, titig talaga. Ano bang nagawa ko?
Trying to be oblivious, naglakad na ako papunta sa room ko which is nasa 4th floor pa ng XH Building. At habang naglalakad ako, panay bulong naman ng mga tao. Okay, I wanna freak out. What’s wrong?! Finally, nakaabot na din ng 4th floor at papasok na ng room ko. Magkaka-peace of mind na rin... or so I thought...
Pagkapasok ko sa room, agad namang nagtinginan yung mga coursemate ko. Naupo na ako sa upuan ko. Ano bang problema nila?
“Violet!” nagulat ako ng biglang sumigaw si Caryl, isa sa mga kaibigan at kabarkada ko. She walked towards me. Nasa likod niya yung ibang kabarkada namin.
“Vee, bakit di mo sinabi?!”
“Di ko sinabing ano?”
“Na nililigawan ka ni Jarred. Correction. Na kayo na pala ni Jarred!” paano niya naman kaya nalaman yun?
BINABASA MO ANG
The Temporary Girlfriend
RomanceFormerly known as "I'm His Temporary Girlfriend" Copyright © Tearscream All Rights Reserved 2013