“Kung ganyan lang din ang mukha mo huwag na tayo ulit magkikita ah!”
“Ang hard mo naman kay Vee. Eh bakit ba ganyan ka busangot ang mukha mo?”
T^T Pagkatapos nung ginawa ni Xander sa akin, gustuhin ko mang umuwi na lang at magmukmok, hindi pwede dahil magmi-meet pala kaming tatlo. Kaya no choice ako kundi pumunta. Nakakainis lang naman kasi! Bakit siya pa? Dapat ang first kiss ko e sa mismong araw pa ng kasal ko eh. Iniisip ko kasi na hindi ako magpapahalik unless mapapangasawa ko yung hahalik sa akin. Conservative to eh. Wahahaha. :D
“Pasensya naman. May walang hiya lang na nang-inis sa akin kanina,” umupo na ako sa chair na kaharap nila. Lagi silang magkatabi at lagi rin namang nagbabangayan. Ang weird nila eh noh? :P
“Ui, new look ah? Kelan ka nagpaputol ng hair?” sabi ni Sharmaine sabay hawak sa dulo ng hair ko. Ay, thank you ulet kay Lili sa libreng pa-relax. :D
“Last Friday lang. Mas gusto ko tong ganito kesa yung straight. Mukha akong manang.”
“Ay baket, di ka ba manang?” -Mimi
“Hindi ahh. Di nga tayo magkamukha e. :D”
“Psh. Di na kita aasarin dahil malapit na berdey mo. Baka hindi mo ako i-invite eh.”
“Ay!! Dapat iinvite mo kami, Vee! Alam mo naman tong si Mimi, laging gutom. Since masarap magluto si Tita Beige at Ate Lenny, might as well, makikikain na kami sa inyo. :D”
“Iimbitahan ko kayo KUNG may handaan sa bahay kasi kung wala pala kaming handa, nakakahiya naman sa inyo diba?”
“Ikaw? Mawawalan ng celebration? Lagi ka ngang nagpapakain tuwing birthday mo eh.”
“Speaking of birthday.... regalo ko ah?”
“Ano bang gusto mo? Yun din namang can afford namin noh!”
“Yung two feet teddy bear na nakita natin sa klong-klong last time. Please?”
“Ang mahal kaya noon noh! Kay Red ka na lang manghingi nun!”
“Speaking of Red, asan na boyfriend mo?”
“Madaya kayo! Changing topic! Pero ewan ko, busy ata yun eh. At baka may klase pa yun ngayon.”
“Sayang, Sharm. Wala tayong libreng ride pauwi ngayon.”
At talagang yun lang ang gusto nila kay Red e noh? =_=
Nag-order na silang dalawa. Ako ang naatasang magbantay ng gamit namin dito. Habang naghihintay, tinignan ko ang phone ko kung may nag-text. Wala pa ring text galing kay Red. Ilang sandali pa, bumalik na si Mimi and Sharm.
“Ui, nga pala, balita namin babalik daw si Venisse sa bansa? Sana magcampus tour siya noh? Wag dun lang sa school niyo.”
“Kilala niyo rin si Venisse?” Bakit nila kilala si Venisse? Ako lang ba sa world ang di nakakakilala sa kanya?
“Malamang kilala namin. Heler. Nakikibalita rin kami noh. Ikaw kasi, Vee, wag laging libro ang binabasa. Dapat nanunuod ka rin ng mga entertainment news.”
“Ganun ba siya kasikat?”
“Yep. Supermodel na kasi siya. Bago pa man yun, naging cover siya nung Views Magazine at doon siya nakilala. Isang French photographer yung naka-discover sa kanya tapos pinasok siya sa isang sikat na modeling agency. Seriously? Schoolmate mo na yun ah, pero wala kang alam about sa kanya? Isa kang kaawa-awang nilalang. :D”
“Pasensiya naman ah, wala kasi akong hilig dyan. Di naman ako tweetmosa gaya niyo. :P”
“At yung isa pang nakita ko sa isang site, babalik daw siya para siyempre sa anniversary ng Views which is next month tsaka para makapagbakasyon. Pero ang highlight talaga, babalikan niya raw yung ex-boyfriend niya na iniwan niya dito sa bansa!”
Nabulunan ako bigla.
“Uy, ayos ka lang? Nguya-nguya din kasi pag may time!”
“Anong kala mo sakin? Kagat-lunok agad? May naisip lang ako kaya ganun. Sige, don’t mind me.” Ininom ko na yung coke ko.
“Ang sabi pa nga sa tsismis, hiniwalayan niya raw yung boyfriend niyang yun para matupad yung dream niya. Noon pa raw kasi talaga gustong maging model ni Venisse at thanks to her best friend daw at sumikat siya.”
“Naku, sana makilala ko rin yang best friend niya para sumikat ako!”
“Wag na mangarap ng gising, Sharm. Alam naman nating hanggang pangarap lang yan.”
Nagsimula nanaman silang magbangayan doon. Napatigil lang nung bigla akong nagsalita.
“Kilala ko yung best friend ni Venisse at kinuha niya rin akong model para sa designs niya.”
Natigilan silang dalawa tapos bigla-bigla ring tumawa. Mga walanghiyang toh!
“*tawa* Seriously, Vee? Ikaw? *tawa* Wag ka ngang magbiro diyan! *tawa*” –Mimi
“At tsaka, diba, lagi mo ngang tinu-turn down yung pagsali sa Miss Teens noon sa school *tawa* tapos ngayon pang mag-mo-model ka? *tawa*” –Sharmaine
Totoo naman yun. Pag may pageant sa school dati, gusto nung mga kaklase ko na sumali ako e kaso noon, wala akong kumpyansa sa sarili kaya lagi kong inaayawan.
“Serious ako. And ang pinaka-highlight pa neto ay, ako ang cover model ng Views for the month of October.”
“WHAAAT?!”
Napatingin yung ibang mga customers sa amin pero wala lang sa kanilang dalawa. Sanay na mga yan na pinagtitinginan. Mabunganga kasi yang dalawang yan eh.
“As in? OMG!”
“Oo nga, actually, nag-sign na nga ako ng contract with their company last Friday.”
“My gash! Paano na lang pag bigla mong na-realize na ang dream mo pala e maging model? Tapos na discover ka rin ng isang French photographer at napunta sa France?! Same na kayo ng kapalaran ni Venisse.”
“Oo nga, tapos hihiwalayan mo si Red para sa dream mo tapos ma-re-realize mong mas mahal mo siya kesa sa pagmo-model? Nako! Same pa kayo ‘V’ nagsa-start ang name!”
“Tapos pagbalik mo, kami na ni Red.”
“Ay grabe ka! Akin na si Red. *turns to Violet* kung aalis ka, kanino mo ipauubaya si Red? Sakin o kay Mimi?”
Ang kukulet nila! >.<
“Wala. Anong imahinasyon ba kayo meron? Wala ni isa dahil hindi naman ako aalis mga weird!” Nagpatuloy lang sila sa pag-daydream doon at ako naman kinontinue lang ang pagkain.
May iniisip ako na napakalalim na kahit ako mismo di ko kayang intindihin kung ano yun. Paano na lang pagtama ako? Paano na lang ako.
“Oi, wag ka mag-alala, mahal ka nun, tiwala lang.” Napaangat naman ang ulo ko sa sinabi ni Sharmaine. Ano daw?
“Ano?”
“Yan ang sinasabi sa akin ng mga ka-block ko kapag malalim ang iniisip ko.”
“Ang kaso Sharm, di ka naman niya mahal kaya wag ng mag-assume!” natawa na lang ako sa pag-aaway nilang dalawa. Ayoko ng mas isipin pa yung pangit na thoughts ko... baka mas masaktan lang ako.
--
<3 Tear.
BINABASA MO ANG
The Temporary Girlfriend
RomanceFormerly known as "I'm His Temporary Girlfriend" Copyright © Tearscream All Rights Reserved 2013