Chapter Thirty-Seven

7.5K 126 2
                                    

“Please don’t forget that the last day of submitting your requirements is on Saturday already. I’ll ask the beadle, Arcillas, to collect everything at exactly 2 pm. If you passed it at 2:01, I’m sorry but I will not receive it, okay? I’ll give you time to prepare for it. Class dismiss.”

Lumabas na ng room si Ma’am. Kahit kelan talaga, ang strict niya pero mabait naman yan. Kanya-kanyang labas na ng netbook at gawa ng requirements. Thursday na kasi ngayon. Ang bilis ng araw noh? Parang kailan lang June pa, ngayon September na. Haaay.

Ginawa ko na ‘yung requirements ko sa bahay kahapon at finishing touches na lang gagawin ko tsaka ipa-print. Sabe senyo eh, dapat ako ginagawa niyong role model. :P

“Vee, tapos ka na?” sabi ni Caryl sabay pindot ng pindot sa netbook niya. Pagtingin ko, ay wow. Akala ko gumagawa ng requirements yun pala nag-f-facebook. =_=

“Yep. Konting ayos na lang sa grammar and printing tapos ready to pass na siya.” Sagot ko sabay tingin kung may mga grammatical errors ba sa gawa ko. Hindi ako perfectionist ah, sadyang strikto lang talaga yun si Ma’am pagdating sa rules of language.

“Wow naman. Tapos na rin ako, actually. Sabay na tayo pa-print ah?”

“Okay. Ano ba yang tinitignan mo dyan?”

“E kasi naman, sa Tuesday na yung annual event ng Views. In-invite yung company nila Caryl, tinignan niya kung sino mga pupunta rin.” –Jenny

“Talaga. Wow naman.” Pagkatapos kong ayusin yung gawa ko, isinave ko na ‘yun.

“Diba lalabas ka as cover next month? Wala ka bang natatanggap na invitation?” –Marj

“Wala naman. Bakit? Lahat ba ng nagmo-model e invited din?”

“Oo kaya. Sa iisang event na kasi nila ginagawa yung pagcelebrate para sa Views. Kaya invited lahat ng iba’t ibang company owners, artists and models, staff, at mga stores kung saan available ang Views wear.” –Caryl

“Ahh. Ganun pala yun. Uy tapos na ako, kayo?”

“Hindi pa ako tapos eh. Punta na kayo?” –Jenny

“Ipa-print ko na lang tapos uuwi na rin ako.”

“Sige. Mauna na lang kayo ni Caryl. Sabay-sabay na lang kami nina Jenny and Marj.” –Angie

Nilagay ko na sa bag yung netbook at inayos ko na yung gamit ko. Lumabas na kami ng room at pumunta sa Computer Lab para magpa-print.

“Kasabay mo uuwi si Red ngayon?”

“Hindi. Sabi ko kasi sa kanya may tatapusin pa akong requirement kaya mauuna na akong uuwi.”

“Anong requirement naman yun? Baka mamaya may nalimutan akong gawin ah!”

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon