5.15 am.
Ang aga ko namang nagising. Tumayo ako at naghilamos na saka bumaba. Wala pang gising sa kanila..
Nag brew lang ako ng coffee at nag-toast ng bread. Pagkatapos noon, umakyat na para maligo. Nagbihis lang ako at lumabas ng bahay..
6.20 pa lang. Gusto ko sanang maglakad papuntang church pero nakakatakot naman dahil madilim pa. Buti na lang nagjacket and cap ako, mukha na akong may gagawing masama. :D
*beep beep*
Napalingon ako, tapos binaba nung tao yung window ng kotse niya, "Violet?"
Ui, kilala ako! :D Lumapit ako at nakita kong, "Kuya Sham?"
"Ako nga. Pasan ka?"
"Church, kuya. :)"
"Oh. Tara, papunta rin ako dun. Tagal na tayong di nagkakasama."
Sumakay na ko sa kotse niya at papunta na kaming church.
Si Kuya Sham ay kasama ko sa choir noon. Nung nag-college kasi ako, grumaduate na ako sa pagiging member habang si Kuya Sham na yung parang mentor nila. Pagdating namin doon, tinanggal ko yung cap and jacket ko at nilagay ko sa sling bag ko.
"Gusto mo sa taas muna tayo? Wala ako masyado makausap doon kasi puro HS lang yung andoon."
"Tanda na kasi natin, kuya. :D"
"Oi, ikaw lang kaya!" tumawa kami at umakyat sa hagdan. Doon kasi yung place kung saan kami nagppractice at kumakanta pag nagstart na yung mass.
"Good morning, Kuya Sham!" bati ng mga bata doon. Parang mga 14 to 16 years old pa lang sila.
"Good morning! Nga pala, Ate Violet niyo. Member dati ng choir natin, kaso umalis din nung nag-college na."
"Good morning!"
"Good morning po!" nagsimula na rin sila sa pagpractice. Doon na lang ako nagstay dahil nakiusap si kuya kung pwede raw e ako muna guitarist nila at siya ang magpapiano.
***
"Vee, magsolo ka mamaya sa communion," napalingon ako kay Kuya Sham. Nanlaki ang mata ko dahil kita kong di siya nagbibiro sabay exasperated way ng pag-iling.
"Sige na. Gift mo na sa kanila, makapagpahinga lang sila. At isa pa, kabisado mo na ang chords and lyrics nito. Please?"
Napalingon naman ako sa mga bata. True enough, mukhang pagod na nga ang bata. Tapos mamaya kakanta nanaman sila. Sigh.
"Sige na nga..." pumwesto na ako dahil magccomunion na sila.
Lord, I offer my life to You
Everything I've been through
Use it for Your glory
Lord, I offer my days to You
Lifting my praise to You
As a pleasing sacrifice
Lord, I offer you my life...
"Woo, Vee. Di pa rin kumukupas galing natin ah. :D"
"Shedep kuya.."
"Ate, thank you. Nag-enjoy kami kasama ka."
"Oo nga po. Balik ka na ng Seraph's, Ate Violet."
"Naku, bibisita na lang ako madalas dito. Busy na rin kasi ako e," tumingin ako kay Kuya Sham, "Kuya, alis na po ako. Ba-bye na."
"Balik ka ulit, Ate Violet! Ingat!"
BINABASA MO ANG
The Temporary Girlfriend
RomansaFormerly known as "I'm His Temporary Girlfriend" Copyright © Tearscream All Rights Reserved 2013