Chapter Thirty-Nine

7.6K 155 10
                                    

Its a normal Wednesday. Ako lang talaga ang di normal. Nag-ready na ako papasok ng school. Pagkalabas ko ng bahay, nakita ko si Mang Bert, nakatayo sa gilid nung Everest.

“Good morning, Vee.”

Nagkasundo na kasi kami ni Mang Bert na ‘Vee’ na ang itawag sa akin. Parang tatay ko na rin yang si Mang Bert e.

“Mang Bert, baka eto na last day na ihahatid mo ko papuntang school ah,” I hugged him. Don’t cry. Don’t cry. Don’t cry. And there... I managed not to cry.

“Vee naman. Magkikita pa rin naman tayo at naging parte ka naman ng mga Candry kaya sigurado akong magkikita pa tayo.”

I smiled, “Mang Bert naman... after what happened, you think naman po babalik pa ako sa mga Candry? Hindi na po ata.”

“Oh siya sige, mapilit kang bata ka. Tara na at ng di ka mahuli sa klase.”

Sumakay na ako sa Everest at nagsimula na ring mag-drive paalis si Mang Bert.

Naalala ko na lang ang nangyari kagabi...

*FLASHBACK*

Tumingin si Venisse kay Red, “Hi, Jay.”

Then the next thing was unexpected, she hugged Red and kissed him. Na-timing-an pang nakatingin pala yung mga tao sa kanila kaya nakita din nila yun.

I know madaming nagtaka noon kasi alam nilang boyfriend ko si Red tapos biglang hahalikan siya ni Venisse. Reporters were rushing towards them at bigla na lang akong hinila nina Caryl paalis dun.

Sa room namin kami pumunta – me, Caryl, Gene and Ericka, cause na-stuck na sina Red and Venisse dun sa loob.

“What just happened?!”

“Oh gosh. Now, what would they think?”

“Violet, sana ipinakilala mo na lang ang sarili mo kay Venisse kanina!” Naupo naman ako. Kanina ako pa si ‘bespren’, ako pa si ‘Vee’... ngayon, ako na si Violet.

“Wala ka lang naman bang sasabihin?!” And now... galit na sila sa akin. Especially Eri.

“I’m tired. Can I go home now?” That was the words I managed to say. I think I sound so desperate kaya bigla na lang nila akong niyakap.

“I hate him. I really hate him.” Ericka whispered.

“Don’t. Please don’t.”

Hindi na namin tinapos yung party at hindi na rin namin inalam yung nangyari. Hindi na nga ako nagpalit ng damit eh. Sinukbit ko na lang yung bagpack ko at yung ibang things ko. I wasn’t even aware na masakit na ang mga paa ko dahil sa heels.

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon