Chapter One

23.4K 359 7
                                    

"Hindi ka muna siguro makakapag-aral ngayong sem."

Yan ang sabi ni Daddy sakin kagabi. Kasalukuyan akong nasa school ngayon, nasa isa sa mga classroom to be exact. Umiiyak. Siyempre, ikaw ba naman na pursigidong mag-aral at malalaman mong hindi ka na makakapag-aral hindi ka ba maiiyak?

Hindi naman ako kay Daddy galit. Sa sarili ko. Naiinis ako dahil binigyan na nga ako ng pagkakataong mag-aral sa isa sa mga prestigious school dito sa bansa at binigyan na ng chance para makapag-apply ng scholarship eh I blew it away pa.

Hindi kame mayaman. Hindi rin naman mahirap. Nakapag-aral lang talaga ako dito sa skwelahan na to dahil gusto ni dad na dito ako mag-aaral at nag-eexpect siyang magiging scholar ako. Pero ako? Isa akong selfish na tao. Ayokong pine-pressure ako pagdating sa studies ko. Kaya ayan, hindi ako nagpupursiging mag-apply ng scholarship. Na mali pala… kasi ngayon, ramdam ko na isa akong burden sa pamilya namin. Ngayon nararamdaman kong naghihirap na kami dahil sa pagiging selfish ko. T--T

Habang umiiyak ako doon, may isang lalaking pumasok bigla sa loob ng room. Geez! Hindi niya ba alam na umiiyak ako? Kaloka. Pinunasan ko agad yung luha ko gamit ang mga kamay ko. Nawala ko kasi ang panyo ko kanina eh. Sa lahat ng panahon ngayon pa, geez. Ang pinaka ayaw ko pa naman eh yung may lalaking makakakita sa akin na umiiyak.

Miss! Wala bang klase dito?” sabi niya habang nakatayo dun sa may pintuan. Obvious ba?

“Wala ata eh,” sagot ko tapos tumalikod na ako sa kanya. For sure, pulang pula tong mga mata ko. Nakakahiya.

Nagulat na lang ako ng maramdaman kong may umupo sa tabi. Sino pa ba? Tapos biglang may nag-appear na panyo sa harap ko.

“Panyo. Baka kailangan mo,” inabot niya yung panyo niya sa akin. Na-guilty ako bigla. Kung ano-ano mga pinagsasabi ko sa kanya sa isip ko tapos mabait naman pala siya.

“Salamat,” nginitian ko siya.

“Ano bang problema mo? Hindi naman sa nakikialam ako pero siyempre diba, baka makatulong ako.”

Sasabihin ko ba o hindi? Sasabihin? Hindi? Sasabihin o hindi? In the end, sinabi ko sa kanya ang pinoproblema ko. Mas gusto kong mag-open sa mga stranger kaysa sa mga kaibigan ko.

“Gusto ko mang makatulong eh wala naman din akong kakilala o alam na trabaho na pwedeng makatulong sayo. Pasensiya na.”

“Okay lang. Ayos na sa akin yung nakinig ka sa akin.”

Magsasalita na sana siya ng biglang nagvibrate yung phone niya. Binasa niya yung text message at biglang kumunot ang noo niya.

“Uhm, miss, kailangan ko ng umalis. Pasensiya kung hindi ako nakatulong sa’yo ah.”

“Okay lang. salamat ulit.”

Habang tumatayo siya, I glanced at his I.D.

“Sige, mauuna na ako ah? Sana makapag-aral ka na. I’ll look forward to see you here.” At umalis na siya.

Vincent Alessandro Wee… you’re such a nice guy.

*** 

At yun nga ang first meeting namin ni Vincent which is 3 weeks ago. Last week nagsimula yung class. Akala ko hindi na talaga ako makakapag-aral pero mahal talaga ako ni Lord dahil nakahanap ng pera si Daddy ng pang down sa fees ko. So ngayon, isa na talaga akong official student ng school. Ang kaso... may mga subject ako na ittake na hindi ko ka-klase ang mga kapwa kong Education ang kinukuha.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon