Chapter Thirty-Eight

7.8K 151 8
                                    

Its Tuesday na at maaga kaming lumabas ng school ni Caryl. Nagkasundo kami na sabay ng pumunta sa event. Dapat si Red ang kasama ko ngayon e pero sabi ko, kay Caryl na lang ako sasabay dahil kinakabahan ako.

Sa Veracity Hotel na kami tutuloy agad. Kumuha na kami ng room kung saan kami magbibihis tapos dadalhin ni Ericka yung damit ko doon. Yes, si Eri ang magssponsor sa susuotin ko ngayon tsaka na rin siya mag-aayos sa aming dalawa ni Caryl. Masaya talaga pag may sarili kang image stylist. Feeling mo ang importante mo. :D

Pagdating sa hotel, dumiretso na kami agad sa room namin. Room 317. Geez. Third floor pa. Haay. Ewan ko ba kung bakit ako kinakabahan. Di naman sana ako magpeperform mamaya or highlight ng event. Siguro dahil eto ang first time kong um-attend ng ganitong party? Hay ewan.

“Ikaw na unang maligo, Kah. Wait ko na lang si Eri dito.”

“Uh know naman, ang tagal ko kasing maligo kaya dapat lang paunahin mo na ako. :P”

“Kaya nga eh. Wala ka na ngang natitirang germs sa katawan dahil masyado kang malinis. Tignan mo nga skin mo, sobrang puti na!”

“Ang nagsalita parang di maputi!”

“Tse. Maligo ka na nga!”

Natatawang pumasok siya sa loob ng banyo. Ako naman nakaupo sa kama at manunuod ng anime sa hero ;D

Bigla namang may kumatok sa pinto. So, malamang lang eh buksan ko diba? :D Pagkabukas ko, nakita ko si Ericka na may hawak-hawak na dalawang dress bag. Pinapasok ko siya.

“Ah, thank God nadala ko rin dito.” Nilagay niya yun sa kama. Dito na rin ba to magbibihis? O.o

“Dito ka na magbibihis?”

“Yes, of course. At dahil ako ang image stylist mo, ikaw naman ang magiging image stylist ko. :D Sabi pa kasi sakin ni Mamu, ikaw daw ang overall stylist nina Ate Mags and Purple. Kaya, ittry naten ang talent mo. :D”

“Kahet di ka naman mag-ayos eh maganda ka pa rin naman.”

“Kung si Gene nagsabi niyan, kikiligin ako pero dahil ikaw nagsabi, thank you. :D”

“Di ka masyadong masaya, Eri. Promise.”

“Asan na si Caryl?”

“Andun, naliligo pa. Hintayin na lang muna naten.”

After 45632438 seconds, natapos din si Caryl.

“Inubos mo na ba yung tubig na lumalabas sa shower? :P” sabi ko.

“Malapit na nga e. Para di ka na makaligo. *turns to Ericka* Uy, hellow.” Pumasok na ako sa banyo. Naghalf bath lang ako. Yung buhok ko kasi, mahaba parin kahet layers na to. Eh mahirap pa namang magblow dry!

***

Pagkatapos ng ilang minuto sa banyo, lumabas na ako. Patapos na sa pag-make up si Eri kay Caryl. Tapos na rin yung hair niya. Kinulot ng napaka-bongga. Ang cute nung pagkakulot.

“Oh, Vee. Patapos na si Caryl. Magpatuyo ka na dyan at ikaw na ang susunod. :D” Nagstay lang ako doon sa harap ng aircon. De, joke lang. XD Nakatingin lang ako sa kanila.

“Uy Eri. Kapag ayaw mo ng maging photographer for life at ayaw mong magtrabaho sa kumpanya niyo, gawa tayo ng sarili nating beauty shop. :D” Ganda ng idea ko noh. :P

“Wag na. Magtayo ka na lang ng sarili mong bakeshop. Doon na lang ako makikikain. :P Tara na dito, bihis ka na, Kah.”

Umupo na ako sa chair na ibinakante ni Caryl, “Light lang ang eye shadow ah! Wag makapal gaya nung photoshoot!”

The Temporary GirlfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon